Chapter 2

53 17 13
                                    

GOOD THINGS HAPPEN TO A GOOD PERSON.

Every Sunday Mommy and I had the habit of paying the house of Jesus a visit.

Sabi kasi ni mommy kapag lagi raw namin binibisita si Jesus, ang lahat ng prayers namin ay agad niyang masasabi kay Papa God.

Nagdarasal din kami kay Mama Mary, pero minsan hindi ko maiwasang isipin na baka busy rin si Mama Mary sa heaven kung papakinggan niya rin ang mga wishes ko. Pwera pa kasi kay Jesus maraming pang mga anak sila Mama Mary at Papa God. May anak sila na nakatira doon sa heaven na mas kilala ng lahat bilang guardian angels na sila ring pumoprotekta sa mga tao na nakatira dito sa mundong ginawa ni Papa God sa ating lahat.

Hindi man natin nakikita si Papa God, pero makikita naman natin ang ginawa niya para sa atin dito sa malaking bahay na ipinagkaloob niya sa atin na ginawa niya sa loob ng pitong araw ayon sa nabasa at naintindihan ko sa nakasulat sa Bible.

"Lahat ng may buhay ay nilikha ng Diyos. Lahat tayong nasa mundong ito ay isang malaking pamilya na konektado sa isa't-isa nang dahil sa Kanya." Nakaturo ang hintuturo ni Father sa itaas, "Hindi porket magkakaiba tayo ng kasarian, kulay, lahi, kultura, paniniwala at iba pang kategoryang naghihiwalay sa atin ay hindi na iisa ang kulay ng ating mga puso." dagdag ni Father sa kanyang pangaral habang nakalagay ang kanyang palad sa kanyang dibdib. "Binuo tayo ng panginoon mula sa imahe ng kanyang pagmamahal. Kaya bilang pasasalamat sa regalong handog niya para sa atin, mahalin at alagaan natin ang buhay na meron tayo sa mundong ito."

Nang matapos na ang misa, hindi pa kami umalis agad ni mommy. Mukhang may wini-wish pa siya kay Papa God. Ginaya ko na lang rin siya. Pero dahil sa hindi ko abot kung saan nakapatong ang siko ni mommy, nagpray na lang ako ng nakaluhod sa tabi niya.

'Dear Jesus, sana po mapagbigyan po ako ni Papa God sa wish kong ito... Sana po bago ako mag-birthday, makasama na namin si daddy. Sana rin po ay hindi na niya kailangan pang umalis at magtrabaho sa malayo kung saan malayo po siya sa family niya. Ingatan niyo po ang daddy ko Papa God. Sana po maramdaman niya kung gaano po namin siya nami-miss ni mommy.'

Nang matapos akong mag-pray, napansin kong nakatingin sa akin si mommy na may malawak na ngiti sa kanyang labi. Napahaba ata ang pag-wi-wish ko kay Papa God, "Okay ka na ba, anak?" Tanong ni mommy sa akin na nakangiting tinanguhan ko lang.

Pagkalabas namin ng gate ng simbahan ang unang hinahanap namin ay yung nagbebenta ng sampaguita na 'suki' ang tawag kay mommy. Ngunit ibang tao ang nakita namin na nakaupo sa kinagawian na pwesto ni manang, isang bata. Hindi ko alam kung ilang taon na siya pero hindi ba't masyado pa siyang bata para magtrabaho?

Hindi ko maalis ang mga mata ko sa itsura niya dahil butas-butas ang suot niyang damit na nakatingin sa kawalan. Lumapit kami ni mommy, pero hindi niya kami agad napansin.

"Hija, anak ka ba ni Rhea?" Kaswal na tanong ni mommy sa batang mas maitim pa sa akin. Siguro kaya ganoon ang kulay niya kasi babad siya sa araw, para siyang pinsan ko na langing nagpapalipad ng kite sa likod bahay nila lolo at lola. Tumayo siya sa kinauupuan niya, hindi ko akalain na mas matangkad siya sa akin ng konti, pero ang payat niya. Para na siyang walis tingting.

"Ah, ako nga po." magalang na sagot ng bata kay mommy, "Kilala niyo po ang nanay ko?"

"Oo. Sa kanya kasi ako lagi nabili ng sampaguita eh." sagot ni mommy sa kanya, "Nasaan pala siya?"

"May sakit lang po siya ngayon. Ako na lang po muna ang mag-uubos ng mga sampaguita ni inay." mapanglaw na sagot ng bata kay mommy, "Ilan po pala ang kukunin ninyo?" Tanong ng bata na pilit na ngumiti sa harapan namin.

"Lahat. Kunin ko na lang itong lahat, Nene." ani mommy sa bata. Ang dami naman ng kukunin ni mommy, mamaya niyan maging damit na ng Santo namin yung mga sampaguita na binili niya doon sa bata. "Heto bayad ko paki-plastic na lang." nakangiting dagdag ni mommy, "Para na rin makauwi ka na sa nanay mo."

Invisible StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon