| PART ONE : 1995
INJECTION IS WORSE THAN EAR PIERCING.
Hindi ako sigurado kung umiyak ba ako ng sobra noong binutasan ang tenga ko o masyado pa akong bata para maalala ang alaalang iyon.
Pero ang kirot na naramdaman ko nang tumagos sa balat ko ang injection na hawak pala ng mabait na doktor sa kanyang likuran kanina pagkatapos niya ako alukin ng lollipop ay tiyak na hinding hindi ko makakalimutan.
Pinapakalma ako ng doktor kasama ng nurse na pinakiusapan ni mommy kanina dahil ilang beses ko nang nilalayo ang braso ko sa kanila para lang hindi ako matusok ng karayom.
Sa huli ay wala na rin akong nagawa kundi ang umiyak habang yakap-yakap ako ni mommy habang hawak ng nurse ang braso ko kung saan ako tinurukan ng hindi mabait na doktor. Mabilis din namang napalitan ng band-aid ang karayom na nakatusok sa akin kanina na may amoy ng alcohol na pink.
Hindi ko na maalala kung kailan kami huling dumalaw dito kay doktora, ang akala ko nga hindi niya ako babakunahan ngayon. Sa totoo lang, mas mabait siya kapag wala siyang dala-dalang injection. Wala naman akong sugat o sakit, para pumunta kami ni mommy dito. Ayaw na ayaw ko pa naman pumunta dito sa ospital.
Ang akala ko pa nga kaya kami maagang umalis ng bahay ni mommy ngayon kasi pupunta kami sa mall. Excited pa naman akong naligo kanina at sinuot ang paborito kong overalls.
Pumunta kami ni mommy sa Jollibee kanina. Noong nag-order siya ng kakainin namin at nag-save ako ng upuan para sa aming dalawa. I behaved like I am supposed to. Nagpaka-good girl naman ako pero bakit ngayon, pakiramdam ko para niya akong pinaparusahan?
"Okay na Vie, wala na yung injection." The doctor gave me a warm friendly smile as if nothing happened. "Hindi ba parang kagat lang ng langgam?"
Kung kagat lang ng langgam iyon, mas pipiliin ko na lang na magpakagat sa langgam kaysa ang maturukan ng injection.
Tinago ko ang mukha ko mula sa kanila habang humihikbi sa balikat ni mommy. Gusto ko ng umalis dito.
Naramdaman kong hinagod ni mommy ang likuran ko hanggang sa unti-unti na akong tumatahan. Hindi ko sila bati.
Nagpasalamat si mommy kay doktora kasabay ng paghingi niya ng pasensya dahil lang sa hindi nila ako agad na naturukan kanina.
"Ikaw talaga Vie, big girl ka na pero takot ka pa rin sa injection." ani mommy na para bang tinutukso niya ako, "Nakayanan nga mga ibang bata yung injection eh."
Ibang bata iyon.
"Alis na po tayo dito mommy." pinalobo ang pisngi ko.
"O siya, siya... pupunta na tayo ng mall. Okay?" Umiwas ako ng tingin at hinalikan niya ako sa noo. Ibinaba na rin niya ako mula sa kanyang bisig, "Nag promise din kasi ako kay Doc na bibisitahin natin siya dito bago tayo pupunta sa mall, kaya tayo nandito." Hinila-hila ko siya para makaalis na kami ng clinic pero hindi ko magalaw si mommy. "Come on Vie, say 'thank you' kay Doktora." panghihikayat ni mommy pero ayaw ko.
"Ayos lang po iyon Mrs. Montes. Don't worry." nakangiting ani ng doktora kay mommy at lumebel sa akin, "Vie kailangan mong maintindihan na kailangan ng katawan mo ng injection para ilayo nito ka sa sakit."
"No injection. Drinking vitamins is better."
Tinawanan ng doktora ang sagot ko. Sabi na nga ba, hindi siya mabait. Kinagat ko ang ibabang labi ko, pinipigilan kong simangutan siya. Sabi kasi ni mommy huwag ko raw simangutan ang mga nakakatanda sa akin. Bad daw iyon.
"Iba pa ang vitamins sa vaccination Vie." Inabot ni Ate Nurse yung maliit na notebook kay doktora at tinatakan iyon. Ibang stamp ang gamit niya ngayon. Isang nakangiting orange baby octopus ang nakita kong tinatak niya sa notebook na nakapangalan sa akin. "Tinutulungan ng vitamins ang katawan natin para maging healthy tayo. At kaya tayo binabakunahan every once in a while kasi iyon ang shield natin laban sa bad bacterias and viruses." paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Invisible Sting
Ficción General[A TAGLISH YOUNG ADULT NOVEL] 'Little jellyfish swimming in the unknown, when will you swim back home?' Evangeline 'Vie' Montes lived her younger years filled with light and color, with her happy and perfect family. Not until a tragedy happened wher...