01 - PAG-ALALA

176 2 0
                                    

December 9

Nakaupo si Blaze sa isa sa mga upuan sa Cafeteria habang may malalim na iniisip. Naalala kase niya ang nangyari kahapon sa kanilang dalawa ni Ice, ang kanyang bosom buddy o best friend. Kakaiba kase ngayon ang mga ikinikilos ni Ice.

~Flashback (December 8)~
"Kanina ka pa ba Ice?, tanong ni Blaze. "Di mo ata kasama sina tito at tita." habang tinitingnan ang likuran ni Ice kung may kasama ito.

"Ako lang, Dad and Mom are not with me, kailangang pumunta sa Manila at may mahalagang aasikasuhin," tugon ni Ice habang daretsong upo sa sofa.

Tinitigan ni Blaze si Ice, "May problema ba?, tanong nito kay Ice.

Tumingin lang si Ice kay Blaze. Tumabi si Blaze kay Ice at hinampas ito sabay sabit, "Bes, ano ka ba? What the problem?.. wag mong sabihing wala, kilala kita, kulang na lang e maging kambal tayo sa sobrang solid natin."

"Sigurado ka? Kilala mo ba talaga ako?," malamig na tugon ni Ice.

"So, may problema nga? Ano yon?," seryosong tugon naman ni Blaze.

"Wala," si Ice na iyamot na. Kinulit nang kinulit ni Blaze si Ice hanggang sa sumigaw na ito, tumayo at lumabas ng bahay. Dali dali itong sumakay sa kanya motorsiklo at humarorot ng takbo.

Naiwang tulala si Blaze sa inasal ng kanyang kaibigan. Nalungkot ito dahil hindi natuloy ang lakad nila.

~End of Flashback~

Hanggang ngayon di pa nakikita ni Ice ang kaibigan, di pa rin sila nagkakausap simula kahapon.

Dumating ang dalawang kaibigan nila na si JR at Mervyn.

"O, Where's Ice? Haven't seen him today?" pagtatakang tanong ni Mervyn.

Kibit balikat lang naman ang itinugon ni Blaze. "Nag-away ba kayo?" tanong naman ni JR.

Sasagot pa lang sana si Blaze nang biglang nakatanggap sya ng missed call sa Mama ni Ice, sabay tanggap nang message mula dito.

-Blaze, nakausap mo na ba si Ice? Di kase makontak, di rin nagrereply sa mga messages ko. Dito pa kami sa Manila ng Tito mo. May mahalaga lang kaming inaayos.- Tita Jen

-Di pa po tita. Try ko po syang tawagan.- Blaze

Walang atubiling tinawagan ni Blaze si Ice pero di nya ito makontak.

Dali-dali itong tumayo at hinagip ang kanyang bag sabay sabing, "Bro, iwan ko muna kayo ha, puntahan ko lang si Ice."

Halos liparin ni Blaze ang paglalakad patungo sa parking lot ng university, sumakay sa kanyang kotse at mabilis na pinaandar ito.

"Ano bang nangyayari sa'yo Ice?" nag-aalalang wika nito sa sarili.

*Ano nga ba ang nagyayari kay Ice ngayon? Ano ba ang problema nito? May kinalaman ba dito si Blaze? Matulungan kaya ni Blaze ang matalik nyang kaibigan?

Bosom BuddyWhere stories live. Discover now