08 - PAGHALIK

27 2 0
                                    

Sa kabila nang mga nalaman ni Blaze sa kaibigang si Ice ay di naman nagbago ang pakikitungo niya sa kaibigan.

Araw kung saan may laro ng basketball si Ice, bilang pagsuporta ay nanonood si Blaze. Nakaupo ito malapit sa bench nina Ice. Masayang nakita ni Ice ang kaibigan.
Lumalamang na ang team nina Ice laban sa kabilang team, magandang ang ipinapakita ng bawat players sa team ni Ice. Masayang masayang nag-che-cheer si Ice para sa kaibigan, maya maya ang nakita niya ang mga kaklase at kadancer niya sa loob ng gym, kinawayan ito ni Blaze sinabing doon pumwesto sa may likuran niya at may mga bakanteng upuan pa.

"Muza, dito kayo!" sigaw ni Blaze. Papalapit naman kay Blaze ang mga kaibigan. Umupo si Muza sa tabi ni Blaze, habang ang iba naman ay sa likuran nila. Todo ang oag-che-cheer nang mga ito sa team ng university nila.
Last two minutes at talagang mainit ang laban, lamang ng isang puntos ang kalabang team nina Ice. Hawak ni Ice ang bola at ilang sigundo nalang at matatapos na ang laro. Naishoot ni Ice ang bola nang points. Nanalo ang team nina Ice. Masayang masaya ang majority ng crowd sa pagkapanalo ng team nina Ice. Sa sobrang tuwa ni Blaze at napayakap siya kay Muza, ganoon din naman si Muza.

Kitang kita ni Ice lahat nang mga nangyari. Naningkit ang mga mata niya sa galit at selos. Di maiwasang sumikip ang dibdib niya, nahihirapan siyang huminga. Sa kabila ng kasiyahan ng buong team ay kita ang pagbagsak ni Ice.

Nagkagulo ang mga nasa audience. Nagulat sa nangyari kay Ice, nabigla din si Blaze, agad niyang tinungo ang kinariroonan ni Ice.

"Bes?! Bes!? Ok ka lang, anong nararamdaman mo?" pag-aalalang tanong nito kay Ice.

Namumutla si Ice, kitang kita na hirap ito sa sitwasyon nya. Dinala agad siya sa ospital. Sumunod dito ang kaibigan.

Habang nasa kwarto at binabantayan ang natutulog na si Ice ay pumasok si Dra. Pinky.

"Doc, ano po bang nangyari? Kumusta po si Ice?" tanong nito kay dra.

"Nagstruggle sya sa paghinga, siguro may nakita o nalaman sya na maaaring makapagpatrigger sa kanya. Na-inform ko na ang parents nya na currently e nasa Singapore for a business trip. Blaze, you're the only one with him as of the moment." sabi nito kay Blaze.

"May mga ibibigay akong instruction sayo if ever na maencounter nya ulit ang ganito, guide him for breathing exercise, isend ko sayo ang video para maguide mo sya. Always be with his side. Nasa stage kase sya na di nya pa marecognize o macontrol ang emotions nya, kapag malungkot sya, talagang malungkot sya at sobrang down, kapag masaya naman e extreme din ang saya nya, pero yung in between, di nya pa kayang irecognize o iprocess. Sa food, ganoon pa din ang kailangan nyang gawin, pero more on vegatables and fruits for him." pagpapatuloy ni dra.

Tango lang ng tango si Blaze sa mga sinasabi ng doctor sa kanya. Nang makaalis ang doctor ay umupo si Blaze sa silya sa tabi ni Ice. Nakatulog si Blaze sa ganoong pwesto. Maya maya e nagising na si Ice, tinitigan nito ang kaibigan. "Bes, si Muza ba? Siya ba ang taong nakakapagpasaya sayo? Sya ba ang kailangan mo?" tumigil ito saglit, naiiyak na umimik muli habang hinahaplos ang mukha ni Blaze. "Pwede bang ako na lang Blaze. Ako na lang." Malungkot na pagsasabi nito sa kaibigan.

Umayos sa pagkaka-upo si Ice, dahan dahan nitong inilapit ang mga labi niya sa labi ng kaibigan, dampi lang pero matagal, pumatak lalo ang luha ni Ice. Bumalik siya sa pagkakahiga habang nakatingin pa rin sa kaibigan.

Di alam ni Ice na naalimpungatan na pala si Blaze, dinig na dinig niya lahat nang mga sinabi ni Ice, di niya alam kung mumulat ba siya o hindi hanggang sa nagulat siya nang inilapat ng kaibigan ang labi nito sa kanya. Di alam ni Blaze kung ano ang gagawin niya. Nagpanggap na lang siyang tulog, iniisip kung anong nangyari at kung ano ang gagawin niya. Halos isang oras na nagpanggap na tulog si Blaze, nang maramdaman niya na nakatulog na ulit si Ice ay nagmulat na ito ng mata. Tiningnang ang kaibigan, hinawakan ang dibdib niya. Umalis na ito na napakadaming tanong sa isip nya.

Tinawagan niya si Manang para ito muna ang magbantay sa kaibigan.

Nang makarating ito sa kwarto nya. humiga ito sa kama na may malalim na iniisip. "Bakit ako Ice? Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga narinig ko. Sobra akong naguguluhan."

Araw-araw pa ring bumibisita si Blaze kay Ice sa ospital habang nakaconfine ito, pero itinataon ni Blaze na tulog ang kaibigan, di nya kase alam kung paano sya haharap sa kaibigan, sobrang naguguluhan sya. Di nya alam kung ipapaalam nya ba sa kaibigan na narinig nito ang mga sinabi nya. Di nya alam kung sasabihin nya ba dito na alam nyang hinalikan sya mg kaibigan.

Hanggang sa mga panahong ito ay ramdam at naiisip pa rin ni Blaze ang paghalik ng kaibigan sa kanya. May kakaiba silang naramdaman sa mga oras na iyon.

Dumaan ang mga araw, lagi pa ring magkasama ang magkaibigan pero ramdam nang bawat isa ang awkwardness. Parehong tahimik lang, parehong di alam kung paano pakikitunguhan ang isa't isa.

*Hanggang kailan kaya ang ganoong sitwasyon sa pagitan ng magkaibigan. Aminin na kaya ni Ice sa kaibigan ang nararamdaman nya? Sabihin na kaya ni Blaze na alam nya ang nararamdaman ng kaibigan? Paano kaya tatanggapin ni Blaze ang kaibigan kapag umamin na ito sa kanya? Handa ba si Blaze sa ganoong relasyon o di si Ice ang pinapangarap nya?

Bosom BuddyWhere stories live. Discover now