10 - PAGTANGGAP

27 2 0
                                    

Napakabilis nang pagtakbo ni Ice. Kahit anong tawag ni Blaze sa kanya ay di sya lumilingon, hinabol sya nang kaibigan hanggang sa maabutan siya nito. Pilit syang pinipigilan ni Blaze, sa pag iwas at pagpupumiglas ay tumigil na din si Ice. Umiiyak pa rin ito.

"Bes, ano bang problema? Bakit mo ako iniwan?" tanong ni Blaze sa kaibigan.

"Tama na Bes, hayaan mo na lang ako. Magiging ok din naman ako." sagot ni Ice.

"Bes, di mo pa naririnig lahat nang mga dapat kong sabihin." pagpipilit ni nito kay Ice.

"Wag na Bes, ok na, tanggap ko na, tanggap ko na na kahit kailan hindi mo matatanggap ang nararamdaman ko. Tanggap ko na na hanggang magbest friend lang tayo." patuloy na pag iyak at pagsasalita ni Ice. " Tanggap ko na na si Muza ang babaeng pinapangarap mo, ang taong gusto mong makasama habang buhay. Masaya ako para sayo, wag mo akong intindihin. Akala ko lang kaya mo akong mahalin ng higit pa sa kaibigan." pagpapatuloy ni Ice.

"Ha?! Bakit napasama si Muza? Anong sinasabi mo?" pagtatakang tanong ni Blaze.

"Di ba nga, kaya mo sya isinama dito, kase nagtapat ka na sa kanya, para pormal mo sya maipakilala sa buong pamilya, sa pamilya, sa pamilya ko, sa pamilya mo. Nakita ko best, nakita ko kayo kanina habang nagtatapat ka sa kanya. Nakita ko kung paano mo sya kinausap, titigan at hawakan ang mga kamay. Wag mo nang ipamukha sa akin na kahit kailan di pwedeng ako ang taong gusto mong makasama habang buhay." sabi ni Ice.

"Bes, ano bang sinasabi mo? Kasama ko dito si Muza kase, nagpatulong ako sa kanya para maset up ang venue. Yung nakita mo kaming magkausap at magkahawak ang kamay, nagpapraktis kami, ipinaririnig ko sa kanya ang mga gusto kong sahihin sayo, at saka may boyfriend si Muza, si Rhio, dapat kasama sya dito para tulungan din ako kaya lang nagkaroon ng biglang lakad kaya si Muza na lang nakasama." pagpapaliwanag ni Blaze, MJ ukaha naguguluhan at nalilito si Ice sa mga sinasabi ng kaibigan. Inilapit ni Blaze ang mukha ni Ice sa kanya, hinawakan nang dalawang kamay ang mga mukha ng kaibigan habang pinupunasan ng hinlalaki ang mga tumutulong luha sa mga mata ni i Ice. "Bes, alam ko naguguluhan ka, tanda mo ba noong nasa ospital tayo, nagtapat ka nang nararamdaman mo tapos hinalikan mo ako sa labi, alam ko yon, gising ako noon." Tumingin si Ice sa kaibigan na tila lalong naguguluhan. "After noon, di ba parang di tayo masyadong nagsasama, at tila iniiwasan kita, hindi kita iniiwasan, gusto ko lang masigurado sa sarili ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sayo. Grupo namin nina Muza ang mga sinabihan ko at hiningan ko nang payo kaya lagi kaming nasa bahay. Noobg una kase di ko rin matanggap kung ano ba talaga nararamdaman ko sayo. Sabi ko mali kase pareho tayong lalaki, sina Muza ang tumulong sa akin para marealize ko kung ano ba talaga ang nasa puso ko. Di ako attracted sa ibang lalaki, pero pagdating sayo iba, kaya kong magmahal ng isang lalaki, basta ikaw, ikaw lang at wala nang iba. Ikaw ang taong tinutukoy ko Bes, ikaw ang taong gusto kong makasama habang buhay." may ngiti sa mga labi ni Blaze habang sinasabi nya ito. Di rin naman mapigilan ni Ice ang mapaiyak lalo, siguro dahil hindi nya inaasahan ang mga sinabi ng kaibigan.

"Mahal kita Ice, mahal na mahal, mula noon hanggang ngayon at magpakailanman. Mahal kita higit pa sa best friend at handa akong isugal ang pagkakaibigan natin para maipakita at maipadama sayo ang nasa puso ko." buong pusong pagtatapat ni Blaze kay Ice.

"Mahal din kita Blaze, matagal na, di ko lang alam kung paano ko tanggapin ang ganoon, natakot ako, hindi ko alam kung paano ko sya sabihin sayo. Natakot ako na baka di mo ako matanggap." sagot ni Ice sabay yakap ng mahigpit sa kaibigan at tumugon din ng mahigpit na yakap si Blaze.

Habang magkayakap ang dalawa ay dumating si Muza, " Blaze, Ice, sorry but I need to go, sususnduin ako ni Rhio."

"Hatid ka na namin," sagot ni Blaze sabay akbay kay Ice.

"Wag na, you need to talk more and spend time together. Wag kayong mag alala at ako na bahalang magpaalam kina tito at tita. See you next month, enjoy your vacation and CC congratulations in advance." pamamaalam ni Muza sabay kindat sa dalawa.

Tinataw ng dalawa si Muza, naglakad lakad muli ang dalawa pabalik sa sinet up nina Muza at Blaze. Inayos pala ni Muza lahat bago ito umalis, ang romantic background music, wine and two glasses with candle lights sa paligid nang nakalatag na kumot na may mga pillows, very romantic ang ambiance.

Naupo ang dalawa sa inihanda ni Muza, tahimik lang ang dalawa, nagsalin si Blaze ng wine sa dalawang baso, iniabot nito ang isa kay Ice, "Konti lang Bes, bawal sayo, nakadami ka na kanina." sabay tawa nito. "Kaya ka ba uminom kanina, dahil kay Muza?" panunuksong tanong ni Blaze sa kaibigan.

Ngiti lang ang tanging naisagot ni Ice dito. Humiga sila at pinagmasdan ang mga bituwin, ang buwan at kung ano pang nasa kalawakan. Pinag usapan nila ang mga bagay bagay sa kanilang sarili at sa kanilang sitwasyon. Maya maya ay humarap si Blaze sa kaibigan. "Can I be your boyfriend, but I can be your best friend also, kaya lang mas gusto ko sana e boyfriend?" tanong ni Blaze sa kaibigan.

Tango ang tanging naisagot ni Ice habang hinahaplos ang mukha ni Blaze. "I am happy to be your boyfriend, matagal ko nang pangarap na maging boyfriends tayo." sabay dampi ng mga labi niya sa labi ni Blaze. Nagtitigan ang dalawa, hanggang sa muling naglapat ang mga labi ng dalawa. Niyakap ng mahigpit ni Ice ang minamahal at iniayos naman ni Blaze ang ulo niya sa may dibdib ni Ice. Nanatili sila sa ganoong posisyon, hinahalik halikan ni Ice ang ulo at noo ni Blaze hanggang sa di nila namalayan ay nakatulog na sila pareho.

*Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanilang nga magulang? Maging maganda kaya ang takbo ng kanilang relasyon bilang magboyfriends o bumalik na lang sila bilang magbest friend?

Bosom BuddyWhere stories live. Discover now