Chapter 3

5 0 0
                                    

Aleisha.

"Ano manager?! Ako?! Excuse me mga kuya, nag aaral pa po ako. 2nd year college palang ako okay? Nagaaral pa ako"

"Oo nga, babayaran ka naman namin" sagot ni Jaden. Wait teka, may bayad?

"At magkano naman?" Tanong ko

"Aleisha tara na. Hindi natin sila kilala baka pinagtitripan ka lang ng mga yan" bulong sakin ni Gio. Sabagay tama siya hindi ko sila kilala baka kung anong gawin sa akin ng mga lalaking to.

"Well, depende kung magkano yung kikitain namin sa mga gig" sabi nung isa kong katabi kanina sa van

"Teka, hindi ko kayo kilala tsaka hindi niyo rin ako kilala tapos gagawin niyo na agad akong manager niyo? Anong alam ko naman sa pagiging manager? Tsaka saan kayo nag-aaral?"

"Wala" they all answered in unison

"Wala?"

"Oo. Mga drop out kami kasi loko loko kami. Laging umaabsent dahil sa mga gigs namin" explain nitong si Blue

"Hala, eh mga loko loko pala kayo eh. Sige thank you nalang sa offer niyo. Anong akala niyo sa akin, mapapapayag niyo ako ng ganun ganun nalang? Hindi ko kayo kilala baka anong gawin niyong masama sa akin" sabi ko at umangkas na ako ulit sa motor ni Gio

"Hindi naman kami-- hay sige wag nalang. Lahat naman kayo ganyan tingin sa amin eh. You're welcome nalang sa pagligtas namin sayo. Sa susunod wag ka na maglalakad mag-isa lalo na pag gabi na. Osya, nice meeting you Angel" sabi ni Jaden at sumakay na sila sa van at umalis. Oo nga Aleisha hindi ka nagpa-thank you. Hay ang tanga mo talaga.

"Aleisha tara na. Gabi na, baka hinahanap ka na ng nanay mo. Ihahatid na kita" sabi ni Gio at umuwi na kami.

...

Feeling ko maiinlove na ako dito sa kisame, kanina pa kami nagtititigan eh. Paano ba naman mag a-ala una na ng madaling araw at mulat na mulat parin ako. Ang dami ko kasing iniisip eh. Hindi ko maimagine yung sarili ko ngayon kung sakaling hindi dumating sina Jaden kanina para iligtas ako sa mga tambay na yun. Hindi ko maitatago yung fact na niligtas nga nila ako. Malamng kung hindi sila dumating kanina, malamang eh na-rape na ako at kung ano ano na ang ginawa sa akin ng mga yun. Baka hindi niyo na alam kung saan ako pupulutin. Sobrang thankful ko sakanila pero hindi ko man lang sila napasalamatan ng maayos.

Sabihin na nating drop out nga sila pero mukang matitino naman sila eh. Kasi kung hindi, malamang eh may ginawa na sila sa aking masama, pero wala eh. Lalo na't apat silang lalaki tapos mag-isa ko lang. Hindi man lang nga nila ako hinawakan eh. Syempre noon lang nung pinasok nila ako sa van. Pero after nun wala na.

Hindi tuloy ako patulugin ngayon ng konsensya ko eh. Kailangan kong bumawi sakanila pero tinanggihan ko pa yung offer nila bilang pangbawi ko sa pagligtas sakin na may bayad pa. Actually hindi naman ako after sa bayad eh. Iniisip ko kasi kung paano yung pag-aaral ko? Paano yung trabaho ko? Tska anong alam ko sa pagiging manager?

Paano ako magiging manager kung hindi ko alam nasaan sila? Saang lupalop ng Pinas ko sila hahanapin? Eh hindi ko nga sila kilala eh. Jaden at Blue lang ang alam kong pangalan. Yung dalawa hindi ko man lang nalaman yung pangalan. Kailangan ko muna silang kilalanin.

...

"Gio, tulungan mo ako"

"Anong klasing tulong ang kailangan mo?" hindi ko rin maintindihan tong lalaking to. Ang bipolar niya. Minsan ang hyper, ngayon naman ang sungit.

"Nakapagdesisyon na ako. Papayag na akong maging manager nila Jaden. Pero kailangan ko muna silang kilalanin ng mabuti"

"Sigurado ka ba diyan? Eh paano kung masasama pala silang tao?"

Happily NEVER AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon