Chapter 5

14 0 0
                                    

Aleisha.

Kagaya ng inaasahan, sunod sunod na ang gig nila Jaden. Maliban sa resto na tinutugtugan nila, naiinvite narin sila sa mga iba't ibang lugar and events. Medyo nagiging busy narin sila pati ako. Pero never never kong pinapabayaan yung pagaaral ko. Alam naman nila yun eh.

"Alam mo, bakit hindi mo sila pag-aralin?" sabi sakin ni Gio habang nagaayos kami ng gamit namin.

"Sino? Sina Jaden?"

"Oo. Hindi ba parang mas maganda kung nakapag-aral sila? Lalo pa niyan, medyo, medyo lang, nakikilala na sila dito sa atin. Syempre kahit papaano may mga nacu-curious sa kanila"

"Oo nga no? Ang talino mo talaga. Pwede pa naman niyan sila mag enroll para sa second sem kahit irregular sila. May mga kaya naman mga yun, kailangan ko lang silang kumbinsihin"

"Napapansin ko, lagi nalang sila yung kasama mo ha" sabi nitong si Gio. Aba anong gusto niyang sabihin sa akin?

"Malamang, manager nila ako Gio"

"Alam ko, eh ano kasi uhm, paano naman ako?"

"Luh? Anong paano ka? Bakit baby ka ba na kailangan kong laging bantayan?"

"Wala. Sus sige sa kanila ka nalang. Mas masaya ka naman sa kanila eh" hala, nagtatampo? Nagseselos?

"Gio ano yan? Nagseselos ka ba? Ha? Ha?" tapos tinignan ko siya ng mapangasar. Adik tong lalaking to

"Nagseselos? Ako? Sus bakit naman ako magseselos? Sino ka ba? Sino ba sila?"

"Hala, nagseselos ka nga hahaha! Ano ka ba naman, masaya silang kasama oo, pero mas iba yung kalokohan nating dalawa, wag kang magalala"

"Wala, dun ka na sa new friends mo"

"Baliw ka talaga. Ikaw tong nagsabi sa aking pumayag na akong maging manager nila tapos ganyan ganyan ka ngayon hahaha. Alam mo, try mo rin kasing makisama sa mga yun. Mababait yung mga yun, totoo man" tapos nginitian ko siya

"Oo alam ko naman yun" kinuha na niya yung backpack niya "Sasabay ka ba ngayon? Wala bang gig yung mga alaga mo?"

Kinuha ko na rin yung sa akin "Wala, kaya sabay tayo ngayon" at kinindatan ko siya.

...

Jaden.

"Ano ba yang sinusulat mo diyan? Kanina ka pa nagsusulat diyan ah" tanong sa akin ni Blue "Patingin nga ako"

Agad kong nilayo sa kanya "Ayoko nga!"

"Ano ba yan? Bakit ayaw mong pakita?"

"Sikretong malupit. Doon ka na nga! Nasaan ba sina Drei?"

Tinapos ko na itong sinusulat ko at nilagay dito sa box ko na naglalaman ng iba't ibang mga bagay na may sentimental values. Lahat ng naging pick ko at kung ano ano pang mga bagay.

"Ewan ko saan pumunta mga yun. Kung kailan namang gabi saka nagyaya itong si Michael. Alam mo naman yun, always go sa lahat"

"Ahh. Oh ano palang ginagawa mo dito?" nandito kami ngayon sa kwarto ko. Madalas namang bumisita itong si Blue dito sa bahay.

"Bumibisita. Masama?"

"Di naman. Oo nga pala pre, yung sinusulat kong kanta nakalahati ko na"

"Patingin, may chords na?"

"Oo naman. Saka ko nalang papakita sa inyo kapag tapos ko na"

"Ah ang bilis ah! Iba na talaga kapag may inspirasyon! Lakas mo pre haha!" tapos binatukan niya ako pero hindi naman yung masakit

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happily NEVER AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon