Chapter 4

6 0 0
                                    

Aleisha.

Hindi naman pala sila masasamang tao eh.

Yan ang nasabi ko sa sarili ko pati narin kay Gio nung mas nakilala sina Jaden. Mababait silang tao pero ayaw lang nilang ipakita. Badass looking man sila pero nung nakasama ko sila kulang nalang mainlove na ako sa kanilang lahat.

Halos 1 month narin nila akong manager at talagang kinarir ko na itong trabaho ko. Hindi ko na to iniisip as favor or kapalit sa ginawa nila. Eventually nagiging close na kami sa isa't isa at somehow nakilala ko rin sila, yung mga ugali nila.

Jaden Soltones, siya ang gwapong pinakamatangkad na kulot na leader nila. Bago sila magdesisyon, dapat dumaan muna lahat kay Jaden. Chickboy daw dati pero ngayon parang hindi na. Kinakatakutan daw ng lahat pero napa-"weh?" ako dun. Sabi din nila nung niligtas daw nila ako nung gabing yun, si Jaden daw ang humarap sa mga yun.

Literal na Eyeliner Guy. Never ko pa siyang nakitang walang eyeliner. Mabait siya kung mabait. Masayang kasama, malakas ang trip. Minsan baliw. Maingat sa gamit at sobrang malinis sa katawan (pwera sa mata). Siya lang yung walang tattoo sa katawan. Maalagain siya as in solid.

Magaling sumayaw (turn on na ba?) Lead singer nila sa banda. Maganda yung boses niya talaga. Rakista pero kapag kumanta siya ng ibang genre, hay nako day, nakakalaglag panty!

Never pa daw nagmahal kasi puro landi lang. Pero kapag daw nagmahal siya, seryoso siya. Isang bagay lang na hindi ako makapaniwala tungkol sakanya, naniniwala siya sa forever. Biruin mong pinagawayan pa namin yun.

Si Carlo Tuazon naman, bassist ng banda at kumakanta rin. Malamig ang boses niya, kasing lamig ng ugali niya. Tinawag siyang "Blue" simula nung nagpakulay siya ng buhok niya.

Siya yung a man of few words, tama ba? Basta hindi siya palaimik. Sabi nila hindi naman daw siya ganyan dati. Nagsimula lang nung namatay yung 2-year girlfriend niya. Kaya ngayon alam ko na kung bakit siya masungit at parang wala lagi sa sarili.

Pero may pagka-madaldal din siya trust me. Lalo na nung minsan nagkakwentuhan kaming dalawa, halos siya nalang yung nagsalita. Gwapo rin siya pero hindi siya nageentertain ng mga girls. Wala pa ata siyang balak pumasok ulit sa relationships. Baka hindi pa siya nakakamove on.

Ang maganda naman sa taong to eh kapag ngumiti, hindi lang panty ang malalaglag, pati narin bra mo. Yun nga lang madalang lang. Mahilig din siyang magjoke. Actually matatawa ka sa sobrang corny. Masaya din kasama.

Ang chinito boy naman sakanila, si Michael Delos Santos. Siya ang pinakagwapo para sa akin kasi trip ko talaga yung mga chinito. Drummer naman siya sa banda at batak siyang magdrums! As in sobrang bravo niyang magdrums! Napanganga nga ako nung napanood ko siyang nagdrums eh.

Matalinhagang magsalita. Kumbaga, Michael knows best kasi siya ang pinakamatanda sakanila. Pero malakas din ang trip at mantrip. Siya na ata ang pinaka-mapang asar na lalaking nakilala ko. Yung talagang maiiyak ka sa sobrang pikon pero what I like about him is mapanglambing siya. Gagawin ka niyang baby okaya nakakabatang kapatid afterwards.

Yun nga lang, nakakatakot kapag tinignan ka niya lalo na kapag galit siya. Makukuha ka talaga sa tingin.

At ang last naman ay ang pinakamakulit, cute at jolly na si Andrei Hizon. Parang bata pero hindi siya ang pinakabata. Kung hindi ako nagkakamali, si Blue ang youngest sakanila. Positive thinker sa lahat. Siya ang madalas kong kakwentuhan kasi makwento siya at madaldal. Halos naikwento na niya sa akin yung talambuhay ng mga kasama niya pati ng mga magulang nila.

Siya nga ang nagsabi sa akin na nagkakilala daw sila sa school. Mga magkakaaway daw silang apat dati. Hindi daw nila alam paanong nangyaring sobrang close na nila ngayon na halos magkakarugtong na daw yung mga bituka nila. Mabait siya, mapagbigay at masaya rin kasama.

Happily NEVER AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon