Chapter One

2.3K 22 1
                                    

Chapter One

"Sorry, Anne. I know it's cliché. Ako yong may problema, hindi ikaw. Mag-break nalang tayo kaysa masaktan pa kita.." Dirediretsong sabi ng pang-labing siyam na boyfriend ni Anne.

Hindi na siya hinintay pang makasagot nito.. Basta ay tinalikuran na lamang siya ng kanyang boyfriend na ngayon ay ex niya na. Naiiyak na umupo si Anne sa stairs sa harap ng Wesley park dahil sa broken heart at disappointment!

'It happened again!'

Hindi niya alam kung masyado ba siyang clingy or what.. Hindi niya talaga alam! Nang unang magka-boyfriend si Anne noong Sophomore high school siya ay kinilig talaga siya! Imagine, crush nang bayan iyong naging boyfriend niya! Maraming gustong makipagpatayan sa kanya para lang sa posisyong iyon. She was happy! Pero dumating sa point na nakipag-break ito sa kanya sa di malamang dahilan.

Kahit ngayong nakipag break na ang pang-labing siyam na niyang boyfriend si Liam ay palaisipan parin sa kanya kung bakit walang tumatagal na kahit kalahating taon man lang. Ang pinakamatagal niyang naging boyfriend ay si Patrick na 5 months. Iyong yong pang-12 niyang boyfriend.

Pinahid ni Anne ang takas na luha sa mata niya at natulala sa mga estdyanteng nagdaraan sa harap niya, mga sasakyan na bumubusina at mga estudyanteng palabas na.

Inilabas niya ang kanyang cellphone at nag-text.

Ako:
P, break na kami ni Liam. :(

Paul:
Where are you?

Ako:
Wesley park. Chocolate, please?

Paul:
Papunta na ako.

Dumukdok na lamang si Anne sa kanyang mga tuhod para di naman masyadong nakakahiya na umiiyak siya sa ilalim ng sikat ng araw. Todo tago siya kasi naiwanan niya ang kanyang panyo sa bag niya na nasa 5th floor.

"Excuse me, miss?" Pasimple na hinawi ni Anne ang mga luha sa pinsgi niya at nag-angat ng tingin. Boses lalaki ito kaya naman ang akala niya ay si Paul na 'yon. "Are you alright?" Concerned citizen. Ganyan naman palagi. Pakiramdam niya tuloy ay sobrang kawawa siya.

Pinahid niya ang luha sa mata niya at doon lang nagliwanag ang tingin niya doon sa lalaki.. Rather babae sa harap niya. "Uhm.. Thank you, ate." Inabot niya ang nakalabas nitog panyo at maingat na nagpunas n luha sa mukha.

"Nag-break kayo ng boyfriend mo, no?" Bigla ay nilingo tuloy ni Anne ang estranghero sa tabi niya. "Are you a psychic?

Mahina itong tumawa at umiling. "Walang babae na iiyak sa gitna ng sikat ng araw dahil lang trip niya."

"Siguro umiyak ka rin sa gitna ng sikat ng araw nong nag-break kayo ng boyfriend mo, no?" Ani ni Anne sabay punas ulit ng lumandas na luha sa pisngi niya.


Halos nangunot na yata ang noo ni Hans ng tanungin siya ni Anne. Hindi ba siya nito nakikilala? Oo nga at nakadamit siya ng pangbahae dahil galing siya sa family day ng kanyang kapatid sa elementary department. Pero ganoon ba kagaling mag-make up ang kapitbahay niyang si ate Harriane niya para di siya makilala ni Anne?

Nagulat rin si Hans ng makita sa dati nilang school si Anne.. Marahil ay galing din ito sa Family day sa elementary department dahil ang alam niya ay benefactor ng Elementary department ang oamilya nila. Umiiyak parin ito at humihikbi pa. Gusto niyang yakapin ang dalaga pero nagpasya siyang huwag nalang. Mas kailangan nito ng kaibigan na babae. At medyo creepy din kung bigla na lamang siyang mangyayakap.

Natatandaan pa noon ni Hans nang high school sila ay puro mga barako ang kaibigan ni Anne dahil madalas ay insecure sa kanya yong mga kaklase nilang babae, kaya imbisnna kaibiganin ay inaaway lamang siya ng nga ito. She's beautiful, smart and kind, no wobder why other girls are insecure. She's every guy's wish. Complete package, ba?

Hindi sila close ni Anne noong high school pero tamang magkakilala naman sila.

"Alam mo, dear.." Halos tawanan ni Hans ang sarili niya dahil medyo pinaliit niya ang kanyang boses para magmukhang babae. He figured na ipagpapatuloy niya na, akala naman ni Anne ay babae siya kaya sige. He thought, di naman na siguro sila magkikita na dalawa. "Ang mga boys hindi dapat iniiyakan ng mga katulad mo.."

Nilingon siya ni Anne na umiiyak. Kahit pala marami na siyang naging boyfriend ay inosente parin ito sa mga bagay bagay. "Ang mga lalaki kasi.. They're jerks.. Pakiramdam nila ay gumugwapo sila kapag iniiyakan sila ng mga babae." Kung buhay lang siguro si Andres Bonifacio ay baka kanina pa pinaglalamayan si Hans ngayon. Itinumba niya ang bandera ng mga lalaki dahil sa long-time crush niya.

"Pero ang totoo ay nagmumukha lang silang mga jerks.." Suminghot singhot pa si Anne habang tumatango. "You deserve better, yon lang ang ibig sabihin non, dear. Kaya kayo nag-break ay may darating pang iba na mas mabuti para sayo."

Tumango tango lang ito. Shit, dapat pala ay nagpakilala nalang siya. Naisip ni Hans. Cuz he realized that he wanted to comfort him using the Hans Anderson way. Kaso ay huli na ang lahat para doon. Nakapagpakilala na siya bilang..

"Alam mo, Hannah.. Pang-19 na boyfriend ko na iyong kanina.. Pero hanggang ngayon palaisipan parin sa akin kung bakit nakikipag-break sila ng walang matinong paliwanag." Sumisinghot na sabi nito.

He said his name was Hannah. Damn, ang corny pero yon lang talaga ang naisip niyang kalapit ng kanyang totoong pangalan. "Anne, you know.. Tayong mga babae, iniisip natin na tayo palagi ang tama.. Doon madalas mainis ang mga lalaki." Well, totoo yon. Ayaw namin ng mga know-it-all dahil tama rin naman kaming mga lalaki kung minsan. Pero knowing Anne, hindi naman yata siya ganoon.

"I'm notthing like that.. Lagi ko naman silang pinagbibigyan.." Sumulyap ito sa kanyang cellphone bago sinagot ang tawag kaya naman nahinto ito sa pagsasalita.

"Hello, Paul.." Anito na nagingiyak. Of course, ang best friend niya kahit noon pa man na si Paul. "Oo, nandito parin. Ayaw ka papasukin? Sige lalabas na ako."

Nilingon siya ni Anne at tipid na ngumiti kahit mugto ang mga mata. "Hannah, can I get your number? Kailangan ko na kasing umalis, ang feeling ko mas makakausap kita ng komportable kaysa sa bestfriend ko. He's a guy kasi." Inabot nito ang cellphone sa kanya.

He'll be damned. "Sure."

She's my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon