Chapter Five
"Let go of me!" Isang beses na binawi pa ni Anne ang braso niya sa pagkakahawak ni Hans ay binitawan ito ng binata. Afraid that he might end up hurting her more physically.
"I'm sorry, Anne.."
"You're a guy! Ano pa ba ang kalokohan na kailangan kong malaman?" Galit na sabi nito sa kanya sabay tinutulak siya palayo kapag lalapitan niya ito. "And a liar! Did you enjoy making fun of me?" Puno nang hinanakita ma sambit nito.
"It's not like that, Anne.."
Mukhang magsasalita pa ulit ito pero mas pinili nitong umiyak nalang. "I hate you, Hannah.. Or was it Hans?" Sarkastikong sabi ni Anne bago tumalikod at magbukas ulit ng gate. Pero bago pa pumasok ito ay hinubad nito ang suot na wedges.
"I was going to confess! God, I must be out of my mind to like a girl! I thought I was going crazy! I was going to confess to you earlier! Pero ikaw pala dapat ang may i-confess sa akin! You're a jerk!" Sabay na ibinato ni Anne ang wedges niya kay Hans at pumasok sa loob.
Mabilis na lumakad si Hans at nakapasok bago pa tuluyang maisara ni Anne ang gate ng bahay. "Anne, talk to me.. Please.."
"Mas masama pa ang ugali mo sa mga jerk kong ex! Maybe they got tired of me that's why they broke up with me! Pero ikaw? God, how can you do that?! How can you pretend to be a girl and make me like you and then break my heart? Why?" Humahagulgol na sabi ni Anne habang paulit ulit na hinahampas si Hans sa balikat.
Dumating na ang oras na kinatatakutan ni Hans.. Ang tanungin siya ni Anne kung bakit niya ito nagawa sa kanya. "Why, Hans? Paano mo nasikmurang magdamit bilang babae? What's your motive?" Halos malasahan ni Hans ang tabang sa boses ni Anne habang tinatanong siya nito.
He came unprepared. Alam niyang isang araw ay dadating ang oras na malalaman ni Anne ang totoo pero kagaya nang palaging sinasabi ni Hans ay hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa dalaga pagdating ng panahon na iyon. He just couldn't think of a valid reason of why would a guy dress as a girl to befriend his long-time crush?
"Wala akong intensyon na masama, Anne.. Believe me." Nagsusumamong sagot ni Hans habang hinuhuli ang kamay ni Anne.
"How can I believe you when your whole existence is a lie?" Humihikbi paring sagot ni Anne habang inilalayo ang mga kamay sa kay Hans. Maniwala man siya sa hindi ay kahinaan ni Anne ang mga lalaki. Daddy's girl siya kaya pakiramdam niyabay soft spot niya ang mga lalaki kaya naman ganito nalang siya masaktan.
"I wasn't lying about my actions.. I know you felt it, Anne. You wouldn't act this way kung hindi mo yon naramdaman.." Puno nang pagsusumamo ang boses ni Hans pero tila sarado yata ang isip ni Anne sa mga panahong iyon.
She can't believe it! That's why she felt something different! She's a guy! Kaya naman pala kung minsan ay nagugulat siya sa mga sweet gestures nito! Like holding the doors for her, pulling out chairs for her, tucking stray hair behind her ears! Kaya naman pala, nature niya yon because she's a freaking guy!
"Anne, please.. Let me explain!"
"Ano pa ba ang kailangan mong i-explain? Do you have to elaborate how you enjoyed making fun of me?!" Nakarinig sila ng pagkulog kaya mabilis na itinulak ni Anne si Hans at pumasok sanloob ng bahay saka pinagsarhan ng pinto ang binata.
"Anne! Please let me explain!" Sigaw ni Hans mula sa labas sabay katok sa front door ng bahay. Ilang sandali pa ay nakaramdam na si Hans ng mga patak ng ulan. Hanggang sa bumubuhos na ito ay kinakatok parin niya ang pintuan.
"Anne, hindi ako uuwi hanggang hindi mo ako kinakausap!" Kahit na walang silbi ang pagsigaw niya dahil sa lakas ng ulan ay lunod rin ang boses ni Hans ay di parin siya tumigil. Hindi talaga siya uuwi hanggang di siya pinagbubuksan ni Anne!