Chapter Two

662 17 2
                                    

Chapter Two

"Anne, stop crying." Makailang beses ng inulit ito ni Paul pero parang walang naririnig si Anne. "Anne, the truth is.. Everyone's gonna hurt you.. You just have to find someone worth suffering for.."

Suminghot si Anne at niligon si Paul. "Paul, stop quoting Bob Marley.."

Itinabi ni Paul sa NYOrK ang kotse niya at pinagbuksan si Anne ng pinto. "Anne, please.." Mahinang sabi ni Paul at kinabig ang kaibigan para yakapin. Pero mas lalo lang itong naiyak. Naawa na siya sa kaibigan, parang every three months ay ganito sila.

"All I wanna know is, 'why', Paul.. Pero bakit di nila kayang sabihin?" Humihikbi parin na tanong ni Anne sa kaibigan. "Just a why.."

"Let's go inside.. Strawberry parfait.. My treat, aright?" Tumango nalang si Anne at nagpunas nang luha gamit ang panyo ni Hannah. Nalanghap ni Hannah ang isang pamilyar na pabango na panlalaki doon sa panyo. Bakit naman kaya amoy lalaki ang panyo ni Hannah?

Ipinagkibi balikat lang ni Anne ang naisip at saka lumakad na papasok kasabay ni Paul. Siya ang naghanap ng upuan at si Paul naman ang nag-order. Umakyat si Anne sa ikalawang palapag at umupo malapit sa floor-to-ceiling na pader doon. Relaxing kasi doon and she needs that.

Was she strict? Was she clingy? Was she what? Naiiyak nanaman kakaisip si Anne kung bakit palagi nalang nakikipag-break sa kanya ang mga boyfriend niya. Naputol lamang siya sa pagiisip ng duamting si Paul kasunod ang food na dala ng waiter.

"Blueberry cheesecake with Strawberry parfait for Miss Anne." Nakangiting sabi nong waiter at ibinaba sa tapat niya yong cake at smoothie.

May note pang nakasulat sa gilid. 'Smile. Somebody might be falling inlove with it' - P

"I love you, Paul. I don't know what I'll do without you.." Ngiti ni Anne sa matalik na kaibigan. "I wish I can keep you forever."

Mahina itong humalakhak at sumubo ng Nacho. "Sure you can, A."

Nagkwentuhan lang sila doon hanggang sa gumabi. Hindi talaga alam ni Anne kung ano nalang ang mangyayari sa kanya kapag wala si Paul sa tabi niya. He's the only person who could make her forget just about anything else. She's really lucky to have him.

Halos maghahating gabi na nakauwi sa Lorenville si Anne, literal na nakalimot sila pati ng oras. But the thing is.. Tumatawa na siya ng maihatid siya ni Paul. "Thank you, Paul. For everything.. Don't give up on me, ha?" Nakangiti niyang niyakap ang kaibigan.

"Just call me if you need anything, aright?" Ngumiti lang din ito sa kanya at nag-drive na pauwi. Niyakap ni Anne ang sarili dahil narin sa umihip na hangin na madalang mangyari sa Cabanatuan City.


Pabagsak na ibinaba ni Anne ang sarili sa kama ng kanyang kwarto kasama ang kanyang bag. Nalaglag mula doon ang kanyang cellphone at doon niya naalala si Hannah.

Hannah:
Hi, Hannah! Thank you for your comforting words and advices earlier. Appreciate it. Hope to hear from you soon! xo Anne

Hindi pa man nakakatayo si Anne sa kama ay tumunog na ang cellphone niya dahil sa reply ng text.

Hannah:
Always, Anne. One text away lang ako. x Hannah Anderson

Ako:
Did I wake you up? Sorry!

Hannah:
Nope! Okay lang, dear. :)

Ako :
Thanks a lot for today, Hannah. :)

Hannah:
:)

Magaan ang pakiramdam ni Anne kay Hannah. Di niya alam kung dahil parehas silang babae or what pero magaan talaga ang pakiramdam niya dito.

Ako:
Can we meet tomorrow, Hannah? Just want to get to know you better. :)

"Patay." Isang beses na napamura si Hans nang dahil sa text ni Anne sa kanya. Gusto niyang makipagkita? Damn! Wrong move talaga na ibinigay niya iyong number niya kay Anne! She liked the girl, yes. But he didn't sign up for this!

Ako:
Uhm, sure. Okay lang ba kung.. Mga dinner? I have work kasi e :)

"Tangina." Namawis ang palad ni Hans ng dahil doon. Tensyonado rin siya dahil sa nangyari. Damn, umamin na lang kaya ako na lalaki talaga ako? Pero baka magalit yun!

Halos matumba naman si Hans ng may kumatok sa kwarto niya. "Kuya Hans.."

Tumayo si Hans at binuksan ang pinto. Inabutan niya doon ang sampung taong gulang niyang kapatid na si Hailey na may dalang unan at kumot habang yakap yakap yng teddy bear niyang si Pororo.

"Yes, baby?"

"Kuya, can I sleep there? I had a bad dream.." Nangingiyak na tanong ni Hailey sa kapatid. Yumuko si Hans para kargahin ang nakababatang kapatid papasok sa loob kwarto.

"'Course you can." Aniya sabay hinalikan sa noo. Dalawa nalang silang magkapatid sa buhay. Their parents went missing dahil nasa isang cruise trip nito at inabutan ng supertyphoon sa dagat. Halos di na natagpuan ang cruiseship dahil sa nangyari. He was only 18 when that tragedy happened. And that was 7 years ago pero pakiramdam niya kung minsan ay kahapon lang ito.

At the young age of eighteen ay marami nang responsibilidad ang napasa kay Hans. Mula sa pagmamanage ng kanilang Furniture business at courier business ay siya na ang nagasikaso. Pati ang pagpapalaki sa noon ay magdadalawang taong gulang pa lamang niyang kapatid.

It was really tough for him kaya naman tinetreasure niya ng sobra ang kapatid kahit pa magsuot siya ng pambahae ay okay lang mapasaya lang niya ang kapatid. "I love you, Kuya."

"I love you more, Hailey." Agad ring nakatulog si Hailey marahil ay napanatag na ito. Sinilip ni Hans ang cellphone niya at nakitang 30 minutes ago pa nag-reply sa kanya si Anne.

Anne:
No problem. Let's have dinner instead. :)

It's nearly 1 in the morning.. Baka tulog na si Anne. Pero sinikap parin ni Hans ang magreply. "Okay, good night, Anne." Sambit ni Hans habang nagtitext.

Damn, di siya makapaniwala na niyayaya siyang kumain sa labas ng long time crush niya.. Ang kaso ay akala nito babae siya.

Kinabukasan ay energized na bumangon si Hans para magluto ng breakfast nilang mag-kuya. 2 years ago ay lumipat sila sa bagong bahay na ipinatayo pala ng parents nila sa Cabanatuan. Parang mas gugustuhin nila doon sa syudad malapit sa lahat. At para kahit papaano ay makalaya sa memorya ng magulang nila.

Pinatunog ni Hans ang telepono sa kanyang kwarto para gisningin ang kapatid. "Ley, gising ka na. May breakfast ka na dito sa kitchen. Kailangan pumasok ni kuya sa office ng maaga. I love you, baby."

Narinig pa niyang humikab ang kapatid sa kabilang linya na nagpatawa sa kanya. "Thank you po. Ingat ka po, kuya."

"5minutes then bangon na, aright?"

"Opo." At nagbaba na. Nakangiting lumabas si Hans ng bahay parehas dahil sa tuwa sa kapatid at dahil na rin sa excitement. Dumaan muna siya sa kapitbahay nilang si Ate Harriane para manghingi ng tulong.

"Oh, Hans?" Bungad nito sa kanya. "Aga natin a?"

"Ate, pwede bang magpa-make up ulit mamaya?" Nahihiyang pakiusap ni Hans.

"Sure." Nakangiting sabi nito. "May part two ba ang family day nina Hailey?" Tumawa ito. Tumawa nalang din siya at napailing.

"Thanks. Ako na ang bahala sa lahat." Saka siya patakbong bumalik sa bakuran para sumakay sa kotse niya.

Excited talaga siya para mamaya! Lalo na nang makatanggap siya ng text mula kay Anne.

Anne:
Good morning, Hannah! Okay lang ba kung sa Barj nalang tayo mag-dinner? ;)

Ako:
Kahit saan, dear. :)

Gusto niyang idagdag ang 'basta kasama kita' kaso baka magmukhang nakakakilabot yon dahil ang alam ni Anne ay babae siya.

Damn these restrictions!

She's my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon