Chapter Four
Ilang beses pang nasundan ang dinner na iyon ni Hans at Anne. Minsan ay siya naman ang nagyaya at nag-meryenda sila sa Shawarma House. Mahilis kasi silang kumain doon ng kapatid niyang si Hailey kaya naisipan niyang yayain si Anne doon. Nag-undertime tuloy siya nang araw na iyon para doon sa Meryenda date nila.
Hindi namamalayan ni Hans na nahuhulog na talaga siya kay Anne. He's been crushing on her since Highschool because she was pretty, smart and kind, but he didn't know he was inlove with her until the day he saw her crying sa harap ng statue ni John Wesley.
Minsan pa ay natutulala nalang siya sa sorang ganda ni Anne. "Oh, type mo nanaman yong BB cream ko? Etude House lang yan, meron sa MarQuee sa Pampanga." Natatawang sagot ni Anne nang mahuli niya nanaman na nakatulala sa kanya si Hannah.
Minsan ay naguguluhan din si Anne sa nararamdaman niya. Sweet na tao si Hannah. Caring ito at masyado siyang nabbaby dito kapag magkasama sila.
Minsan nga ay nanunuod siya sa Netflix ng Orange is the New Black nang i-feature doon ang past ni Alex at Piper ay parang bigla sumagi sa isip niya si Hannah.
She can't be liking a girl! Babae siya at di siya pwedeng magkagusto sa isa pang babae! That's just.. Lustful and against the Bible! Sa gulat ay pinatay ni Anne ang TV at natulog nalang. She was confused but she wasn't supposed to be!
"Oo, ang ganda kasi." Halos matulala naman din si Anne nang marahang haplusin ni Hannah ang pisngi niya. Naging triple ang tibok ng pusok niya dahil doon. Pakiramdam niya kasi.. Siya ang sinabihan ni Hannah ng maganda at hindi yong BB cream niya.
"Uhm.. Ang init. Kotse tayo, tas.. Road trip?" Nauna na siyang tumayo at pinagpagan ang laylayan ng kanyang dress. Sumunod naman din si Hans at nakuha oang pagbuksan ng pinto si Anne.
Kakaiba na 'to, saad ni Hans sa sarili. Talaga yatang.. May kakaiba na dito sa nararamdaman niya para sa dalaga. Ramdam ni Hans na may kakaiba din sa kilos ni Anne pero di niya alam kung ano yon. O baka nakakahalata na ito?
Nagyayang mag-road trip si Anne kaya naman dinala niya ito sa Tanawan. Nothing fancy, isang cliff lang naman yon na overlooking ang mga bundok. Nagpunta kasi sila ni Hailey doon noon at ang ganda ng sunset.
Sakto naman ang dating nila ni Anne at palubog narin ang araw. Pumarada siya sa gilid at bumaba sila ni Anne. Di alintana ang init kahit na palubog na ang araw. "Wow, ngayon lang ako napunta dito. Ang ganda!" Napatitig nanaman si Hans kay Anne na ngayon ay abala sa pagkuha ng pictures. Inilabs din tuloy niya ang sariling phone at kinuhanan ng picture si Anne.
"Oo nga, ang ganda.." He said before snapping a picture of the girl.
"Hannah! Come here! Picture tayo!" Nakangiting yaya ni Anne kay Hans. Nakangiti naman din na lumapit si Hans kay Anne at tumabi dito para makapag-selfie sila.
"One.. Two.. Three! Wednesday!" Nakailang shot pa sila dahil aliw na aliw si Anne sa mga wacky shots nila. Nang humiwalay si Anne para kuhanan ng litrato ang palubog nang araw ay natulala si Hans sa dalaga.
How he wanted to hug her from behind.. Ang kaso ay.. Hindi pwede. Hindi pa pwede..
Ilang beses nang binalak ni Hans sabihin kay Anne na hindi naman talaga Hannah ang pangalan niya at hindi naman talaga siya babae. Pero paano kung tanungin siya nito kung bakit niya iyon nagawa? Kung bakit niya ito niliko? He has no idea how to explain it to her.
Hindi naman natatakot si Hans na malaman ni Anne ang totoo.. He was guilty so alam niyang magagalit talaga si Anne. He's got 3 months to tell her the truth pero di niya ginawa.
He wasn't really afraid of that.. Ang ikinatatakot niya ay kapag tinanong siya ni Anne kung bakit niya yon ginawa ay wala siyang maisagot ay mas masakan niya ito lalo. Hindi naman niya kasi alam kung bakit niya talaga iyon ginawa.