Chapter Three

454 11 1
                                    

Chapter Three

Halos takbuhin ni Hans ang papunta ng elevator ng sumapit ang 4PM. Nag-alarm pa talaga siya para doon nang di niya makaligtaan ang oras. Excited talaga si Hans, kahit sa sarili niya ay di niya yon maitanggi.

Mga 5 ng hapon ay nagsisimula nang mag-make-up si ate Harriane kay Hans. "Gabi pala ang part two ng Family Day, Hans?"

"Wag na matanong, ate.." Nang umakyat si Hans pabalik sa bahay ay nagmadali siyang magbihis. Longsleeves na see-theough ang dinaanan niya sa coutieur bago siya umuwi. Nang tingnan ni Hans ang sarili siya sa full length mirror ng walk in cabinet niya ay di niya naman makita kung saang banda siya nagmukhang babae. He still loojed pretty much Hans Anderson.. Pero ang ipinagpasalamat niya ay.. Di siya makikilala ng makakakita.

Before six pm ay nasa Barj Café na si Hans at naghihintay sa kay Anne. Saktong six ay namataan niya na itong naka-puti nang dress at itim na stilettos. How can those clothes looked sexy on her? E halos walang makita kundi yong mahahaba niyang binti?

Nginitian niya si Anne ng magtama ang mga mata nila. "Hi!" Bumeso pa ito sa kanya bago umupo kaya naman nalanghap niya ang humahalimuyak nitong balat. Oh, damn it! She smelled of Vanilla.

"Hi, Hannah! How are you?" Nakangiti nitong tanong sa kaibigan.

"I'm good, dear." Ngumiti din si Hans at di maiwasang ma-impress sa ganda ni Anne. "Pero ako dapat ang nagtatanong sayo niyan.. Okay ka na ba?"

"Yes, I'm okay. Paul made me forget. Tulad ng palagi niyang ginagawa. May Masters nga yata siya sa Bachelor of Science on How To Make Anne Forget degree." Tumawa si Anne kaya sandaling natulala si Hans. She's darn beautiful. She's make up free. Pink na lips lang ang nasa mukha niya. That's it.

I'm a guy.. Well a guy who is pretending to be a damn girl.. Siguro naman natural lang naman sakin ang maakit ng magandang babae? And.. That caused me to cover my crotch. Salamat sa poong Maykapal at may mesa sa pagitan namin at di nakikita si Anderson Jr.

"So, Hannah.. Where did you get those words of wisdom you gave me yesterday? From experience ba iyon or what?"

"Of course, from experience.." My own experiences.

"Do you have a boyfriend? I mean, of course a pretty girl like you would have one." Ani Anne at nakasalong baba siyang tiningnan habang nakangiti. Damn, this woman would be the death of him!

"Kakabreak lang namin." That's the first truth that came out of his lips. Well, partly. Totoong kaka-break lang nila ng recent ex na si Jillian noong isang buwan at isang buwan narin siyang walang taga-alaga. Pero wala siyang boyfriend kaya hindi nalang niya yon sinabi.

"Aw. So, you're single? What happened? Sorry, medyo nosy na yata ako." Nahihiyang sabi ni Anne na ikingiti naman ni Hans at umiling.

"No, it's okay!" Nakangiti niyang sabi sa kaharap. "Actually.. Hindi lang talaga nag-work yung relationship namin ni Jillian.. I mean ni Julian.." Damn, montik na yon a! Buti mabilis akong mag-isip!

"Bakit naman? Kagaya rin ba siya ng mga naging boyfriends ko na walang sinasabing dahilan nong nakipag-break?"

"Actually, ako kasi yung nakipag-break.. So.." True, Hans did break things off with Jillian. They were both screaming at each other. Noon lang siya nagalit ng ganoon. She's jealous of his sister! Palagi raw nitong inuuna ang kapatid niya!

"Huh? Bakit?"

"She's jealous of my sister.. My sister's nearly 11, of course uunahin ko yong kapatid ko kaysa sa kanya.. Nainis ako sa childish niyang reason so.."

"That's mean of him.. Pero you're right.. At least ikaw he said he's jealous of your sister.. Ako kasi walang natatanggap na paliwanag which is why all my break ups are harder than its supposed to be.." Bumuntong hininga pa ito bago sumisim sa iniinom niyang iced tea. "I mean.. Di ba mas madaling mag-move on kung may closure?"

"Bakit ba kailangan ng closure, dear? Mararamdaman niyo naman parehas yun, right? Na parang di na kayo nagwwork?" Because that's what he felt for him and Jillian. Doon nalang lagi umiikot sa sobrang pagpapahalaga ni Hans kay Hailey ang away nilang dalawa ni Jillian. What he can't understand was, she's his sister what's there to be jealous of!

Ano bang masama na alagaan nito ang nag-iisang kasama sa buhay? Maybe she was just too narrow-minded to understand that she's only 10 and she needs all the guidance and support she can get.

"You don't know the feeling kasi.. I bet lahat ng naging boyfriends mo may closure kayo.. Kasi ako wala. Di ko talaga alam kung bakit.. I'm always happy when I'm with them pero bigla nalang nakikipag-break na sila." Ani Anne na gulong gulo parin. Yon talaga ang malaking katanungan palagi sa isip niya.

"Well.. Are you doing 'it'?" Tanong ni Hans. He meant the 'it' as sex, of course.

"It? You mean the whole after-the-wedding thing?" Sa sagot na nakuha palang ni Hans ay alam niyang inosente pa talaga parehas sa isip at gawa si Anne.

"Yes, dear.." Tumango tango si Hans. Hindi naman siya Santo para i-deny na kahit kailan ay di niya iyon naisip at ginawa kasama ang ilan sa mga girlfriends niya. It's 21st Century kaunti nalang ang hindi gumagawa ng ganoon. It's almost normal to have casual sex nowadays pero itong si Anne ay di pa masabi ang salita ng diretso.

"Well.. You know, Anne.. Most guys.. Kaya sila naggirlfriend ay para doon. Sometimes if they don't get what they want umaalis sila sa relasyon.."

Napapailing nalang si Anne dahil doon. "So, you mean you did it with your past relationship?"

"Uhm.. Yes?" Kunwari ay nahihiya pang sagot ni Hans para naman kunwari ay demure siya. Dammit, nakakahiya kung may makakitang kakilala dito.

"I'm Catholic kasi.. I believe in 'Sex outside marriage is dirty'." Seryosong sabi nito kaya naman mas lalong itinuon ni Hans ang atensyon niya sa sinasabi ni Anne. "So, I think.. Dapat ay walang casual sex."

"How.. I mean.. Paano yong.. Una?" Nahihiyang tanong nito sa kanya. Tangina? Paano ko ikukwento yon? E sumugod lang ako non, hindi naman ako ang natusok?

"Uhm.. Masakit sa una.." Halos mapamura ako ng ilang beses ng sabihin ko yon kay Anne. Parang bigla akong nahiya sa mga sexual conquests ko.

Nakita kong namula ang pisngi niya at napagtantong di na dapat namin ito pinaguusapan. Buti nalang din dumating na yung food at napunta sa pagkain ang usapan nila.

Nang magbabayad na ay nag-offer si Hans siya nalang ang magbabayad. Kahit naman nakadamit babae siya ay ayaw niya naman masira ang ego bilang lalaki na siyang natatanging parte nalang ng Hans Anderson na bitbit niya ngayong gabi.

"Uhm, hatid na kita?" Di pa alam ni Hans kung paano niya sasabihing ihahatid na lamang niya si Anne ng di siya nagmumukhang nakakatakot.

"No, thanks. Susunduin ako ng bestfriend ko. Oh, there he is!" Nakangiti pang kumaway si Anne nang lumapit ang isang pamilyar na itim na Monterosport sa tapat ng Barj.

"Ikaw, hatid ka namin?" Alok ni Anne pero tumanggi siya. Dala naman niya ang kotse niya kaya walang problema.

"Sige, take care, Hannah. Next time, ulit ha?" Nakangiting sabi ni Anne bago sumakay sa Monterosport na naghihintay sa gilid. Hanggang tingin nalang si Hans ng mawala na ito sa pangingin niya. Mabilis siyang sumakay sa kotse at hinila ang wig na suot. He's damn frustrated!

She's my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon