97

4.7K 195 41
                                    

Kanoa was thirty minutes early and he didn't care. Eleven pa ang usapan nila, pero hindi na niya pinasukan ang subject niya para hindi maghintay si Ara.

Inayos na niya ang laptop sa dati nilang puwesto. Nag-order na rin siya ng favorite drinks ni Ara. Drinks dahil isang hot latte at isang matcha frappe. Palaging ganoon.

He wanted to explain. He couldn't turn back the time or make things right, but at least he would explain.

Aware siya na walang explanation ang makapagtatama ng mali o makapagpapagaan sa situwasyon, pero susubukan niya. Ayaw muna niyang tapusin ang research para may dahilan para makita pa niya si Ara.

Sa subject kung saan sila magkaklase, magkatabi ang upuan nila, pero hindi ito nakikipag-usap kung hindi naman kailangan. Ramdam niya ang malaking pader sa gitna nila.

Nakaharap si Kanoa sa glass wall habang naghihintay kay Ara. He wanted to make every second count. Isang oras lang ang pagkakataon niya at susulitin niya iyon.

Tumingin siya sa relong suot. Five minutes before eleven.

Naka-set up na rin ang laptop at paulit-ulit niyang nire-review ang footage na ginawa nila ni Ara. Kung tutuusin, puro si Ara ang nasa content dahil madalas silang umalis bago sila naghiwalay.

Tatlong linggo na ang nakaraan, pero mabigat pa rin. Halos hindi siya tingnan ni Ara at sa tuwing magkasama silang gumagawa ng research, tutok ito sa sariling laptop at busy sa pagta-type.

Hindi siya makakuha ng pagkakataong makausap ito dahil madalas din na mayroong suot na earphones.

Lumipas ang ilang minuto, pero wala pa rin si Ara.

It was already 11:16.

Tiningnan ni Kanoa ang phone niya ngunit walang kahit na isang message galing kay Ara. Gusto man niyang magtanong kung makapupunta pa ba ito, hindi niya ginawa.

Naghintay siya. Dumaan pa ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng cafè at pumasok doon si Ara.

Bumilis ang tibok ng puso ni Kanoa habang nakatingin ditong papalapit sa kaniya.

Hanggang balikat na lang ang buhok nito. Wala na ang ribbon na palaging suot dahil nakabagsak na lang ang buhok na walang kahit na anong accessory at nakaipit lang sa likod ng tainga.

Ara was wearing an above-the-knee yellow dress paired with white tennis shoes. Mayroon din itong Airpods na suot.

Ibinaba ni Ara ang laptop na hawak nito sa lamesa. "Can you AirDrop the video?" sabi nito nang hindi tumitingin sa kaniya. "I'll check lang if matched na ba siya sa documentation ko."

Kanoa didn't say a word and did what Ara asked him to do.

Nakititig siya kay Ara habang ine-explain nito ang kailangan niyang baguhin sa video. Normal itong nakikipag-usap sa kaniya, pero nakatutok ang mga mata sa laptop, ni hindi tumitingin sa kaniya.

One thing Kanoa loved about Ara was eye contact. Kapag may kausap itong tao, palaging nakatingin sa mga mata ngunit hindi na sa kaniya.

"Ara." Pagkuha ni Kanoa sa atensyon ni Ara dahilan para tumigil ito sa pagsasalita. "I'm sorry."

Ara gave her a subtle smile. "I'm not mad. Hurt and disappointed, yes. I don't get mad, but I don't wanna talk to you. I'm just here for the research. I hope we can finish this sooner."

"Hindi ko na tinuloy 'yong dare."

"That won't make a difference because, in the first place, I was just a bet," she chuckled. "I hope the prize was worth it."

Yumuko si Kanoa at umiling. "Hindi ko tinuloy."

"Still, won't make a difference." Ara breathed. "And I'm not blaming you that I fell. It's on me. I let my guard down and gave you the benefit of the doubt, it's on me."

Kanoa didn't say anything.

"I should've listened to people around me about you, but I didn't 'cos I thought why would they judge someone whom they don't know personally." Ibinalik ni Ara ang tingin sa laptop. "Turns out, I should've listened."

Nakatitig lang si Kanoa kay Ara na nagta-type sa keyboard.

"I enjoyed your company, don't worry. It was fun . . . until it was painful." Ara continued typing and closed her laptop. "All done. I sent the changes needed for the video via e-mail. Konti lang naman siya, ako na bahala sa documentation."

Tumingin si Kanoa sa relo niya. Ara just stayed for twenty minutes.

Inaayos nito ang bag at isinuot ang AirPods.

"Ara."

Tumingin si Ara sa kaniya at naghintay.

"Kape mo saka—"

Umiling si Ara. "I don't drink coffee na." Tumayo ito at ngumiti. "Message me na lang if you have anything about the research. I'll get going na rin."

Tumango si Kanoa at kumportableng sumandal sa upuan. Tiningnan niya ang drinks na nasa lamesa. Kahit isa, hindi binawasan, at basta na lang iniwan.

Ibinalik niya ang tingin sa glass wall kung saan tanaw niya si Ara na patawid papasok ng university.

Habang papalayo si Ara, kinuha ni Kanoa ang phone niya at sinubukang tawagan si Ara. Nakita niyang tumingin ito sa phone ngunit kaagad na ibinulsa at hinayaang magpatuloy sa pag-ring.

Noong sila pa, halos buong araw silang magkasama.

Sa kasalukuyan, isang oras lang hindi pa nabuo.

Kanoa knew that the next days would be more difficult and realized that he needed to make every second count.


T H E X W H Y S

Making Every Second CountTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon