119

4.5K 156 82
                                    

Pagdating sa bahay ni Cocoy, maraming tao at halos hindi makadaan sina Kanoa at Jairold. Maraming nag-iinuman at nasa pool area raw ang mga kaibigan nila.

Dumiretso sila roon at kaagad na hinanap ang dalawa.

Maraming babae ang nasa pool kahit na madaling araw na. Naka-two piece pa nga ang mga ito. Kaagad na tumingin sa kaniya ang iba habang naglalakad.

Kung noon dahil kilala siya bilang si Kanoa, sa kasalukuyan, hindi na. Kilala na siya dahil sa sex scandal niyang kumalat. Maraming bulungan at ilan ay lantarang usapan tungkol sa kaniya, pero wala siyang pakialam.

Marami na rin ang nagtanong kung sino ba ang kasama niya sa video. May ilan pang nagpustahan na malamang ay dati niyang nakasama o nakahalikan sa party.

"Akala ko hindi na kayo pupunta, eh." Lumapit sa kanila si Cocoy at nakipag-high five. "Kanoa is here! Tangina! Ang tagal mong hindi sumama sa mga party. Nagbago ka na."

Tinanggap ni Kanoa ang lata ng beer na iniabot sa kaniya ni Cocoy. Tinunggan niya iyon bago muling ipinalibot ang tingin sa lugar.

Si Luis ay tumango sa kaniya habang nakaupo ito sa sofa kasama ang kasintahan.

Naupo si Jairold sa kaparehong sofa, siya naman sa pangisahan. Kumportable siyang sumandal habang ipinalilibot ang tingin sa lugar. Masiyadong magulo at maingay.

Noon, life of the party siya. Siya ang matagal malasing at iba't ibang babae ang mga nakakasama niya. Ang iba ay naikakama pa nga.

Hindi siya nagkamali nang may babaeng maupo sa arm rest ng sofang inuupuan niya. Naka-two piece ito ngunit hindi basa. Sinuklay nito ang mahabang buhok habang nakatingin sa kaniya.

"Walang kupas," umiling si Cocoy. "Hanggang ngayon, chick magnet pa rin. Kaso mukhang graduate ka na, ha? Ano bang nangyari? Hindi ka na nagkukuwento."

Natawa si Luis. "Wala. Tinamaan na 'yan. Sa video lang in love na in love e." Medyo nauutal na ito indikasyong lasing na. Ganoon na man palagi.

"Ano'ng video?" natatawang tanong ni Cocoy. "Sa scandal?"

Salubong lang ang kilay ni Kanoa habang umiinom ng beer.

"Oo saka yung mga bago doon," pagmamalaki ni Luis. "Pinanood ko 'yung mga video, lahat 'yon! Tangina kaya pala wala nang report sa atin, sila na. Tapos sakto, nagulat ako may car fun."

Tumingin si Jairold sa kaniya, ganoon din si Cocoy. Mukhang nagulat sa mga sinabi ni Luis.

"Ganda talaga, eh," pagpapatuloy ni Luis. "Mukhang mas—"

Hindi na pinatapos ni Kanoa ang sasabihin ni Luis nang ibato niya rito ang lata ng beer na hawak niya. Nagulat ang lahat. Tumigil ang kuwentuhan, nagkaroon ng hiyawan, lalo nang hilahin niya si Luis sa kuwelyo at basta na lang ito itinulak sa sahig.

Tatayo sana si Jairold at Cocoy ngunit nilingon niya ang mga ito. "Huwag kayong makikialam." Ibinalik niya ang tingin kay Luis. "Tangina mo, ikaw nagkalat?"

"Noa." Pinilit ni Luis ang bumangon.

"Tangina ka?"

Nahihirapang magsalita si Luis. "Dare 'yon na kukuha ako ng importanteng gamit galing sa 'yo," nauutal na sabi nito. "S-Sakto pinakuha mo 'ko n—"

Kinubabawan ni Kanoa si Luis at pinagsusuntok niya ito sa mukha. Paulit-ulit. Dinig niya ang singhap ng mga tao sa paligid, pero walang lumalapit para pigilan siya.

"Kaibigan kita, Luis." Muli niyang sinuntok ang pisngi nito. "Pero ano 'tong ginawa mo? Putangina mo! Isip ako nang isip kung sinong nakakuha," hinawakan niya ang kuwelyo ng t-shirt nito, "dahil wala akong pinapapasok sa bahay ko o sa kotse ko kung hindi kayo. Tapos . . . ito gagawin mo?"

Paulit-ulit niyang sinuntok ang mukha ni Luis hanggang mawalan ito ng malay. Puro dugo ang mukha nito ganoon din ang kamay niya. Naramdaman niya ang sakit, pero wala siyang pakialam. Ipinagpatuloy niya ang pagsuntok hanggang sa si Jairold na mismo ang pumigil sa kaniya.

Nilingon niya si Cocoy. "Alam mo ba 'to, Coy?"

Hindi sumagot si Cocoy na nakatingin lang sa kaniya bago tiningnan si Luis na nakahandusay sa sahig. Duguan, walang malay, at hindi niya alam kung ano ang sitwasyon nito.

"Kaibigan ko kayo, e," Kanoa shook his head in disappointment and chuckled. "Tangina n'yo. Hindi ko inasahan 'to. Hanap ako nang hanap. Isip ako nang isip kung sino . . . ni minsan hindi sumagi sa isip ko na kayo, pero kaibigan ko kayo, kayo ang tatalo sa 'kin?"

"Noa—"

"Tangina mo manahimik ka na Coy dahil babasagin ko rin 'yang mukha mo," pagbabanta ni Kanoa. "Kinalat n'yo . . . mahal ko 'yon, e! Tangina nyo."

Tahimik ang lahat. Naupo si Kanoa sa sofa at sinapo ang noo.

"Mahal ko yon, eh," mahinang sabi niya. "Gago kayong lahat."

Tumawag ng pulis ang ilang bisita at kaagad na tinapos ang party. Tinawagan ni Kanoa ang lawyer niya na kaagad pumunta dahil sa ginawa niya. Handa siya sa kung anong kaso dahil kung tutuusin, kulang pa.

Dinala sa ospital si Luis dahil sa pagkakabugbog niya, ginamot naman ang sugat sa kamao niya. Wala siyang ibang maramdaman kung hindi galit sa dating mga kaibigan.

Nakasama pa niya ang mga ito ilang araw matapos kumalat ang video nila ni Ara. Panay pa ang sabi na sanay ay mahuli na kung sino ang kumuha, pero ang mga ito pala mismo ang gumago sa kaniya.

Bago umalis kung nasaan sila, nilingon ni Kanoa si Cocoy na nakatingin sa kaniya. Hindi niya iuurong ang kahit anong kaso kahit isang dekada na niya itong mga kaibigan.


T H E X W H Y S

Making Every Second CountTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon