103

4.5K 182 66
                                    

The entire night, Ara was awake. 

Nakaharap siya sa pader habang mahimbing na natutulog sina Belle at Sayaka. Pinatapos lang nila ang movie, nag-aya na ring matulog ang mga ito, pero hindi niya magawang ipikit man lang ang mga mata niya.

Sa tuwing susubukan niya, nagre-replay ang video na napanood niya. Naramdaman niya ang pandidiri sa sarili dahil doon. 

Huminga nang malalim si Ara at maingat na bumangon. Mula sa display clock ni Belle, madaling araw na. Alas dos na at gising na gising pa rin ang diwa niya. 

Suot niya ang pajama at simpleng puting t-shirt, iniwan niya ang dalawa. Maingat siyang lumabas para hindi gumawa ng ingay. Dinampot niya ang susi ng sasakyan niya, wallet, at phone. Kailangan niyang lumabas dahil hindi siya makahinga nang maayos. 

Mabagal ang takbo ng sasakyan ni Ara. Wala rin namang masyadong sasakyan sa area iilan lang. Hindi niya alam kung saan siya papunta hanggang sa matagpuan ang sarili sa daan ng condo ni Kanoa. 

Kilala na siya ng guard pati na rin ng mga tao sa lobby kaya hindi na nagtanong ang mga ito kung saan siya pupunta. 

Dumiretso siya sa unit ni Kanoa. Hindi niya sigurado kung nandoon ba ito, pero susubukan niya. Isang katok, dalawang katok, walang nagbubukas ng pinto.

Sumandal si Ara sa gilid ng pinto ng unit ni Kanoa. Muli niyang naalala ang tungkol sa video, sa dare, lahat . . . dahilan para sumikip ang dibdib niya. Masakit na para siyang binugbog nang paulit-ulit.

Muling kumatok si Ara at sa ikaapat na pagkatok, bumukas ang pinto. Halata ang gulat sa mukha ni Kanoa. Walang salita o kahit na ano, niluwagan nito ang pinto para makapasok siya. 

Sa monitor ni Kanoa, nakita niya ang thumbnail ang sex video. 

"W-Why?" Ara stuttered and faced Kanoa. "Wala akong maalalang ginawa kong masama sa 'yo. I loved you. Genuinely. I gave you a benefit of the doubt kahit na marami silang sinasabi about you . . . so why?" 

"Hindi ako 'yong nagkal—" 

"Why do you have the footage?" Ara inhaled, struggling to breathe. Her eyes were starting to pool with tears. "I . . . I . . ." 

Hindi matuloy ni Ara ang sasabihin. Mayroong munting tunog na lumabas mula sa bibig niya kasabay ng paglandas ng luha sa magkabilang pisngi niya. Hinaplos niya ang dibdib niya kung nasaan ang puso dahil para iyong pinipiga dahilan para hindi siya makahinga nang maayos. 

Ara walked toward the bed and sat while sobbing until she couldn't take it anymore. She laid down, hugged herself sideways, and let herself cry. She was in a fetal position crying her heart out. 

"It's too painful," Ara murmured. "I loved you, but why? I was just a game you played. I was genuine, I was in love, and this is . . ." she paused and breathed.

Bumangon siya at hinarap si Kanoa na nakasandal sa pader habang nakayuko ngunit nakatingin sa kaniya.

"Y-You exposed me. D-Do you hate me that much for you to . . .  hurt me?" Ara kneeled and exhaled. "K-Kanoa," she gulped and breathe harder. "I . . . hate you." 

Ara wiped her tears using the back of her hand. She buried her face in her knees while sobbing. Her sobs weren't subtle. She was almost shouting in pain. 

Sumandal siya sa kutson at hinayaan ang sariling umiyak. Nakadilat ang mga mata habang pinanood ang bawat luhang tumutulo sa sahig. Hinayaan niyang lumabas lahat ng hinaing na walang nakaaalam. 

"Kausap ko na 'yung lawyer na na-hire ko noong nakaraan para sa video na," mahinang sambit ni Kanoa. "Hindi ako ang nagkalat at hinding-hindi ko gagawin 'yan. Kahit kanino at lalong hindi sa 'yo." 

Tumingala si Ara at nakita si Kanoa na nakaupo sa sahig tulad niya ngunit may sapat na espasyo sa pagitan nila. 

Umiling si Kanoa. "Hindi ko gagawin 'yan, Ara." 

"I don't know what to believe anymore. When it comes to you, everything feels like a lie," Ara said and her chin vibrated. "Why do you have that footage? D-Did you intentionally took that? For what? Why?" 

"Hindi." Tinuro ni Kanoa ang backpack na palagi nitong dalawa at pamilyar siya roon. "Naalala mo 'yong GoPro sa gilid? Ngayon ko lang napansing nawala na . . . nung napanood ko 'yung video." 

It was the camera that would record Kanoa's everyday activities. 

"Wala akong idea na nakuhanan 'yon. Simula no'ong maghiwalay tayo, hindi ko na ginamit 'yang bag. Hindi ko napansin na nawala 'yong camera . . . at hindi ko alam na may footages na nakuhanang ganiyan," ani Kanoa habang nakayuko. "Alam kong hindi ka maniniwala, but that is my side of the story. Hinding-hindi ko gagawin 'yon." 

 Ara knew her eyes were puffy. Nahihirapan na siyang dumilat kaiiyak. Nakatingin siya kay Kanoa na nakayuko nang tumulo ang luha nito sa sahig, tulad ng nangyari sa kaniya. 

Muli itong tumingin sa kaniya at nagmalabis ang luha sa pisngi ni Kanoa. "Mahal kita, Ara, at ni minsan, hindi ko naisip gawin 'yan. I never took any intimate photos with you." 

Sa pagkakataong iyon, alam niyang nagsasabi ng totoo si Kanoa dahil ultimong halikan nila, na madalas niyang nakikita sa iba, wala. Kahit paghalik sa pisngi, wala silang picture. 

"Wala akong alam at hindi kita pipiliting maniwala." Kanoa smiled and wiped his tears. "Miss na miss na kita, Ara," anito at humikbi.

Ara didn't believe Kanoa and wiped her own tears. "Do you know who got that camera? My face is there, for sure." 

"Wala pa akong idea, pero aalamin ko," paniniguro ni Kanoa. "Aayusin ko 'to." 

"You can't." Ara sniffed and stood up. "I should've run away from you. From the very start, I should've." 

Kanoa looked down and his tear once again dropped on the floor. 

"I wanna sleep and wake up happy again, Kanoa," Ara sobbed. "I don't wanna love you na. It's painful and seeing myself . . . fucking you . . ." 

Nag-angat ng tingin si Kanoa at sinalubong ang tingin ni Ara. 

"Watching myself on that video disgusts me and I feel sorry for myself. Naawa ako sa sarili ko." Ara tried to smile. "Nagmahal lang naman ako. Why does it have to be this painful?" 


T H E X W H Y S

Making Every Second CountTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon