102

4.5K 169 113
                                    

Yakap ni Ara ang sarili habang nakatingin sa TV. Nag-overnight siya sa condo ni Belle at kasama nila si Sayaka para sa pajama party.

It had been long since they bonded. Wala rin naman siyang gagawin kaya nagpunta siya.

Nagulat siya nang biglang bumangon si Sayaka. Hawak nito ang phone at malaki ang mga matang nakatingin doon.

"What's up?" Belle asked curiously.

Curious din si Ara, pero ibinalik niya ang tingin sa TV. Wala siyang ganang makipag-usap tungkol sa mga nasasagap na chismis ng mga ito kaya tahimik lang siyang nakikinig.

"May sex scandal si Kanoa." Sayaka looked at her. "Oh my gosh. Your partner has a sex scandal inside his car."

Bumilis ang tibok ng puso ni Ara dahil sa sinabi ni Sayaka, pero hindi siya nagsalita. Hinarap nito ang phone sa kaniya at malinaw na malinaw iyon.

. . . and she immediately knew it was her.

Mabilis ang tibok ng puso ni Ara. Hindi siya sumagot, hindi siya gumalaw. Hinayaan niya si Belle at Sayaka na panoorin ang video. Kinuha niya ang sariling phone para buksan ang social media niya.

Naghintay siya kung may sasabihin tungkol sa kaniya dahil siya iyon.

Sa Facebook, maraming post tungkol sa scandal ni Kanoa lalo na at kilalang influencer ito pagdating sa travel. Isa pa, kapag sex scandal, mabilis kakalat kahit sino pa iyan.

Nag-uunahan pa sa panonood at pag-share.

Nanginig ang kamay niya habang hinahanap ang video, pero pilit niya iyong itinatago sa mga kasama.

At nang makita, mas lalo siyang kinabahan.

Sa thumbnail pa lang, alam na niya sa sarili niyang siya iyon.

"Don't watch, Ara," sabi ni Sayaka. "Not for virgins."

Ara subtly smiled and played the video. Nakasuot siya ng dress ng araw na iyan at nakababa lang hanggang sa may bra niya.

Sa video, hindi kita ang pangibaba nila ni Kanoa, pero kita ang bawat paggalaw. Siya ang nasa ibabaw, nasa driver's seat sila, at nasa passenger's side ang view ng camera.

"The girl has a tattoo," sabi ni Belle. "Maybe one of Kanoa's hook-ups tapos nag-car fun."

"Oh my gosh. Nakakahiya," Sayaka uttered in disgust. "I'm sorry, but nakakahiya. Sabi na, eh. Only the stupid will associate with Kanoa. Grabe, leaked sex scandal."

Nagpatuloy si Ara sa panonood ng video. Kita roon ang fake tattoo na inilagay nila ni Kanoa noong sinusubukan nila ang mga nakita nila online. Burado na iyon sa kaniya, matagal na.

Hindi kita ang mukha niya dahil nasa kabilang side siya nakaharap at minsang nakasubsob sa balikat ni Kanoa.

"Good thing na hindi rin kita ang face ni girl," ani Belle at umiling. "But imagine she'll see this? She'll watch herself fuck Kanoa not knowing she's being filmed tapos it's all over social media?"

"Baka naman she knew?" Sayaka shook her head. "Grabe, Kanoa's face was in full show. I'm curious about the girl. She's riding the beast."

Nagtawanan sina Belle at Sayaka. Nanatiling tahimik si Ara na ibinalik ang tingin sa TV. Ramdam niya ang init ng katawan niya dahil sa sakit at sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng galit.

"Grabe your partner, Ara," pagpapatuloy ni Belle at umarteng nasusuka. "Told you he's not nice talaga. Buti na lang talaga hindi ka niya nilandi. Oh my gosh. I know he's charming, but fuck him."

Ara smiled and hugged herself.

"Imagine being that girl 'tapos you'll see na you're in the internet banging Kanoa? Siguro pinagsisihan niyang lumapit siya," pagpapatuloy ni Belle at natawa. "Buti na lang her face isn't shown. Nakakahiya talaga."

"Kawawa the girl." Umiling si Sayaka.

Ara remained stoic and continued watching.

No words or tears, but something inside her died.


T H E X W H Y S

Making Every Second CountTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon