Chapter 7

240 13 0
                                    

Walang kibo akong lumabas at sinundan sya papunta sa sasakyan ko. Nakadagdag pa sa tensyon yung tawanan nung dalawa. Ang lalakas mang-asar! May araw din sila sakin. Hmp!

Halatang gigil si ate girl kasi sa likod sya umupo. Driver na driver lang ang peg ko. Okay na din kasi di ko alam kung paano sya kausapin na hindi sya maiinis sakin.

Pinaandar ko na ang sasakyan at wala pang sampung minuto ay nandon na kami. Laking pasalamat ko na lalaki yung cashier na mag-assist samin mamaya pagbabayad. Nakahinga ako ng maluwag.

Nakasunod lang ako sa kanya at tinutulungan syang bitbitin yung dalawang basket na napamili namin. Mostly, chips lang naman. May beer at hard drinks din syang kinuha pati wine. Buti na lang sya ang sumama kasi hindi ko naman alam ang preferred chips at drinks nila.

Patapos na kami sa pamimili nang biglang may dumating na babae na sa tingin ko ay kapalitan nung lalaki na cashier.

Kinabahan ako at nagmadaling pumunta sa counter para yung lalaki pa din ang makapag-assist samin pagbabayad. Pero dahil ang malas ko ngayon.. biglang nagpaalam yung lalaki dahil break time na daw nya at yung pumasok na babae na ang bahala samin.

Sa totoo lang, maganda naman si ateng cashier. Yung habang tinititigan mo ay lalong gumaganda. May mga ganon kasi 'di ba? Mukhang working student din sya kaya mas lalo akong napahanga.

Nang dahil sa pagtitig ko ay hindi ko namalayan na nag-uumpisa na palang magpunch ng aming pinamili si ateng cashier. Napatingin naman ako sa name tag nya at Khloe ang nakalagay dito.

Nang matapos ay iaabot ko na sana sa kamay ni Khloe yung bayad pero pinigilan ito ni Kaitlyn at sya na mismo ang nagbayad. Willing naman akong i-treat sya eh. Kahit pa treat her like a princess ay okay na okay sa akin. Gustong gusto ko pa actually hehehe

"Thank you for shopping. Please come again." friendly na sambit ni Khloe

"Thank you din, Khloe." sabay ngiti ko dito at napansin kong namula ito

Pagtingin ko naman kay Kaitlyn ay namula din ito. Nakakatuwa naman. Yung sa kanya nga lang namula dahil sa inis pero okay na din. I'll take what I can get.


Pagkadating namin sa bahay nila ay diretso upo agad ako sa sofa nila. Tahimik lang na naghihintay sa dalawa. Di ko kasi alam kung welcome ba ako dito kasi may dadating din na friends yung ate nya. Pwede naman ako umalis na kasi magga-gabi na din.

"Hi ate Lia, kamusta? Tahimik ka yata? May nangyari ba?" tanong ni Erin nang madatnan nya ako. Nasa taas pa daw si Kailey nagpapalit lang ng damit.

"Bukod sa pang-aasar nyo? Wala naman na." sabay pout ko. Tampo ako sa kanila eh.

"Si ate naman oh! Minsan ka lang naman namin asarin. Arte yan?" tatawa tawa nitong pang-aasar sakin

"Ano kasi.. alis na ba ako kasi nakakahiya sa mga bisita ng ate nyo? Hintay ko lang si Kailey tapos magpaalam na ako ha." baka din kasi di ako trip ng friends ni Kaitlyn.


Pagbaba ni Kailey ay sabay tayo ko na din para magpaalam na aalis na. Next time na lang siguro ako pupunta dito pag sure na wala ate nya. 

Pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko na nasa labas na yung friends ni Kaitlyn. Apat na mga babaeng halatang may mga kaya sa buhay. Kitang-kita sa kutis at pananamit na hindi sila basta-basta. Nagtataka ang mga mukha nilang nakatingin sakin.

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Mabuti na lamang ay lumapit si Kailey sakin at pinapasok yung friends ng ate nya. 

"Hi?" Alanganin kong bati dito. Baka sabihin ang sama ko kapag di ko man lang sila binati.

"Hi! Si Ate Lia pala. Friend namin ni Erin. Ate Lia, this is Janna, Mika, Natasha and Ollie, friends ni Ate Kaitlyn." pagpapakilala ni Kailey samin

"Nice to meet you, girls!" tipid na ngiti ko at nagpaalam na din kay Kailey

 "Baby girl, una na ako ha? Pasabi na lang kay baby tho nakapagpaalam na ako kangina dun. Bye!"

Narinig pala nila yung sinabi ko at pinigilan akong umalis.

Welcome naman daw ako to join their party/sleepover dahil the more, the merrier!

Hindi na ako nakatanggi..

Sa isip-isip ko...


Welcome nga ako sa kanila.. eh paano naman sa kanya?

if I was the 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon