Chapter 32

159 13 3
                                    

Hindi ko alam kung susundan ko si Kaitlyn dahil nabigla ako sa sinabi nito. Ayaw ko man aminin pero medyo nasaktan ako. Alam ko naman na hindi ko deserve ang isang taong katulad nya pero iba pala ang sakit kapag sa kanya mismo nanggaling.

So, malabo na ba talaga na maging akin sya?

Parang gusto ko tuloy bawiin ang mga binitawan kong salita. Hindi ko man lang sya nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.

Ang tanga mo talaga, Lia! Ano na gagawin mo nyan?

Papanindigan mo na ba na kalimutan yung nararamdaman mo para sa kanya?

Haay, self. I need help.


"Ate Lia, hey." pagkuha ni Kailey sa atensyon ko.

Nabaling ang tingin ko dito at ilang segundo nya akong tinitigan bago nagsalitang muli.

"Follow her, please. You two need to talk. Let her talk. Go." utos nito sakin.

Natigilan ako saglit at may kaba akong naramdaman. Naguguluhan akong tumayo at umalis para sundan si Kaitlyn.

Buti na lang ay natanaw ko sya bago makalabas patungong parking area. Hinihingal akong tinawag ito. Madami akong nainom kanina at medyo nahihilo na ako pero sa isang iglap ay nawala ang hilo ko nang lumingon ito sakin na may luha sa kanyang mga mata.

Nang makita nyang ako yung nasa likod ay mas nagmadali pa itong naglakad kahit na ilang beses kong tawagin ang pangalan nito.

"Kait, stop. Antay naman, please. Usap tayo." tumatakbong hinabol ko ito at hinawakan ang braso nya nang maabutan ko ito para tumigil na.

Ang bilis nyang maglakad pag galit. Geez!

Inalis nya ang pagkakahawak ko sa braso nito at masamang tumingin sakin. Gosh! Nakakamiss pala pag tinitingnan nya ako ng masama. Yung tingin nya nung una kaming magkita sa bahay nila. Hindi ko tuloy naiwasan mapangiti ng slight.

Nababaliw na ako. Baliw na baliw pa din sa kanya.

"Where are you going, Kait? Usap muna tayo, sige na.." biglang tanong ko nang makitang naglalakad na ulit ito paalis. Nainis yata lalo nung nakita nyang nakuha ko pang ngumiti sa sitwasyon namin na ito.

Siya naman ang dahilan ng pag-ngiti ko pero syempre di nya alam yon. Nakakainis! Kailan ba kami uusad? Parang sa tuwing nagiging okay kami, bigla naman may mangyayari na hindi kaaya-aya.

Sinusubok lang ba kami ng universe o talagang hindi lang kami meant to be?

Huy, wag naman po sana!

Lumingon lang ito sandali sakin at pagkatapos ay lumakad na naman palayo nang masiguro nito na maririnig ko ang sagot nito sa tanong ko.

"Anywhere but here." ramdam ko ang inis sa tono nito.

"I'll drive you home. Let's go." sabi ko na lang. Kung di man kami makapag-usap, at least alam kong safe syang makakauwi sa kanila.

Hindi makapaniwalang tiningnan ako nito. Hindi ba pwedeng gusto ko lang na makasama pa sya kahit na alam kong naiinis na ito sa pagsunod ko sa kanya.


"No, wait. You wanna talk? Okay, let's talk!" nakakagulat yung burst of emotions nya. Can't blame her because it's the alcohol that's talking or am I wrong?

"You know what's the problem with you? You're good at keeping your distance with me. Nasaktan ka because of me? The next thing you do is to start avoiding me without hearing my side of the story."

if I was the 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon