Chapter 33

337 15 3
                                    

Nang makarating ako sa sasakyan ay naabutan ko pa na nagtatalo si Kaitlyn at Lex kung sino ang dapat umupo sa may passenger seat. Sasakit yata ang ulo ko sa dalawang ito. Sila na lang kaya sa unahan tapos ako sa likod.

Nawala tuloy ang espiritu ng alak sa katawan ko dahil sa walang katapusang pagtatalo nila. Alam ko naman na ang magiging ending ay sa passenger seat si Kait at sa likod si Lex.

"Gab. You choose kung sino ang tatabi sayo sa unahan at kung sino sa likod." pangungulit na naman nitong si Lex. Dinamay pa ko!

"I get to decide pala, ha? Pwes, kayo sa unahan at ako na sa likod para tapos na ang usapan." parang mga bata na nag-aagawan sa candy nakooo. 

"No need to choose. The only option is for you to sit in the back, girl. Know your place." aba, tiklop agad si Lex sa sinabi ni Kait. Dumiretso agad sya sa likod at umupo eh. Kahit ako nakaramdam ng takot, sya pa kaya. Hahaha!

Tahimik lang akong nagmamaneho kahit gusto kong kamustahin si Kait kung okay lang ito. Paminsan-minsan kasi ay sinusulyapan ko ito pero nakatagilid lang ito at nakatingin sa may bintana.

Sumulyap din ako kay Lex sa likod at sinalubong nya ang tingin ko sabay ngiti nito na parang ewan. Yung ngiti na parang may binabalak na hindi maganda.

"Gab, sa bahay mo ba ako iuuwi? Di mo kasi tinanong kung saan ako ihahatid. Okay lang naman kung i-bahay mo na ako. I'm willing to be your maybahay." nakuha pa nitong tumawa pagkasabi.

Tinignan ko ito ng masama sa rear-view mirror pero nakuha pa akong kindatan nito. Ugh! 

Wala akong plano na patulan ang pang-aasar nito dahil baka di ako makapagpigil at maibaba ito sa madilim na tulay. Biro lang pero pwede din magkatotoo. Hahaha!

"Hi.. Kaitlyn, right? Boto ka din ba sakin para dito sa Love ko? I'll treat her better, I promise." pagsisimula ni Lex na asarin din itong si Kait. Di ka pa nadala kanina ah?

"Love mo muka mo! Baka maniwala sayo si Kait, tumahimik ka." 

"Make me." kumindat pa ang  lintek na si Lex. Tinetest talaga nito ang pasensya ko ah.

"Isa pa Lex, malapit ko na i-zipper yang bibig mo."

"Zip it with your mouth? G na g! Hahaha!" maling-mali na isinama ko syang ihatid pauwi. Di ko tuloy matingnan si Kait dahil sa pinagsasabi ng babaeng nasa likod na tuwang tuwa pa!

Hindi na ko umimik at nag-concentrate na lang sa pagmamaneho. Kapag nagreact pa kasi ako at pinatulan ang pang-aasar nung isa ay lalong hindi ito titigil. Tahimik lang din yung katabi ko at mukhang malalim ang iniisip.

Pagkaraaan ng ilang minuto ay nagsalita ulit yung nasa likod.

"Seriously speaking, can I have her.. Kaitlyn?"

Kahit hindi naman ako ang tinatanong ay wala sa sariling nai-preno ko ang sasakyan. Nabigla ako sa paraan ng pagtatanong ni Lex at may parte sakin na gustong marinig ang isasagot ni Kaitlyn.

Itinabi ko muna ang sasakyan dahil parang nawalan ako ng lakas para paandarin ulit ito. Napunta na ang atensyon ko kay Kait at delikado kung magpapatuloy akong magdrive na ang isip ay nasa katabi ko.

"Up to her, Lexa. She was not mine to lose anyway." nabingi ako sa sagot nito. A part of me was hoping na sabihin nya na hindi ako pwedeng mapunta sa iba.. na magagalit sya dahil may nagtatangkang agawin ako sa kanya. 

Dahil sa sagot nito ay parang gusto ko na lang na makauwi agad sa bahay at magmukmok sa kwarto. 

Dali-dali akong nagmaneho at nang malapit na kami sa subdivision ay sumenyas si Lex na itigil saglit sa may convenience store. Mukhang nakaramdam naman pala ito at malamang ay bibili ng alak. Dadamayan ba nya ko sa pagiging sawi sa pag-ibig?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

if I was the 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon