Chapter 24

254 29 3
                                    

Bumalik agad ako sa backstage para matapos na ang kahihiyan kong ito. Gusto ko na din maka-chikahan yung mga matang nakatingin sakin na naghihintay ng paliwanag ko hehehe.

"She's being so generous tonight, right? Sulitin na natin 'to! Let's all welcome again, the owner of this club, Lia Rodriguez!" narinig ko na namang pakilala nito.

Nakaset-up na yung stage pati yung gitara na gagamitin ko. May naisip na akong kanta sana magustuhan nila.

"Hope you guys like and enjoy this song.." nakangiting sabi ko at sinimulan na tumugtog ng gitara.

🎶 Lagi na lang tumitingin
Di mo naman pinapansin
Di ko alam tuloy ang aking gagawin
Nagpapaganda balewala
Nagseselos basta basta
Sa twing lumalapit kumakaba kaba 🎶

I can relate to this song so much. Napapangiti ako at dinadama ang bawat liriko nitong kanta. Ganito yung nararamdaman ko para sa kanya.

🎶 Oh araw araw bang magtatanong kelan
Makukuha ang pagtingin
Anu ang gagawin 🎶

Yan din ang tanong ko, eh!
Ano bang kailangan kong gawin?

🎶 Di ko alam ba't eto ang nararamdaman
At hindi ko alam kung bakit ano ang dahilan
Pag ibig na ba ang tawag
Damdamin hindi maipaliwanag
Ngumingiti, umiiyak, nagtataka

Di lang ako makatingin
Di ko alam ang gagawin
Tila ang dila ko'y may nais sambitin
Tuwing sinusubukan, walang lumalabas na salita
Nauutal na lang, napapariwara 🎶

Tulad kanina habang sumasayaw ay parang na-magnet nito ang mga mata ko at ayaw ng umalis ng tingin dito. Ito na ba yon? Oras na ba para umamin ako?

🎶 Pilit ko mang isipin na tayo'y magkaibigan lang
Hindi mapakali, puso'y nag-aatubili
Ikaw ay di mapasakin 🎶

Masakit na di ka mapapasakin. Basta ang tangi kong hiling ay lagi ka nyang pasayahin. Okay na ako don.

🎶 Oh di ko alam, di ko alam, di ko alam
Di ko alam, di ko alam, ah ah
Pag-ibig na nga ba 'to?
Pag-ibig na nga ba 'to?
Di ko alam🎶

"Thank you guys for coming tonight! It really means a lot. And to our staff and colleagues, I really appreciate your effort and dedication. Have a wonderful night, everyone! Cheers!" pagtatapos ko at dumiretso sa table ng mga kaibigan ko.

Kumuha ako ng tissue at pinahid ito kay Mika at Tash na pinagtaka nila.

"Kanina pa tulo mga laway nyo, pinunasan ko lang. Hahaha!" asar ko sa dalawa.

"Nagsayaw at kumanta lang, yumabang na? Ayy, wow!" balik na pang-aasar ni Mika.

Pagtingin ko kay Tash ay iba ang tingin nito sakin.

"You didn't tell us na ang hot at sexy mo pala sumayaw, Lia. Sayo na talaga ako!" malanding sabi nito.

"Ang tanong, sayo din ba? Hahaha alam naman nating-" pinutol ko ang sasabihin nito at baka malintikan na talaga ito sakin.

"Baby girl, baby! Buti nakasama kayo. Wag masyadong uminom, ha?" bati ko kay Kailey at Erin na hindi sinusulyapan si Kaitlyn na katabi lamang nito.

"Congrats, Ate Lia! Galing mo kanina don." masayang bati ni Erin samantalang si Kailey ay nginitian lamang ako.

Weird. Si Kailey madalas ang unang bumabati pero ngayon may kakaiba sa kanya. Dahil ba sa nangyari nung nakaraan sa bahay nila? Tsk.

if I was the 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon