Papunta na ako sa locker ko para ibalik na yung mga libro, ayoko na may bitbit na dala. Mabigat kaya. Pupunta na din ako ng mall para kumain, masyado na ako badtrip ngayon kaya gusto ko muna mamasyal na ako lang.
Yung sa sinabi ko kanina? Totoo parang may gusto na ako sa kanya. Masyado bang maaga? Sa inyo oo kasi maikling chapter pa lang to. Ewan ko, sabog nako ^______^
Nakarating nako sa locker ko, nilagay ko na yung libro ko tapos kinuha ko yung damit ko tska extra na rubber shoes, lagi ako naglalagay ng damit dito kung may gala man deretso nako at hindi nako uuwi pa sa bahay namin.
Pumunta na ako sa CR tapos nagbihis na, nagsuot lang ako ng pants, tshirt na yellow na fitted na nakalagay "BACK OFF".
Paalis na ako ng may humarang sa akin.
"Hey Pat! San ka pupunta?" Tapos nagcross-arm siya.
"Pake mo?" -ako
"Oo, san ka pupunta? Sama ako" Si Arkeenz lang naman to. Ngayon lang nangungulit sa akin to. May toyo ata eh. Pss.
"Sa impyerno, sama ka?" Sabi ko sakanya with sacrasm.
"Ah. Oo. Sabay pa tayo!" Grrr. Nakakainis.
"SHT! TABI NGA DYAN!" Sabay bunggo ko sa kanya. Nakakabwiset. Sira na nga araw ko, may magaganito pa sakin. FCK!
Paalis na ako nang marinig ko kay Arkeenz na sasama daw siya sakin. Kapal ng muhka. Masusuntok ko na to eh. Nako Pat pigil naman kahit konti. ( =.= ) Habang naglalakad ako, narinig ko na tinatawag niya ako. Sht. Ang kulit naman. >_<
"Sama na ako! Sige na!" -Arkeenz
"A-Y-O-K-O" Sabay karipas ng takbo.
*huff* Sana hindi na niya ako maabutan, lokong Arkeenz na yan. Wala lang magawa sa buhay. Pasakay na ako ng jeep papuntang SM.
"MANONG BAYAD PO! ESTUDYANTE LANG!" Sabay abot ng bayad sa katabi ko. Inabot naman ni Kuya ang bayad papunta kay Manong driver. Nagsoundtrip lang ako tapos maya-maya naka dating na ako sa SM.
Pumasok na ako sa loob ng mall. Nag-iikot lang kung saan tapos hanggang sa hilahin ako ng paa ko sa may Zagu. Uhaw na ako eh. Bumili ako ng isang grande na Cookies and Cream. Malaki ba? Hahaha. Matakaw ako eh. Sorry :D
Pagkabigay sa akin ng shake, umalis na ako. Pumunta ako sa may food court para maka-upo. Kakapagod maglakad. Chineck ko yung cellphone ko kung may nagtext.
5 misscalls from Khayli Ranz
2 misscalls from Bianca :]
20 unread messages.
Himala at nagmisscall si Khay. Hmp. Bahala siya. Nakakainis na. Chineck ko yung message. Inuna ko yung kay Bianca na text
From: Bianca :]
Pat! San ka? Wala ka pa daw sa bahay ha.
From: Bianca :]
Reply ka please? Nag-aalala na ako sayo :(
OA naman neto. Pero ok lang. Mahal na mahal ko naman ang bestfriend ko. Si Bianca ha? Ano yung iniisip niyo. =.=
Nagtext din si Khayli. Puro nasan ka Sab. Mga ganun lang. Kaya dinelete ko at hindi ko nireplyan pa yung kumag na yun.
Nireplyan ko naman siya na nandito ako sa mall at wag na siya mag-alala pa, tinext niya na susunodd daw siya, sabi ko na lang skanya na wag na siya sumunod at gusto ko mapag-isa kaya ayun nagdrama ang bruha. >_<
Inubos ko na yung Zagu shake ko at dumiretso na ako sa Quantum para maglaro. Yun lang ang hobby ko dito, yung mga laro.
-
Nandito na ako sa Quantum, bumili na ako ng token. Siguro mga 10 token.
Kung anu-ano lang ang nilalaro ko, yung dance revo, tapos yung barilan ek-ek, tska yung de tatskrin na yung parang DJ ang peg mo. Basta yun na yun.
Kung sa tingin niyo muhka akong eng-eng na naglalaro na mag-isa tapos walang kasama? Ok lang, mas ok na ung ganito ako para mawala ang badtrip ko.
Papunta na sana ako sa basketball ng biglang sumulpot ang hindi kanais-nais na alien.
"Hindi mo *huff* man lang ako *huff* hinintay. *huff*" Hinihingal niyang sabi tapos sabay hawak niya sa mga binti niya
"Sino ba may sabi na sumama ka?" Inis kong sabi skanya. Imbis na makalaro na ako eh, istorbo pa tng kurimao na to.
"Ako! Sige na. Hehehehehe" Ang kulit. Pshhh. Akala ko masungit siya dahil sa kinilos niya kanina, pero sa tingin ko hindi. Makulit ang ugali niya.
Bigla na lang niya ako hinila at pumunta na kami sa Basketball. Edi syempre tawa kami ng tawa ng hindi ako maka-shoot. Hahahaa. Sabi ko sa inyo eh, hindi akp marunong at trying hard lang ako. >_<
Pagkatapos namin dun, dumiretso kami sa bilihan ng token para itry yung uso na wii. Yung gagayahin mo yung sumasayaw sa screen.
Tawa talaga ako ng tawa dahil sa kahihiyan na ginagawa namin, yung iba puro mga babae ang nanunuod dahil gwapo ang kasama ko, pero syempre gwapo din ako. HAHAHA. :D
Pagkatapos nun, dumiretso muna kami sa isang ice cream parlor. Masaya pala kasama din to kurimao na to eh (kurimao= isa po itong salitang kalye. Haha)
"Sir may I take your order?" Tapos with matching beautiful eyes si Ate. Hahaha.
"One Pistachio ice cream. Ano sayo?" -Arkeenz
"Ah. Strawberry Oreo yung akin." -ako
"Sige miss. Yun lang" Sabay kindat naman dun sa girl.
Hahaha. Nanigas yung girl eh. Todo kilig. Yuck. -_-
Maya-maya ay dumating na yung ice cream. Yummy masarap to. Hahaha. Tahimik lang kami kumain ni Arkeenz at maya naisipan na namin umuwi dahil gabi na.
"'Hatid na kita sa inyo?" -Arkeenz
"Naku, wag na. Ako na mag-isa uuwi. Sige Bye. Thanks sa time" Paalis na sana ako ng biglang higitin niya ang braso ko.
"Hindi pwede. Baka marape ka." Pffff. Hahahahahahaha
"Baka marape?" Sabi ko sa kanya with sarcasm.
Pauwi na ako nun, tapos bigla siyang sumunod sa akin. Edi no choice kundi ang sabay kami umuwi. Mabait siya kung tutuusin. Hindi halata sa itsura niya dahil sa unang tingin mo pa lang eh akala mo na masungit,mahangin at supladong tao. Pero hindi, mali ang akala ko.
Masarap siya kasama, pwede maging kaibihan, kasi libre nya yung ice cream na kinain namin. Hahaha. Sama ko ba. Hindi naman
Sumakay na kami ng jeep, maya-maya bumaba na kami. Pumasok na kami sa subdivision namin. Sabi niya na sa kabilang subdivision pa. Sinabihan ko na hanggang dito na lang siya at ayun pumayag naman.
aglakad na ako ng tahimik hanggang sa marating ko ang bahay namin. Kung tutuusin nga malapit lang ang bahay namin mula sa labas ng subdivision.
"NANDITO NA PO AKO!" Sabay mano kina Mommy at Daddy.
"Oh nak! Kumain ka na ba?" -Mommy
"Opo Mom!"
"Nga pala anak. Tumawag dito si Khayli, hinahanap ka." -Daddy
"Ah-"
Dali na ako umakyat papunta sa kwarto ko, nagshower na ako, nagbihis na ng pantulog. Sabay higa at yakap sa Green macaroon na pillow na binigay sa akin ni Khayli nung 12th birthday ko. Naka-embroidered ang pangalan ko, SABRINE
Bakit sa lahat ng kaibigan ko ikaw pa ang nagustuhan ko ha" Sabay kausap ko sa pillow na bigay niya. Dami tuloy nangyari ngayomg araw na to, masyado padalos-dalos.
Gsto kita Khay, gusto kita.
Author's note: Sorry for the very very very late update.Daming problema ehh. Huhuhuhuhu. Sana basahin niyo pa din ang story ko. Thanks.