FCK! Math na naman. Pasensya na kung mura agad ang umpisa ng chapter na to. Hehe. Nakakaboring kasi ang Math eh. Solve dito, compute dyan, fomula everywhere. >_<
Bakit ba kasi nauso ang Math? Pwede naman na add, subtract, multiply and divide. Puro x square at f(x) function pa ek.ek.
Ang gawain ko lang dyan, puro kopya kaaso yung kinokopyahan ko mali din ng sinasagot. Oh dba? Haha. Eto naman si Bianca. Wala. Pa-easy lang :/
Ang daming pumapasok sa isipan ko, lalo na yung sa sinabi ni Bianca kanina. Imposible naman yun dba? Kasi iba ako, ay basta. Basta talaga. Magkaibigan lang kami ng bestfriend ko.
"Hoy Pat! Sasali ka sa intrams? Lapit na yun ha? Mga first week na ng September siguro yun" -Bianca
"
Ewan ko! Tinatamad nga ako eh. Ayoko sumali na sa volleyball. Siguro manonood na lang ako." -ako
"Ano ka ba! Sumali ka na! Gusto mo isali kita sa Ms. MCA ha?" Daming kinakana neto ha. Nakaburaot na.
"Yuck! Ayoko kaya dun! Kadiri! Hindi ako bagay dun" ARRRRRGGGHH :|
"Maka-yuck ka naman. Tignan lang naman natin kung maganda kapag nag-ayos ka. Madami magkaka-gusto sayo. Babae ka na lang kasi." HMP. Blahblahblah. >_<
"Ha? Wala ako marinig Bianca! Ano yun?" Sarcastic kong sabi sa kanya. Bigla siyang nag-glare sa akin tapos inirapan ko na lang siya. Dami kasi sinasabi eh. Parang makakatulong. Psh.
"May matutulong ako noh. Ano akala mo sa akin? Nga pala sali ka na lang sa banda." Ok siya na mind reader. Lakas ng tama ng kaibigan ko. Tsssssss
"Talaga naman kasali ako sa banda. Loko lang? Psh" Sabay suntok ko sa kanang braso ni Bianca pero mahina lang pero sa kanya.
"ARAY NAMAN! KAILANGAN NANUNUNTOK? Sabay higit niya sa buhok ko. Mabuti na lang at nakapusod ako.
"OUCH! Tang-"
"MS. MITRA AND MS. CIAR KEEP QUIET" -teacher namin
"Sorry Mam!" Tapos sabay talukbong ng libro at tumawa. XD
"Pfft! Hahaha. Penguin talaga. Pff!" -ako
"Tangek! Hahaha! Shhh wag ka na maingay ;D" -Bianca
Hindi talaga namin mapigilang tumawa. Sige nga. Ikaw makakita ka ng teacher mo na maliit tapos sobrang singkit ng mata niya na halos hindi na makakita at sobrang taba pa. Parang nag-evolve na pokemon at naging penguin. Hahahaha
Sorry po sa pagiging judgemental ko mga readers. Hehehe. (^_____^)\/
Nagsolve na kami tapos maya-maya ay Physics na so ang teacher namin sa Physics is yung adviser namin at teacher namin sa Values. ^_^
Natapos na ang Math. Saktong dumating din yung adviser namin at sabi niya may iaannounce daw siya about sa Intrams namin at maya-maya mad-discuss na siya about sa Physics. Maraming excited kapag naririnig nila to. Syempre masaya daw eh. Tsaka napaka-interested nila pagdating sa mga activities na yan.
"Yung mga gustong magtry-out sa basketball, volleyball, swimming, badminton etc, go lang kayo. Pwede din kayo mag-audition sa cheering" Sabi sa amin ng teacher namin at yung iba interesado sa mga ganyan.
Member na ako ng volleyball team last year kaso tinigil ko na, nakakatamad na din kasi magtry-out. Kapagod din. Pero masaya.
"Yung gusto gumawa ng booths, ina-allow ng campus yun para mas maging masaya ang Intrams. Gandahan niyo dahil graduating na kayo. I mean is you will create memories in this campus kaya sulitin niyo na dba? Kaya magsaya kayo. Dont be KJ" Sabagay may point din si Mam.
