Chapter SEVEN "SORRY NA"

22 0 0
                                        

Two days na ang nakalipas pero hindi ko pa din pinapansin si Khayli, ang awkward ng situation ko dahil may gusto ako sa kanya.

Kinwento ko ang lahat ng nangyari nung mga nakaraang araw na kasama ko si Arkeenz, tapos ang laging sabi sa akin ni Bianca, "Ows talaga? Edi kay Papa Arkeenz ka na."

"Edi girl ka na? Maganda yan" Oh dba. Nakakainsulto lang.

Mamaya lunch na namin. Kaya naghihintay kami na magbell na. Gutom na gutom na ako dahil hindi pa ako kumakain ng almusal. Nagmamadali kasi ako kanina dahil late na ako gumising at late na din nakapasok. Nasita tuloy ako ng teacher ko sa values dahil anung oras na daw ako pumasok. So no choice. Pumunta ako ng DO (Discipline Office) para matiketan. Buti na lang at 1st offense pa lang yun at may 1hr pa ako bago pumasok sa ibang subject.

Akala tuloy ni Bianca kung ano na nangyari sa akin. Oh dba? Haha. Nag-alala ang LOLA. :D

"So please get your handbook and write your assignment written on the board" So ayun na sinulat na namin yung assignment. Madali lang naman dahil MAPEH ang subject na namin. Health na namin ngayon.

"Finished?" Sabi ng teacher namin na si teacher Jessica. Yung iba tumaas na ng kamay syempre kabilang na kami dun sa mga tapos na, gutom na gutom na kaya ako.

"OK! YOU MAY TAKE YOUR LUNCH NOW!" YES. Nagsitayuan na kami kaso si Bianca nag-aayos ng muhka. Hmp. -.- Nagpapaganda ata para kay Yvanne. Huuuuuuuuuuuu. :D

Nasabi ko na ba sa inyo na lagi na sumasabay sa amin si Arkeenz at Jan (yung friend ni Arkeenz na classmate namin) Ayoko sabihin sa inyo baka kasi ARGH. Nevermind =_= 

 As usual, naging close din nila Khayli at Van sina Arkeenz at Jan. Oh dba. Kaya kami dalawa ni Bianca nganga. OP kumbaga dahil puro mga lalaki kasama namin.

"Sa susunod maghahanap tayo ng babae na kakaibiganin. Nako ha. Naiisnob na lang tayo dito" -sabay hagod sa bangs ni Bianca. Shet ang ganda niya talaga. :'>

"Ok. Layo muna tayo sa kanila, ayoko muna makasama si alam mo na. Awkward kasi eh" -ako

"Ey. Ok lang yan. Hindi naman niya alam eh, tsaka wag ka magpapahalata noh. Mabuking ka niyan nako. Katakot-takot na rejection ang aabutin mo kay Khayli. Rejection na, sira pa ang relationship niyo magbestfriend." Sabagay may punto si Bianca. Mahirap pala. Tss

Nandito na kami ngayon sa canteen. Mabuti ang ulam namin ngayon lunch ay hindi fried chicken na. Sa wakas at beef steak ang ulam namin.

"Habang tumatagal, lalong dumadami ang bagong ulam ah. Nako hindi na tayo puro fried chicken na" Reklamo ni Khayli sabay tingin kay Van.

"Oh bakit? Ano problema mo?" -Van

"Wala masama ba tumingin sayo?"-Khayli. Sabay nag-irapan ang dalawa. Ganyan talaga ang mga yan akala mo nag-aaway na pero biruan lang pala.

"Guys. Dun tayo sa dulo oh. Wala naka-upo dun. Tutal kasya tayong anim dun" Yaya nila Arkeenz. Dumiretso naman kami dun. At naka-upo na din kami. Bale ang ayos ng upuan eh ganito.

Arkeenz-Jan-Khayli

Yvanne-Bianca-Ako

Bale ang kaharap ko si Khayli. Awkward talaga parang hindi ko alam kung ano gagawin ko. Kanina nagugutom ako ngayon parang nawala ang gutom ko. Hindi ako mapakali sa upuan ko, Sheeet! 

Tahimik lang ako kumakain nang inagaw ni Khayli ang pagkain ko. Ayan ka na naman. Psssssh

"Sab! Sorry na oh. PLEASE. Alam ko tampo, galit ka sakin. Sorry talaga!" -Khayli

"Okay na nga dba?" Ok ako na liar, hindi talaga ok. Nagtatampo pa din ako dun.

"Sigurado? Sige na kasi. Alam ko hindi pa ok eh." Eh engot pala to eh. Alam naman pala niya eh nagtatanung pa siya. Kumag talaga oh. Nakanang!

"............................." -Ako

Umalis sa harapan ko si Khayli tapos biglang na lang ako.

SHET! YAKAPIN DAW BA AKO? WAAAAAAAAAA.

"Sorry na SAB.Sige ka hindi ako titigil dito kapag hindi mo ako pinatawad" Kumalas siya sa pagkayakap sa akin tapos bigla siyang LUMUHOD SA HARAPAN KO. 

"SORRY NA TALAGA SAB? PLEASE. HINDI AKO TATAYO HANGGAT HINDI MO AKO NAPAPATAWAD" Shet. Wag kang ganyan Khay. Daming tao ang nakatingin sa amin. Nakakahiya ang ginagawa niya.

"H-hoy tumayo ka nga dyan. Nakakahiya sa mga tao oh" -Ako

"Eh ano? Paki nila? Sabrine KO! BESTFRIEND! SORRY NA" Inemphasize niya talaga ang word na besfriend eh. Ok na sana yung Sabrine ko eh. ._.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA" Hala. Tilian ang mga babae. Shet. Mga ineng at ateng. Besfriend lang po kami. HELLO? Hindi po kami mag-jowa para tilian niyo.

"Oy. Sige na Pat. Patawarin mo na si Khayli" -Van

"Tama! Nako.Wag pigilan ang pride" -Bianca. Kahit kailan talaga epal ka. =_=

"Hahaha. Pakipot pa!" -Jan

"..........................."-Arkeenz. Snob lang! Good. 

"Oo na sige na. Ok na.Tumayo ka na dyan!" -Ako sabay hablot sa braso niya para tumayo na.

"TALAGA? THANKS TALAGA SAB. WEEEEEE" Sabay tayo ni Khayli. Niyakap na naman ako ni Khayli at kumalas naman ako sa pagkakayakap niya. Spell A-W-K-W-A-R-D. Bigla naman ako siniko ni Bianca tapos sabay bulong.

"Ayan. Bati na kayo ha. Hahaha" -Bianca.

"Pssh" Speechless ako sa nangyari. Alam niyo ba kung bakit?

Alam niyo?

Talaga?

Alam niyo na eh.

Sige na nga. Sasabihin ko na.

KINILIG AKO SA GINAWA NIYA. SSSH! WAG MAINGAY HA.

-

Eyemreeyan's note: Hehe. Sorry sa ganitong chapter. Wala po maisip na iba eh. Thanks po sa pagbasa.

VOTE, COMMENT lang po kayo. Pwede din po FAN kung ayos lang sa inyo.Thanks.<3

Am I Girl or Boy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon