Natapos na yung Lunch break namin at nandito na kami ulit sa room namin. Physics na namin ngayon kaso ang topic namin is yung sa Intrams na naman. Naman, naman, naman.
"Oh dun sa representative natin sa Mr and Ms. MCA. Ano na balita? Nakapagpractice na kayo? Ano susuotin niyo? Kailangan maganda ang outfit niyo para sa sportswear, gown at casual wear. Dapat bongga para manalo tayo. Ikaw Patricia? Ano na balita?" -Teacher Maan. Shet! May ganon pa talaga? Nako naman. Kaya ayoko sumali dyan eh.
"Ahm. Wala pa po ako damit na susuotin eh."-Ako.PATAY. >_<
"Oh? Bakit wala pa? Naku kailangan na paghandaan yan Patricia. Kailangan mo pa magpractice para dyan. Hindi yung mapetiks ka lang."
"Ay teacher! Ako na lang po ang mag-aayos kay Pat tutal naman madami naman po ako mga ganun sa bahay tska para matulungan ko din siya sa practice." -Bianca. Thanks talaga. ^_^
"Ako din po teacher. Ako din mag-aasikaso kay Patricia. Dba?" Singit naman ni Hanika. May pagkanerd ang babaeng to, wala kasi msyao kumakausap sa kanya kasi. Tapos naka-nerd glasses pa sya. Maganda naman siya. Hindi nga lang showy. Dapat si Bianca na lang ang candidate eh.
"Yes! May katulong na ako sa pag-aayos. Yiii" Sabay yehey na pose si Bianca. Cute niya :'>
"Oy. HANIKA! WAG KA MAWAWALA HA.TULUNGAN MO AKO MAG-AYOS KAY PATRICIA ^____^" Pagdating talaga sa mga make-over eh walang palya si Bianca. Nagpapasalamat talaga ako dahil naging bestfriend ko to.
"SURE NAMAN YAN!" Nyeee. Close na agad sila ni Hanika? ._.
"Wag ka magselos Pat. Kaw talaga" Sabay hampas sa akin.Kahit kailan talaga. Kailan ba ako titigilang hampasin ni Bianca sa braso? Hmm
"Oh sige. Tapos na ang problema natin kay Patricia. Ikaw naman Arkeenz?"
"Meron na po" -Arkeenz. May tantrums ata to eh. Ang weird niya. Makakasama mong masay, makulit tapos biglang susungit? Grabe.
"Osige. Basta aasahan ko kayo dun ha.Ok! Proceed na tayo sa topic natin" So ayun na nga. Nagdiscuss na ang teacher namin about sa Physics.
Sinabihan na ako ni Bianca na pumunta daw kami ng mall kasama daw si Hanika. Umoo naman ako syempre dahil bibili kami ng damit para sa pageant.
-
CLASS DISMISSAL na! Uwian na namin. Sumabay na sa amin si Hanika. Yung sila Arkeenz at Jan mamaya pa daw uuwi at maglalaro pa daw ng DOTA. May pustahan ata.
"Hoy Sab! San kayo pupunta?" edi sino pa ba ang tumatawag sa akin ng Sab edi si Khayli pa.
"Uwi muna kami sa bahay tapos mag-mall kami nila Bianca. Ay, by the way. Khay si Hanika. Hanika si Khayli" -Ako tapos sabay nagshake hands yung dalawa. Grrr. Wala naman ako cnabi na magshake hands ha.Pssh. Whatever.
"Sige Sab. Ingat ka ha. Engot ka pa naman. Sige na babay na. May try-out pa kami eh" Sabay gulo niya sa buhok ko.Shet lang. Hrap magpusod eh tapos guguluhin lang. Ampness OmO
"Sige Bianca. Ingat ka ha." Tapos sabay kiss ni Van sa forehead ni Bianca. Hahaha. Nag-blush yung dalawa eh. Kilig mats.
"S-sige! Kaw din." Tapos nag-wave na si Van kay Bianca. Nanliligaw na ata si Van kay Bianca eh, Hindi ko lang alam dahil hindi ako updated sa mga ganyan. >_<
"Lakas maka-PDA ha!" -Ako
"Edi gumaya ka. Palibhasa kasi hindi ka ginaganyan ni toot mo!" Aba fgrhekthpogjsdsacsdv neto ha.
"H-hoy! Hindi ah. Sama mo" Sabay sapok ko sa braso niya.
"ARAY!" Sasabunutan na sana ako ni Bianca nang awatin kami ni Hanika.
"Tigil na kayo. Haha. Tara na. Bihis muna tayo" -Hanika
Naglakad na kami. Naunang naka-uwi si Hanika dahil malapit lang ang bahay nila. Ganun din si Bianca. Maya-maya nakarating na ako sa bahay namin.
*ding dong*
"Ay Iha. Kaw pala yan" -Manang
"Ay manang hindi po ako to, anino ko lang to" -Ako with sarcasm.Hahaha
"Kaw talaga Iha." Natatawang sabi ni Manang.
Pumasok na ako sa loob at dali-dali na akong nagbihis.Nagsuot lang ako ng skinny jeans tapos tshirt na puro skull na fitted. Nagrubber shoes lang ako. Pababa na ako ng biglang may nag-doorbell. Sinabi ko na kay Manang na ako na lang ang magbubukas at ayun pumayag naman siya.
Sila Bianca at Hanika lang naman ang nagdoorbell, kaya sinabihan ko na si Manang na gagabihin ako ng uwi dahil pupunta kami ng mall.
Nagtaxi na kami papunta dun, ayaw kasi ni Bianca sumakay sa jeep. Maarteng tunay eh.
Nandito na kami sa mall. Dumiretso na kami sa department store para tumingin ng damit. Ayun at nakakita sila ng.
MINI SHORTS?
BLOUSE
HEELS
Shet! Hindi ako nagsusuot niyan. Sabay-sabay nila kinuha ang lahat ng klase ng heels,mini shorts, skinny jeans at mga pangbabaeng blouse at shirts. Bakit parang ang dami naman ng kinukuha nila?
"H-hoy? Para saan yan? -Ako
"Wala ka na dun!" -Bianca.
"Basta kami na ang bahala sayo" -Hanika
Hindi na lang ako umimik dahil sabi nga nila sila na ang bahala sa akin. Kinakabahan naman ako dito sa mga to. Shet lang.
Nandito na kami sa cashier, iniiscan na nila yung mga pinamili ni Bianca at Hanika. Libre na nga daw nila eh. Gulat naman ako dun kaya ano ang nakain nilang dalawa.
"Miss, 14,276.75 po lahat" Shemay! MAHAL naman! Ang dami kasi pinamili eh.
"Sige eto po" Tapos sabay bigay ni Bianca sa cashier. Kahit kailan talaga oh. Pagdating talaga kay Bianca walang padalos-dalos.
Kinuha na namin yung mga pinamili namin, este nila dahil sila naman ang namili at ako eh nakatunganga habang nagshopping sila kanina.
Dumiretso kami sa may EO. Bibili daw ng contact lens ko. Umoo na lang ako dahil minsan nahihirapan na ako sa suot kong eye glasses, May astigmatism kasi ako kaya kailangan ng salamin.
Pagkatapos namin sa EO dumiretso na kami ng uwi.
-
Sa bahay namin
Nandito ngayon sila sa bahay namin.
"MANANG PAKI-KUHA PO LAHAT NG DAMIT NI PAT! PATI NA DIN PO ANG MGA RUBBER SHOES NIYA TSKA CAP!" -Bianca. Ano ba talaga ang balak mo ha?
Binaba lahat ni Manang ang mga gamit ko tapos binuhusan ng GAS ang mga damit ko.
"WAG! MAHAL ANG PAGKABILI KO DYAN!"-Ako. Paiyak na ako ng sinasabi ko yun. Kaya naman pala ang dami nilang binili na damit ko dahil yun na ang susuotin ko.Nakakainis.
Sinindihan na ni Hanika ang mga damit ko.WALA NA! T_T
"DAMIT KOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!" Nangingiyak na ako eh. Yung iba bigay pa ni Khayli yun. T_T
"You owe me a lot Pat! Simula bukas BE A GIRL, not a BOY BECAUSE YOU ARE NOT A BOY" Tama ba grammar niya? Hmm.
Pinapanood ko lang yung mga damit ko na nasusunog. huhuhuhuhuhu. MOMMY DADDY! WALA NA YUNG MGA DAMIT KO >_< T_T
-
Eyemreeyan's note: Sorry kung boring ang chapter na to. Nakakainis kasi si PAPA eh. Sorry.
VOTE, COMMENT, FAN <3
