The week went along without Justin and I talking about Selena again.Sinubukan namin na magpanggap na tila hindi iyon nangyari. He still take me to dinner and drives me home even though he's busy practicing. Habang ako naman ay naging abala sa school dahil nalalapit na ang preliminary exams. And aside from that, I'm busy finalizing all I need to do for my debut. Gusto ko kasing involve ako sa lahat at sinisigurado ko na bawat detalye roon ay ayon sa kagustuhan ko.
Today is when we finalize the cotillion. Napagpasyahan namin na magkita kita ngayon sa bahay upang mag practice. Sabay sabay na kaming magkakaibigan sa pagpunta sa bahay gamit ang van namin. Pinasadya ko na magpasundo sa driver namin at pumayag naman si Mom.
"Ven, can't we really change partners? Ayokong kapartner si Gio." Gia who's beside me on the van begged. Kanina niya pa ako kinukulit tungkol rito.
"Gia, I didn't assigned you to him. Teacher Jojo did." I told her. Napasimangot siya sa narinig.
"Sa debutant talaga makikipagpalit? God! Gia you're crazy." Brianna backs me up. Katabi ko rin siya dahil pinaggigitnaan nila akong dalawa ni Gia. Kinindatan niya ako.
"Panong hindi kay Ven, eh ayaw niyong pumayag dalawa? Kayo ba 'yung debutant? Pare-parehas lamang tayong back-up dancers." Sabi ni Gia na kinatawa ni Joan at Yexel sa likod namin.
"Gia, kahit naging babae itong si Yex. Hindi siya papayag na maging partner si Gio. He may be a better dancer than Yex but he's annoying. Makita ko pa lang ang pagmumukha ng lalaki na iyon ay gusto ko nang maging bayolente." Joan is always this violent towards Gio. Siya ang pinaka mapanakit sa aming apat. Even her suitors is afraid of her.
"Girls, you're lucky Gio is not here with us." Yexel finally said something.
"Oo nga, bakit humiwalay pa ang dalawang iyon? Mga KJ hindi pa sumabay sa atin." Nagtatakang tanong ni Brianna.
Kahit ako hindi ko alam kung bakit. Gio just said he need to go somewhere else first. Isinama niya pa si Justin na napilitan lamang sumama dahil hinila na siya nito. Yexel should've with them but he refuse since he already know that those two guys will just use him to be their driver. Kumpara sa kanilang tatlo, may bad sense of direction si Yexel pero siya ang pinaka masipag magdrive. Mukhang tinamad lamang siya ngayon kaya piniling sumama nalang sa amin.
"Let them be. Susunod rin iyong dalawa na iyon." Joan said. Kinulbit niya rin ako mula sa aking likuran. "Ven, can we stop by the coffee shop near your village? Kailangan ko ng caffeine, inaantok ako ng sobra. Nakakahiya naman sa kapartner ko kung aantok antok ako." Joan said.
"Sure." I told her and asked our driver for her request.
"Yex, libre mo ako ha." Siniko ni Joan si Yexel.
"Yex, ako rin. Bakit si Joan lang?" Gia commanded.
"Yex, kakalimutan mo ba talaga ilibre ang partner mo?..." Brianna teased him.
Tumango lang naman si Yexel sa kanilang tatlo na tila money is not a big deal to him. He's always been so kind and gentleman. Sa totoo lang, the girls like to hangout with him than Justin or Gio. Tahimik lang kasi siya plus he never complains. He's up with everything we want to do.
Nakarating kami sa coffee shop malapit sa village namin. Agad rin kaming bumaba sa van at sabay sabay pumasok sa loob.
May iilang tao sa loob niyon kaya dumeretso na kami sa counter upang umorder.
"Medium Caramel Latte please." Nauna nang umorder si Gia.
"Can I have a name please?" A familiar voice respond. Una siyang tumingin kay Gia sunod sa mga kaibigan ko at huli ay sa akin. "Venisa?" Selena called. Tila hindi pa siya sigurado sa pangalan ko.
YOU ARE READING
The Third Side of a Love Story
RomanceVenisa Alehomre is inlove with Justin Paul Cojuanco almost her life. Bata pa lamang sila, naramdaman na niya na wala siyang ibang mamahalin kundi si Justin. She's ninety nine percent sure, she will end up loving Justin until to her last breath. But...