CHAPTER 3

22 1 0
                                        

"And here we are." Nakangiti niyang ani sabay ipinakita sa akin ang napakagandang coffee shop. 

Parang nasa Amsterdam talaga ang location ng shop sa sobrang ganda ng lugar, parang gusto ko na nga lang manitili dito habang buhay sa sobrang tahimik at mapayapa. Sobrang lawak ng bundok at sobrang sariwa rin ng hangin.

Ang sarap sa pakiramdam habang humahampas ang hangin sa akin, parang nawawala lahat ng problema ko.

Pumasok na kami sa loob para magpahinga. Hingal na hingal parin ako kakatagbo. Akala ko pa naman sobrang lapit lang ng lugar na 'to, kung alam ko lang edi sana nagsasakyan nalang kami. Sobrang lapit lang kasi noong tinignan ko sa mapa ng phone niya. Sino ba naman kasing mag-aakala na ganito pala kalayo 'to. Kaya pala konti lang ang mga pumupunta dito at halatang walang masyadong nakakaalam. Mala secret enchanted place pa ang datingan.

"So, what will be your order?" Tanong niya nang makapasok na kami sa loob. 

Agad kong inilibot ang tingin sa loob habang pinagmamasdan ang mga tao na naumiinom ng kape. Napansin kong halos lahat ng mga customers nila ay mag-jowa o may kaparis. Anong klaseng coffee shop ba 'to? for lovers only?

"Anything, just no sugar." Sagot ko agad sa kaniya sabay tumingala sa menu. 

"Anything? Walang anything sa menu Bea. Just pick a coffee na you want to try." Nakangisi niyang ani.

Hindi lang ako umimik habang nakatingala parin sa menu. Ayaw kong uminom ng matamis at ayaw ko rin ng mapait. I don't want to get addicted to coffee. I don't wanna be like mom.

"Fine. 1 Capuccino for me and 1 Mocha for her–"

Napakunot agad ako ng noo nang marinig ko ang inorder niya para sa'akin. Tinaasan ko agad niya ng kilay when I saw the ingredients that they are going to put in the coffee. Sa dami-daming selection, yung matamis pa talaga 'yung napili niya.

"You gotta be kidding me. With chocolate? Seriously?" Pagputol ko agad sa kaniya. "Okay fine." Napabugtong hininga nalang ako at napahalukipkip bago inilipat ang tingin sa casher. "Serve me the best latte you ever have and please don't forget na hindi masyadong matamis as possible. Thank you." 

“Okay. We will serve your order right away. Here's your number Sir, Thank you.” Mahinhin na pagkasabi ng cashier sabay ibinigay ang table number.

Sobrang weird talaga ng ibang babaeng makipag-usap sa isang lalake. Parang mga baliw. Nagiiba ang boses o di kaya ay kunwaring inaayos nila ang buhok habang nakikipag usap.

Bumugtong hininga nalang ako at napairap. Para akong nakapatong sa gapas nang makaupo na kami sa sofa. Sobrang sakit ng balakang at hita ko kanina kakatakbo. Takbo ng takbo kasi 'tong si Kian, ayaw ko rin namang maiwan magisa kaya napatakbo na rin lang ako.

Pupunta na sana ako sa counter para umorder ng makakain ko habang naghihintay kaso bigla ng dumating ang cashier.

“Here you go." Nakangiti niyang ani habang nakatingin kay Kian.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kape ni Kian at sa'akin. Sobrang simple lang tignan ng kape ko kumpara sa kaniya. May pafoam design pa yung sa kaniya at note habang sa'akin ay napakasimple lang.

"I would like to add on some chips at spaghetti, Thank you.” Order ko sabay humigop ng ka unti para tikman ko sakto lang ba ang tamis. Naiimagine kong para na akong si Mom habang humihigop! Jusko naman!

Bigla nalang napahalakhak si Kian habang umiling-uling. Sobrang tahimik ng shop kaya rinig na rinig namin ang pangit niyang tawa.

“Bakit ganyan ka makatawa?” Taas kilay kong tanong sa kaniya.

Waves of AgonyWhere stories live. Discover now