"Good morning Class! Since we already finished our latest lesson. We will proceed to Frog dissections." Ani ma'am habang nangugulikta ng mga papers na pinagawa niya sa amin.
Nakapatong ang mukha ko sa braso ko habang pinapakinggan si ma'am. Napabugtong hininga nalang ako at napasuntok sa bag. Another activity na naman na gagawin at frog dissection pa! Nginang! takot pa naman ako sa palaka. Bakit kailangan pa kasi ng ganitong klaseng activity? pwede namang iba nalang yung gagawin huhu ma'am naman oh! Pwede naman sigurong isda nalang? may atay rin naman 'yun.
"Iw" Sigaw ng iba kong babaeng kaklase.
"Anong iw? magdodoctor na kayo niyan? magnunurse? Walang arte arte dito! Yung iba nga sumasalo ng bulati sa mga batang nagsusuka lalo na pag Deworming na!" Singhal niya sa'amin. "Kaya kukuha kayo ng sarili niyong mga palakang malalaki. Kung ayaw niyo ng ganito, mag shift nalang kayo, ayaw ko ng maarte!" Galit niyang sigaw sa buong klase. "Class dismissed!"
I was about to complain again pero tinalikuran na naman niya ako. Haysss! May sobrang takot pa naman ako sa palaka. Jusko! Yung balat niya kasi sobrang kulubot pati yung mata niyang parang nanlilisik. Gustong gusto pa naman talaga maging Doctor pero bakit kailangan pa kasing manghuli ng palaka. Kainis naman! Mamomoblema na naman ako nito kung sino ang huhuli ng palaka para sa akin at saan naman ako kukuha?
Napabugtong hininga nalang ulit ako at dali-daling lumabas ng room namin. Para akong nakalutang sa ulap habang naglalakad papunta sa library. Namomoblema talaga ako sa Frog dissection namin. Ayaw kong humawak ng palaka at lalo ng ayaw kong mag shift. Kailangan kong makapagtapos para sa Dad ko.
"Bea, right?"
A man suddenly spoke from behind while I was trying to calm myself at the library. Nagbabasa ako ng mga libro at iba naming lessons habang wala pa akong klase sa ibang subject. I recognized his voice, sounds so familiar to me. Parang narinig ko na 'to dati pa.
Napabugtong hininga ako before I turned around to see who it was, and it was Kian.
Kian?
"Kian." Napakunot noo akong napabanggit sa pangalan niya habang nakatitig sa kaniyang naglalakad papalapit sa'akin. I hate it when he smiles like that. Parang nakangiting aso palagi na para bang nang- aasar.
"Kanina ka pa ba dito?" Tanong niya sa'kin kasabay ng paglapag niya ng bag at paghila sa upuan para umupo sa bakanting chair sa harap ko.
Parang sasabog na yung dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ni hindi ako makagalaw at makapagsalita ng maayos. Hindi ako makapagsalita sa sobrang kaba. Bakit ba ako kinakabahan?
"4 -5 minutes palang." Mahina kong sagot sa kaniya bago inilipat ang tingin sa libro na binabasa ko.
"Wanna grab some coffee?" Tanong niya sa'akin bago ibinaba ng kaunti ang libro na hawak ko, sapat para makita ko ang nakakainis na pagmumukha niya.
Nakangiti siya sa'akin na animo'y isang pusang naghihingi ng pagkain. His eyes were shining again, para bang inaakit ako ng mga ito.
Umiling ako at agad kong inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa libro. I hide my face with the book that I was holding habang nagpipigil na ngumiti. Dapat kailangan kong maging masungit no, ayaw ko kaya tawagin nila akong soft at easy. Baka pagpyestahan pa ako ng mga gago.
"Fine, magbabasa nalang din ako dito." Mahina niyang sabi at nagpakawala ng malalim na hininga.
Napailing-iling nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Hindi ako mapag concentrate sa sobrang ingay niyang magbasa. Nakailang ulit na ako pero wala parin akong maintindihan. Para siyang batang grade 1 palang na hindi marunong magbasa.
"Can you just shut up?" Inis kong bulong sa kaniya bago ibinaba ang libro.
He was already looking at me habang nakangiti. Nakapatong ang pisnge niya sa kabilang braso habang nakatitig sa'akin na parang batang nanonood ng cartoons. Nagkasalubong na ang dalawang kong kilay sa sobrang pikon na pikon na sa kaniya. Bigla lang siyang tumawa at napailing-iling bigla bago umayos sa pagkakaupo.
"Let's go?" Nakangiti niya paring aya sa'akin.
I rolled my eyes and raised him a brow. "I don't drink coffee." Maikli kong sagot sabay tumayo at niligpit lahat ng mga gamit ko sa misa.
Mag aalas 9 na at oras na para sa next subject namin. Kailangan ko pang mag prepare at e handa ang sarili para sa oral recitation namin mamaya. Ewan ko ba kay Kian bakit napaka chill niya lang tignan sa klase kahit yung iba naming nga kaklase ay hirap na hirap na.
"Iced coffee?" Tanong niya sa'kin.
"No"
"Hot coffee?" Tanong niya ulit sa'akin sabay tumayo.
Hindi na ako sumagot at tinulak na ang upuan bago aakmang aalis na. He suddenly grab my wrist and loudly asked me to grab some coffee with him. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkabigla at hiya nang pinagtinginan na kami ng mga ibang studyante sa loob ng library.
I immediately covered his mouth when he was about to ask me again. Agad akong napalingon sa librarian namin sa sobrang kaba. I tiptoed so that I can reach his mouth. Gigil na gigil kong tinakpak ang bibig niya sabay kinaltukan siya na noo.
"Siraulo kaba? why did you do that?" Inis kong bulong sa kaniya sabay nilakihan siya ng mata.
Tumawa lang siya ng mahina at inalis ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. Napakurap kurap ako at napaatras habang nakatitig aho sa kaniya. He fixed his hair bago sinuot ang hawak hawak niyang bag.
"Let's grab coffee na kasi" Bulong niya ulit sa akin.
"Shhh! Silence!" Sigaw ng librarian sa amin. "This is a library, hindi market!"
Lumipat ang tingin namin sa librarian na nakaupo sa di kalayuan sa amin at nakataas na ang isang kilay nito. I shifted my gaze to Kian and immediately grab him out of the library bago siya kinaltukan ulit sa noo. He was so silent habang nakatayo lang sa tabi ko, caressing his head. Naguguilty tuloy ako. Hindi pa naman kami masyadong close at kinaltukan ko pa siya. Ano nalang kaya ang sasabihin niya? Baka sabihin niyang mapanakit ako?
"Saan ba 'yang coffee shop na yan?" I asked without looking at him.
He suddenly chuckled and showed me the map on his phone. Napatingin ako sa kaniya at ibinalik ang tingin sa cellphone. Napakaganda ng coffee shop at napapalibutan pa ito ng mga bulaklak at mga halaman.
Tahimik lng akong nakasunod sa kaniyang naglalakad habang nakatingin sa relo ko. Walking distance lang naman yung pupuntahan namin kaya nagpumilit na akong hindi na lang kami sasakay. Sayang yung gasolina, kaya lang namang lakarin.
"Dito ka nga sa gilid ko. Ang liit mo pa naman, baka mapagkamalan ka pang bata at baka ma-kidnap ka." Asar niya sa'akin sabay tumawa ng malakas.
Mahina niya akong hinila sa braso at ipinalipat sa left side ng kalsada. Tumigil ako sa paglalakad at sinamaan siya ng tingin. Napatigil din siya sa paglalakad sabay napakunot ng noo. Napaka inosente niyang tignan habang nakatitig sa akin. Sobrang angas niyang tignan habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa. Our uniform suits him. His semi-mullet hair made him look cooler kaya siguro andaming babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Napakurap kurap ako when I suddenly realized na kanina lang pala ako nakatitig sa kaniya. Agad ko siyang tinaasan ng kilay ag inunahan ng maglakad.
"Liit liit mong tao, ang bilis mong maglakad." Reklamo niya habang nagmamadaling hinabol ako.
Tumawa lang ako ng mahina at lumingon sa kaniya. "Akala ko ba matangkad ka? bat ang liit ng mga hakbang mo?" Asar ko.
"Of course, ayaw kong nadumihan 'tong napakamaangas at mamahalin kong trouser!" Sigaw niya sa'akin.
"Parang shoppee mo lang 'ata yan binili, marami akong nakitang ganyang klase!" Sigaw ko pabalik sa kaniya sabay tumawa at tumakbo.
"Heyyyy! How dare you!"
__________________________________________________________________________
![](https://img.wattpad.com/cover/328748135-288-k448219.jpg)
YOU ARE READING
Waves of Agony
RomanceYears of agony have kept them apart, separated by years of pain and desire to re-cross paths after an agonizing goodbye. She swore to herself as she crushed her own sincere heart, and screamed for retaliation after being duped and betrayed. Will she...