CHAPTER 1

33 1 0
                                    

DISCLAIMER:
This is only a work of fiction.
The following contents are purely a product of the author's imagination. The name, scenes, places, business, and whatever you find familiar are only coincidental.

Apologies for the ungrammatical and typographical errors that the story contains. The story is still ongoing and unedited so please bear with me.

***

Mom:

Are you sure that you'll take Med? I don't think that will be good for you, Anak. I think It will be better for you if you'll choose Business Ad kasi anak. Why don't you just be like your Other Friends? your Half sister? that will be easy for you to take back what's ours.

Wala lang akong imik na nakaupo sa mushroom chair sa pathway habang nagpipigil ng luha na maiyak. Para akong sinaksak ng sampong beses sa dibdib habang binabasa ko ng paulit ulit ang message ni mama sa'kin. Bakit kailangan ko pang maging si ganito, ganyan para lang makuha ang mga bagay na hindi na saamin?

"It's okay Bea. It's okay. Just breathe."

Bulong ko sa sarili habang humahagolhol sa harap ng salamin. Ang bigat bigat ng nararamdaman ko ngayon. Kailangan kong mag-isip ng kung ano ang mas makakabuti saakin, na kung tama ba ang landas na pinili ko. I don't wanna be stuck in this depressive episode.

"Don't cry woman, It's just a bad day." Kalmadong isinabi ng nasa likuran ko with a soothing voice tsaka niya inilapag ang panyo sa countertop at umalis.

Napatigil ako sa pagiyak kanina nang may dumaan na malamig na hangin sa likuran ko. Dali-daling pinunasan ang mga mata ko at napatulala ako sa pagkabigla.

"Did he just enter the women's restroom?" Pagtataka kong tanong sa sarili habang nakahawak ang kamay ko sa dibdib.

dali-dali akong naghilamos at nag ayos ng sarili habang iniisip ang lalake kanina. Why did he enter the female's restroom? I didn't see even a single glimpse of his face. Nababaliw na ba ako? Hindi pa naman siguro ako siraulo diba? kung may tao ngang pumasok dito, so he heard me sobbing like a child?

"Fuck!"

Agad akong tumakbo palabas para tignan kong sino ang naglagay ng panyo sa countertop pero wala na akong naabutan. Walang ibang lalake na nasa labas ng restroom, mga babaeng studyante lang na nakatambay sa mushroom chairs.

"Hindi ka baliw" Bulong ko ulit sa sarili tsaka ko kinuha ang panyo at dali dali ng nagtungo sa third floor kung saang section ako na enrolled.

Nagdadalawang isip akong pumasok sa room sa sobrang kaba. Parang sasabog na yung dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. It feels like my foot is stuck on the floor.

"Oh! Ms. Guevarra, right? kanina ka pa ba diyan?" Tanong sa'kin ni Dean nang makita niya akong nakatayo lang sa harap ng pintuan niya.

"Ah- Hindi pa naman po Prof." Kinakabahan ko paring sagot sakaniya.

I know she can hear the nervousness in my voice. It's shaking the same as my hands and my knees.

Tumawa lang siya ng mahina bago ako kinaway at nilapitan. She caressed my back to calm me down and she smiled at me. Some of the students ay nakatingin na sakin. Looking at me up and down, judging my soul.

"Good morning Students!" Agad niyang sigaw nang makapasok na kami sa room niya.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Dean at sa mga studyante. How could they not hear that shout? Parang walang narinig ang mga studyante niya sa sobrang seryoso ng usapan nila. Mukha silang mga kindergarten students na nagbabardagulan sa klase. Is this the college students' behavior nowadays?

Waves of AgonyWhere stories live. Discover now