CHAPTER 7

38 2 0
                                    

Shane's Point of View

"Alam mo, hindi naman dribbling ang ginagawa mo. Ayusin mo, ang sagwa tingnan."

"Sinabi ko bang tingnan mo?"

Madiin ang pagkakasabi ko ng mga salitang 'yon. Ang sagwa raw tingnan, sinabi ko bang tingnan niya?

If there's someone writing this story, I would say she's being bias. This guy plays basketball, member of dance troupe, and an aspiring accountant? Hindi na ako magtataka na baka sa susunod baka magaling din siya sa pagpapalipad ng eroplano.

Nagpatuloy ang pagpapasikat nila sa harapan namin. Thea left because of arcadia.

"Go and find your partner."

That's a very bad timing.

I was about to take a step to find my partner but suddenly Kean gave me a chest pass.

"Sa'n ka pupunta?" tanong niya at dumiin ang tingin ko sa kaniya. Ano bang problema ng labanos na 'to?

"Hahanap ng partner."

"No need. Baka lumala lalo ang sagwa ng laro n'yo."

Wow, ah? 'Yong pangb-bash niya lumevel-up.

"Try to guard your partner, 'wag n'yong hahayaang makalusot sila, now," sabi niya at nagsikilos na ang lahat.

"I will try to guard you," he said. I saw myself frowning.

"You as my opponent?" tanong ko.

"Bakit? May iba ka pa bang gustong maging role ko sa buhay mo?" loko-loko niyang tugon.

"Sira."

Kahit kailan talaga, wala na kaming maayos na usapan ng lalaking 'to tapos magkagrupo pa kami sa strategic management. Gusto ko lang naman makapasa, feeling ko nga hindi ako mahihirapan sa mismong asignatura pero sa miyembrong ito ako mah-highblood.

"Sinasabi ko na sa 'yo, hindi kita hahayaang makalusot," sabi pa niya at inihanda ang sarili't postura.

"At 'pag nakalusot?"

"Alam kong hindi mo kaya, babae."

I like it when people underestimate me.

Loko 'to, ah. Hindi pa nga nagsisimula ang laro pero pinangungunahan na niya ang resulta nito.

Ipapakita ko sa 'yo, Kean. Luluhod ka sa harapan ko dahil ako mismo babasura ng sinasabi mong hindi ko kaya.

"Pababagsakin kita," I warned him. Nakita ko ang lantarang pagngisi niya.

"I'm serious," giit ko pa dahil akala niya nagpapatawa lang ako dito.

"Andami mo pang satsat, ano? Lusot na!" komento niya na mabilis na tinaasan ko ng kilay.

"Oh, bakit? Kailangang ipaalam sa 'yo na aatake na ako? Don't mistake my silence for weakness. No one plans a murder out loud," tugon ko. It sounds competitive, as always.

Inirapan ko na lang siya at pinagplanohan kung paano lulusot sa labanos na 'to. Kasabay nun ang pagpuwesto ng mga kamay at paa niya para mas lalong bantayan ako.

Nag mala-beteranong basketball player ako sa pagd-dribble at may paiko-ikot pang nalalaman. Umaatake pa ba ang tawag dito? O baliw na nagpapakitang gilas?

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" he commented at umayos siya ng tayo na para bang nawalan ng gana dahil sa kilos ng kalaban niya.

"Kailangan ko rin bang sabihin sa 'yo ang technique ko para lusutan ka?" tugon ko na taas noo.

Lalaban Para Sa Tatlong LetraWhere stories live. Discover now