Chapter 13

358 4 3
                                    

"You wanna eat something ?" tanong ni Janus habang nagda-drive. Lumingon ako sa kanya at umiling at tumingin sa tanawin sa gilid ko.

"Sure?" tumango ako bilang tugon ng hindi sig tinitignan.

"Sige, dadaan tayo ng fastfood mamaya teka."

"Huh? Ayos lang naman ako, kahit wag na," sabi ko. 
"
"Bakit ikaw ba yung nagugutom?" sabi niya na natatawa. Sinamaan ko siya ng tingin at pinaikutan ng mata na siyang ikinatawa nito.

Maya-maya ay saktong nakadaan kami ng isang fastfood chain na may drive-thru. Nakinig lang ako habang nag oorder siya. Ilang minuto pa ay umalis na kami roon.

"Kain ka muna nitong fries habang bumabyahe," alok niya saka inilahad sa akin ang fries. Tinanggap ko ito saka inumpisahang kainin. Doon ko lang natanto na hindi pa pala ako kumakain.

"Eat a lot, may iba pa diyan sa likod. Huwag ka mahiya," sabi niya. Nilingon ko ang likuran at nagulat sa dami ng pagkain roon.

"Huy! Bakit ang dami niyan? Kulang nalang buong chain yung bilhin mo," asik ko. Tinawanan niya lang ako.

"Hindi ko alam anong gusto mong kainin eh, kaya lahat inorder ko."

"Baliw ka ata Janus eh, pero salamat." sabi ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Kumurba ang labi niya sa isang malaking ngiti.

"Wala iyon, you deserve some time free of stress so eat all you want."

Ayaw ko muna  pag-usapan ang nangyari sa Ospital. Tumango na lamango ako pinagpatuloy ang pagkain ng fries.

Napatingin ako sa labas at napansin ang pagpasok namin sa isang daanan sa gilid ng kalsada.

Pinatay niya ang makina saka lumabas upang pagbuksan ako ng pinto. Pinasalamatan ko siya at pumunta sa harap mg sasakyan.

Kinuha ni Janus ang lahat ng inorder niya saka isang basket.

"Hindi na kasi makakapasok sa loob yung sasakyan kaya maiiwan ito dito at ilang minutong lakarin lang yung destinasyon natin, ayos lang ba yon?" tanong niya.

"Oo, pero saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko. Kanina ko pa nais itanong iyan. Akala ko papunta kami sa bahay nila, pero kanina pa namin nalampasan ang daan papunta sa village nila.

He didn't answer and instead smiled at me and took my other hand and pulled me to the path.

Hindi naman ganoon ka magubat dito at halatang may nga nagpupunta talaga dito kung titignan ang daang tinatahak namin. May mga damong nakadapa sa lupa at sa magkabilang gilid sa mga ito ay damo na maayos ang hitsura.

Hindi ko maipaliwanag, pero unti-unting nawawala ang bagay na bumara sa lalamunan ko kanina pa habang tinitignan ang mga iilang puno sa dinadaanan namin.

Tila kumalma ako mula sa nakakasakal na buhay doon sa syudad.

Huminto ako nung biglang tumigil si Janus.

"We're here." sabi niya at iminuwestra ang harap. Nilukob ako ng hindi maipaliwanag na emosyon habang tinitignan ang maliit na dalampasigan. Hinila niya ako paupo sa buhangin at nilapag doon ang inorder niya.

"Nakita ko ito noon habang nag-oouting kami ng pamilya ko. This is a calm place. Just a few hours drive from the city. I find this really relaxing," sabi niya habang tinitignan ang malayong parte ng dagat.

Tanging alon lamang na humahampas sa dalampasigan ang natatanging tunog dito.

"Salamat Janus," seryosong sabi ko hababg nakatingin sa kanya. Nilingon niya ako at nakita ko ang pagbago ng kanyabg ekspresyon. Malumanay.

Art of Temptation Series: Ousting JanusWhere stories live. Discover now