Hi Kuya

13 0 0
                                    

Jewel POV

Nag f-facebook ako habang nakadapa sa kama. Biglang bumukas ang pinto at lumakas ang hangin. Alam kong siya yun.

"Hi kuya" sinabi ko sa hangin. Nakakakilabot na exciting ang ginagawa ko ngayon huh.

"Hi rin" may bumulong sa likuran ko kaya lumingon ako sa likod. Nakita ko siya na nakangiti kaya ngumiti rin ako sa kanya.

"Anong pangalan mo?" lumayo ako ng kaunti at nag indian sit sa harap niya.

"Xander."

"Kilala mo na ako?" tanong ko.

"Oo ikaw si Jewel."

"Anong ginagawa mo sa bahay na ito? may mga kasama ka rin ba?" o....kay. medyo pinagpapawisan na ako ngayon ng malamig. Hindi nga siya nag-iisa.

"Bahay namin toh. Oo meron sila Je-"

"Ate! sino kausap mo diyan?" binuksan ni Jan ang pinto at umupo sa tabi ko. "Nababaliw ka na ba?"

"Baliw. hindi noh. pinapractice ko lang yung play namin." tumango lang siya. "Ano bang ginagawa mo dito? may pasok tayo bukas. Matulog ka na."

Binuksan ko ang pintuan para palabasin si Jan at pinatay ko na rin ang ilaw.

"Bakit nandyan ka pa?" hindi pa umaalis si Jan sa tabi ko. Nasa pagitan ko siya at ng pader.

"Ate tabi tayo? natatakot ako eh." sabi ni Jan ng paluha-luha pa. Kaya tumango na lang ako at tumalikod sa kanya.

Nakaupo lang si Xander sa tabi ng kama. Nakasandal ito sa pader. Kinuha ko ang phone ko.

Bakit andiyan ka pa?
(Binabantayan ko kayo.)

Saan?
(Para di kayo masaktan ng kahit sino)

tumingin siya sakin at ngumiti. Ngumiti na rin ako ng pabalik at natulog. Naramdaman ko na lang ang malamig na hangin na dumapo sa noo ko.

"Goodnight Jewel"

My Lover is a.... Ghost!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon