New Friend

20 0 0
                                    

"Jan bantayan mo si ate ah. Mag d-date lang kami ni Papa." tumango lang si Jan habang nakangiti kay Mama. "Jewel alagaan mo si Jan ah. Kung mag b-black out man, nasa kwarto namin yung mga kandila at flashlights. Love you babies."

Nagkiss si Mama sa pisngi namin ni Jan at umalis na. Malakas yung ulan. Madilim sa labas at lumiliwanag lang kapag kumikidlat.

Booogshh! (kidlat na may kulog) kasabay nun ay pang pag blackout. Hindi naman na ako natatakot kase nandiyan naman si Xander, nagbabantay.

"Ate.. natatakot ako.." sabi ni Jan habang nakakapit sa kamay ko. "Ate.."

"sshhh... kukunin lang natin yung gamit sa kwarto nila Papa ah." pero mas lalo niyang hinigpitan yung kapit sa kamay ko.

"Ate may mumu dun. Sa kwarto mo na lang tayo." At wala na akong nagawa kundi pumayag.

Madilim talaga at mangangapa ka talaga. Buti na lang at naramdaman ko si Xander na humawak sa kamay. Siya ang nag l-lead kung saan patungo ang kwarto ko.

Nakarating kami ng maayos sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa sidetable at inilawan si Jan.

"Jan dito ka lang ah. Kunin ko lang yung kandila sa kwarto nila Mama." sabi ko kay Jan at iniwan ko ang cellphone ko sa kanya para may mapaglaruan siya.

"Xander nasan na tayo?" Si Xander pa rin ang naging lead ko papunta sa kwarto nila mama at papa. "Xander?"

"Nandito pa ako noh. Eto flashlight oh. Ito na rin yung kandila at lighter." sabay abot ng mga gamit.

"Jewel ito pala si Jelly, kapatid ko." inilawan ko sila Xander at may kasama nga siyang bata. Kasing edad ni Jan.

"Hi ate" ang cute niya ngumiti. Agad napanatag ang loob ko sa kanya.

"Hi rin. Punta na muna ako kay Jan, natatakot na yun eh" inilawan ko ang dinadaanan ko at tumakbo papunta kay Jan.

"Jan tulog na tayo?" yumakap siya sa teddybear kong malaki at humarap sakin.

"Okay ate. Goodnight." Lahat gagawin ko para mapanatag ang loob niya kahit madalas nag-aaway kami.

"Love you Jan. Goodnight rin"

nagtype na rin ako sa phone ko at iniwang bukas.

"Nice to meet you Jelly ^^ Thank you pala Xander. Tulog na ko. Goodnight."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Lover is a.... Ghost!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon