Xander POV

16 0 0
                                    

"Mommy! Daddy!" sigaw ni Jelly habang nagtatago sa ilalim ng kama.

"Jelly.. mag... pa.. pa.. habol... ako." pinilit kong magsalita kahit di ko na kaya dahil sa pagod. "Umalis.. ka kapag.. narinig mo ... ang.. pinto na.. nagsara na.." umalis na ko sa kwarto. At pumunta sa hagdan para magpahabol sa mga magnanakaw.

Nagtagumpay naman ang plano ko at hinabol ako papuntang attic.

"Ate... kuya... nasan na kayo?" naririnig ko si Jelly. Naririnig ko siya kahit malayo ako sa kanya. Di ko alam pano! pero natatakot ako sa mga mangyayari.

Nasa attic ako nagtatago na. Nakita ko si Ate na nasa garden, nagtatago sa bush ng roses. May bintana sa attic na makikita ang labas kaya kita ko rin ang kotse nila daddy at mommy.

"Ahhh! Ate! Kuya!" tumakbo ako papunta sa kwarto nang mapansin ko na wala na yung humahabol sakin.

"Kuya..."

BOOGGSHH!

binaril siya sa ulo ng nakatingin sakin....

"JELLY!" multo na pala ako. Nandun pa rin si ate. Nasa garden. Si Jelly nasa kwarto pa rin. Ako nasa attic. Sila mommy at Daddy, ewan ko.

"Ahhh!"

"Jewel!"

My Lover is a.... Ghost!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon