New House

17 1 0
                                    

"Bagong bahay, bagong buhay!" sabi ni Mama habang papasok kami sa isang malaking bahay. Maganda yung bahay. Kulay asul ang bubong at puti naman ang labas. Meron rin siyang maliit na garden na punong puno ng bulaklak.

"Ma! nakalock yung pinto." pagrereklamo ni Janjan, ang aking nakababatang kapatid. "Baby nasa akin ang susi." sabi ni Mama kay Janjan habang naghahanap sa kanyang bag na puti.

krrrr.... (tunog ng pinto habang binubuksan)

"Jewel umakyat muna kayo ni Jan sa second floor at maghanap na kayo ng kwarto. Aantayin pa natin si Papa niyo." at pumasok si Mama sa isang kwarto sa first floor. Guest room siguro.

Medyo weird nga lang yung bahay kase may batang lalaking tumakbo papunta sa attic. Impossibleng anak ng care taker kase nakalock ang pinto at kakaalis lang nila kanina. Saka imposssible talaga kase babae lang ang alam kong anak nila.

"AHHHHH!" dali-dali akong pumunta sa dalawang kwartong natitira sa second floor at hinanap si Jan. "Ate Jewel!!" sigaw ni Jan at mas lalo akong nag panic.

Binuksan ko ang pinaka malapit na kwarto sa kwarto ko at agad na pumasok. May isang kama duon. Magandang kama. Kulay green apple at lime. Nakaayos ito kaya nilapitan ko.

"Huhuhu.." si Jan ata yun. Nasa ilalim ng kama. "Ate... nasan ka na?" sabi nito sa baba. Unti unti kong itinataas ang bed sheet na nakaharang sa ilalim ng kama.

"Ate! nakahanap na ko ng- Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Jan galing sa labas ng pinto. Pero nasa ilalim siya ng kama diba?

"Ah wala lang. Bakit masama ba? Pakielam mo ba?" sinungitan ko na lang siya. Umalis na ako sa kama at inakbayan si Jan na malapit sa pinto.

"Jewel bibisita sila Tita mo mamayang gabi. Dito na sila mag didiner "

"Ma may anak ba sila Tata Berto na lalaki?" tanong ko kay Mama habang nagtatanghalian kami. Mahaba ang mesa namin, 12 persons ang pedeng kumain dito.

"Ayiiee si Ate naghahanap ng ka-sparks." tukso sakin ni Jan. Ewan ko nga ba dito at ang harot ng lalaking toh. Bakla ba ito o ganto talaga toh?

"Wala naman." sagot ni mama sa tanong ko habang nakatitig sakin. "May problema ba anak?"

"Ahh wala po." at sabay subo ng kanin. Napatingin ako sa second floor at nakita ko nanaman siya. Nakadungaw at nakatingin sakin. Poker face si Kuya. Gwapo ah, infairness. Mas matangkad saakin ng kaunti. Ewan ko pero parang hindi siya yung bata sa ilalim ng kama.

Sino siya?

************************************
A/N
Hi guys! Musta new story ko? Hahaha tbh dapat kulay asul si boy at parang the grudge lang ang dating kaso ayaw ko takutin sarili ko. Hope you like it!

My Lover is a.... Ghost!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon