Chapter 1

336 10 2
                                        

Thaddeus Eztioco

Maingay ang paligid. Nakakasilaw, puno ng tao at may kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang bawat isa.

Karamihan sa kanila'y nagkukwentuhan sa kani-kanilang lamesa habang may mga alak na pinalilibutan nila, ang iba naman ay nagsasayaw sa gitna ng entablado na sinasabayan ng mabilis na kanta.

Habang ako naman ay nasa gilid yakap-yakap ang pula kong basket, nag-oobserba kung ano ang susunod na gawin. Uuwi ba o mananatili muna dahil nakakahiya naman sa kaklase kong si Brenda na siyang nag-imbitanda akin upang i-celebrate ang kaniyang kaarawan ngayon dito sa isang kilalang gay bar.

"Beh, inom ka na please ngayon lang 'to oh!" saad ni Etel na aking katabi. Kanina niya pa ako pinipilit na inumin ang isang baso ng beer sa aking harapan pero todo tanggi naman ako dahil hindi ko trip ang lasa nito nang una ko itong malasahan.

"Hindi ko gusto ang lasa, kayo nalang."

Umirap ang babae sa akin at nagkibit-balikat kay Mark na ngingiti-ngiti sa akin. Mukhang tinamaan na siya ng alak dahil namumula na ang kaniyang matambok na pisngi.

"Oi, Mark kausapin mo nga 'tong si Thad. Kalalaking tao ayaw uminom ng alak. Birthday pa naman ni Brenda tapos ganiyan siya? Naku-naku, ewan ko nalang kung magkakaroon pa siya ng oras para magsaya ngayong malapit na ang final exam."

Iyon na nga! Iyon ang isang dahilan ko kung bakit ayaw kong masayang ang oras ko sa ibang bagay.

Imbis na pag-aaral ang atupagin namin, mas inuna pa ang pag-iinom. For sure ay maapektuhan ang review session namin bukas para sa finals.

Mabuti sana kong hindi mahigpit ang professor namin sa major subject kaso baligtad eh. Saksakan ng demonyo ang taong 'yon.

Grabe kung magpa-exam daig ang board exam questions sa kanya. I get it na matalino siya-top notcher ba naman-pero 'di ko ma-gets kung bakit tinuturing niyang magka-level ang knowledge namin sa utak niya? G*go ampota! Parang 'di naging estudyante.

Binagsak pa nga niya ako sa preliminary at midterms ko eh dahil hindi ko raw abot yung standard niya. Grabe ang iyak ko dahil doon, sayang ang mga pagod at puyat ko para magreview pero bagsak padin.

Parang gusto ko ng sukuan ang subject na 'to kasi parang wala nang pag-asa pero naisip ko, lahat naman ng mga nasa kolehiyo nahihirapan, nakakapagtapos naman. Siguro kailangan ko lang mahanap ang kahinaan ng mga professors ko para 'di masyadong mahirapan.

'Yon lagi sinasabi ng mga kuya ko na graduated na sa kani-kanilang mga kursong pinili. Maging sipsip ka-pero 'di effective sa nonchalant kong professor.

"Trulalo bhie! Magsaya ka naman kahit konti. Pasayahin mo naman mga brain cells mo. Sige ka, layasan ka nila niyan, " ani Mark at muling itinungga ang San Miguel na hawak.

"Hindi pwede, Mark. Wala na akong oras para magsaya. Madaming kailangan iprioritize at unahin," saad ko sa seryosong boses.

Ngumiwi ang lalaki, "Serious mo naman bhie. "

Hindi ko nalang siya sinagot dahil alam kong mapilit ang mga taong ito. Kailan ba ako nanalo sa kanila?

Iginala ko nalang ang paningin sa paligid upang hanapin si Brenda na kanina pa wala.

"Asan ba si Brenda? Gusto kong magpaalam sa kaniya ng makauwi na ako."

May hindi pa ako natatapos na narrative report sa isang minor subject at bukas na ang deadline. Kailangan ko 'yon matapos ngayong gabi dahil kahit minor lang 'yon, lakas makahatak pababa ng grado.

"Who knows bhie, baka nasa cr nagsusuka kasama ang boyfie niyang afam." sagot ni Mark.

Kasama ni Brenda kanina ang British nitong boyfriend na nakilala niya lang daw sa Tinder. Gwapo ang boyfriend nito-kadalasan naman gwapo ang gusto ng mga pinay kapag nakakajowa ng mga foreigner. Ngunit, hindi na din lugi ang lalaki kay Brenda dahil maganda din naman ang babae 'yon. Maputi, matangkad, at may katamtamang pagmumukha, kaso isang lasingera.

My Professor's SecretMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon