Thaddeus Eztioco
Alas singko y medya pa nang matapos ang klase ko ngunit 7:30 na nandito pa rin ako sa campus parking lot, hinihintay si Mr. Rivero na matapos ang klase niya.
Grabe din naman iyon, siya na nga ang may kailangan saakin ako pa itong nag-aadjust para sa kanya.
After our argument earlier, nagpag-usapan naming magkikita kaming dalawa. He gave me his adress but I demanded that I don't have money for it. Ano, ako pa ang gagastos ng pamasahe? Of course, not!
That's why nandito ako naghihintay sa kanya.
"Oh Thad, ba't nandito ka pa? Kanina pa tapos klase mo ah?" Si Mirko pala, kapitbahay ko sa dorm kung saan ako nanunuluyan ngayon. Isa siyang art student kaya paniguradong tinapos niya pa ang proyekto niya dito kaya siya huling umuwi. E pano ba naman matapos mga gagawin niya panay siya party 'di na nga ako makatulog sa lakas ng music nila.
Mga tanga talaga!
"Uhm oo, eh. May hinihintay ako." Pilit akong ngumiti. Hindi ko sinabing si Mr. Rivero ang hinihintay ko.
"Ganun ba? Sino? Girlfriend mo?" Mapang-asar siyang tumawa. May pagkapakealamero din pala itong si Mirko. Close ba tayong dalawa? Tanga.
"Haha, hindi. May kailangan lang akong tanungin sa isang subject teacher ko." Sinabayan ko nalang siya sa pagtawa.
Umalis ka nalang please. Naaasar na ako sa pagmumukha mo.
"Ito naman hindi na mabiro." Hindi ako natutuwa.
"Sige na nga, una na ako." He waved. Pilit akong ngumiti.
"Sige lang." Maubusan ka san ng gas.
Nagpaalam na siya at sumakay sa kanyang sasakyan at umandar papaalis. Sakto naman ang dating ng propesor. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Naasar ako dahil napaka-fresh parin siyang tignan sa kabila ng buong araw niyang pagtatrabaho.
"Bakit ang tagal mo, sir?" Partida, I still respect him despite of judging my phone's camera quality kanina. Pasensya na, wala akong pambili ng iphone pro max 265Gb fully paid.
"Chill, you're so hot-headed. It's like ako pa ang may kailangan sayo?" Mapang-asar na tumaas ang gilid ng kaniyang labi.
"Parang naalala kong may kailangan ka nga din saakin, hindi ba?" Confident kong sinabi at humalukipkip.
Nagkibit-balikat lang siya na para bang wala lang ang lahat ng ito.
"Yeah, yeah. You win. Meron nga akong kailangan sayo, that's why we are here right?"
"Ganon na nga kaya dapat hindi ka ganiyan sir. Napayabang mo, kung hindi lang grado ko ang usapan dito kahapon ko pa ipinagkalat itong litrato mo."
He glares at me, I glared him back. Nilagpasan niya ako sabay sanggi sa balikat ko. Sa lakas nito ay bahagya akong napaatras.
"Talagang ang sama ng ugali mo. Propesor kang itnuring pero wala kang etika sa sarili mo," sabi ko ngunit hindi niya ako pinansin. Sumakay siya sa kaniyang itim na kotse at pinaandar ito kasabay ng pagtutok ng ilaw sa mukha ko.
Punyeta!
"Ano? Sasakay ka ba o hindi?" Masungit nitong tanong. Tumitirik ang mata ko sa inis at nagdadabog na sumakay sa kanyang sasakyan.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot, instead he leaned into me that made my heart strangely beats nonstop. Nagulat ako kaya agad ko siyang itinulak dahilan upang mauntog siya bintana ng kotse.
"Argh! What the hell is your problem with me?!" Biglaang sigaw niya, halata ang galit sa boses niya. Napalakas yata ang tulak ko sa kanya dahil nagkabukol ang kanyang noo.
BINABASA MO ANG
My Professor's Secret
RomanceBL My most hated professor has a secret. He's gay... Simula nang maging professor ni Thaddeus si Russo ay naging masalimuot na ang college life niya. Mantakin ba namang ibagsak sa lahat ng major subjects niya. Kaya kung may tiyansa man siya, gusto...
