Thaddeus Eztioco
Nang matapos maligo ay naabutan ko si sir Rivero na naninigarilyo malapit sa bintana. Napansin niya sigurong doon na ako kaya nagsimula na siyang mag-kwento.
"I saw you being dragged by perverts. They're trying to rape you. Luckily, I was passing by at naabutan kitang gano'n ang sitwasyon." Kwento niya sabay hipak sa sigarilyo.
Napatakip ako bigla. Ang baho ng sigarilyo! Hindi naman ako makapagreklamo dahil nakikiamoy lang ako sa mismong bahay niya.
"Anyway, I helped you. You're welcome."
Habang nagsisilabasan ang mga kinukwento ni sir ay unti-unting bumabalik sa ala-ala ko ang mga nangyari.
I can't imagine myself in that situation. Like someone trying to rape me. Really, a grown man like me? Has the world really changed like this?
I can't even imagine, if that really happened. Siguradong pagtatawanan lang ako ng mga tao kapag sinabi kong na-rape ako.
Gano'n kabulok ang bansang 'to isama mo na ang sistema ng gobyerno.
"Do you feel okay, now?" He then asked me sabay patay sa sigarilyo niya. Napansin niya sigurong nangangasim ang mukha ko.
"May nararamdaman ka bang kakaiba?"
I just stared at him for a moment. Nakakabanibagong tinatanong ako ng professor ko ng ganito. Samantalang noong bumagsak ako sa subject niya ay wala lang. Dedma lang.
"Are you sick?" He looks so worried. Who gave him the right to worry about me? Kinokonsensya niya ba ako?
"Why don't you talk, Mr. Eztioco?"
Napatigalgal ako nang walang pasabing hinawakan niya àng noo ko para pakiramdam ang init.
"Ehem!" Nagkunwari akong naubo, mabuti nalang at nabasa niya àng ibig kong sabihin.
It's obvious I am not okay. Masama ang pakiramdam ko at galit din ako sa sarili ko pero tipid lang akong tumungo. Wala na akong enerhiya para makipagtagisan ng pride.
"Tell me, ilalapit na ba kita sa hospital?"
"I'm okay, sir."
"And thank you, by the way." Marahan kong saad. Mahina man iyon ay alam ko naman rinig niya base nalang sa reaksyon ng mukha niya.
"What did you say?"
Pinagtri-tripan niya talaga ako. Pero gaya ng sabi ko, magpapakumbaba ako just this time.
"Thanks for helping me, sir." Sincere akong tumingin sa mata niya. There again, an awkward eye contact.
Everytime this happens, it feels weird. Siguro ang weird kapag nagpapakumbaba ka sa mga taong hindi deserve ng ganitong trato.
"Ehem." He cleared-throat at umatras ng kaunti. Ang lapit niya kasi. He doesn't know about personal space at all?
"G-gutom ka na ba?" He then asked. Ayoko magsinungaling na hindi so I nodded yes.
"Oo, sir. Gutom na ako." Pag-aamin ko.
Kaninang gabi pa akong hindi kumakain. Isang popsicle sticks lang ng iced-cream ang laman ng sikmura ko.
"Ipagluluto kita."
Tumayo ito at dumiretso sa kusina. Nagkalikot ng kung ano sa malaki nitong ref.
"Anong gusto mong kainin?" Nagbalik ng tingin sa'kin at sa loob ng ref.
"Kahit ano, sir."
'Di pwedeng maging mapili 'pag nakikikain lang. Sobrang kapal na ng mukha ko kung magrereklamo pa ako.
BINABASA MO ANG
My Professor's Secret
RomanceBL My most hated professor has a secret. He's gay... Simula nang maging professor ni Thaddeus si Russo ay naging masalimuot na ang college life niya. Mantakin ba namang ibagsak sa lahat ng major subjects niya. Kaya kung may tiyansa man siya, gusto...
