"Mermaids, Ito na ang mga gamit ninyo. Nandyan na ang mga damit ninyo. And wear this contact lens" Isa-isa naming kinuha ang maleta na may lamang gamit at contact lens.
Isinuot na namin ang pulang contact lens na binigay ni Mrs. Fishwater. Ipinikit-pikit ko ang mata ko para maka-adjust. Ang sakit!
Nandito kami sa may pang-pang para pag-usapan ang aksyon na gagawin namin. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Shit! 50:50 buhay ko dito!
"Bukas ang simula ng klase. Ms. Eel and Ms. Sharkreefs magkaklase kayo. Kaklase ninyo si Mr. Ivashkov ang prinsipe. Kaya mas galingan ninyo ang kilos ninyo"
Tumingin ako kay Arri at ngumiti. Inirapan lang niya ako. Tss. Arte!
"And lastly, ingatan ninyo ang bun- I mean paa na hindi mabasa ng tubig. Huwag na huwag din ninyong gagamitin ang kapangyarihan ninyo" Tumango lang kami. Hindi ko pa pala nasabi na nagkakaroon kami ng paa kapag wala kami sa tubig. Kapag naman nabasa ang aming mga paa magiging buntot ito. Kaya kailangan namin ng doble ingat. May kapangyarihan din kami ngunit sa tubig lang naming ito nagagamit.
"Tara na, Pupunta na tayo sa Wellrick High" Sumakay na kami ng bus. Ilang minute ay ay nakarating na kami. God! Ang creepy!
Pagkababa namin ng bus nagtinginan ang mga estudyante sa gawi namin.
"Act like a Vampire, Mermaids" Narinig kong wika ng guro mula sa isip ko. Nakakapag-usap rin kami sa isip. Tinalasan ko ang tingin ko. At nguma-nga na parang mangangagat. Nagtinginan naman sa gawi ko sila Mrs. Fishwater ng nagtataka
"Anong ginagawa mo Ms. Sharkreefs?" Bigla akong napa-ayos ng tayo at isinara ang bibig ko
"Ah.. Hehe?" Umiling-iling lang sila. Nagsimula na kaming maglakad. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. May mga bampirang nagtatawanan. Mayroon namang umiinom ng pulang likido. Nanayo naman ang balahibo ko. Dugo ata yan? Mapuputla ang balat nila na para bang hindi nasisinagan ng araw. Naka-itim rin sila at pula ang kanilang mata. Ang iba naman ay caramel ang kulay. Ayon sa aking pananaliksik, malalaman mo daw kung prinsipe ang isang bampira ay ang mga pulang mata nito kapag nasisinagan ito ng liwanag ay nagiging caramel ang kulay.
Inilibot ko naman ang paningin ko sa iskwelahan. Elegante ang pagkaka-disenyo halatang pang-mayaman ang iskwelahan.
"Vampires, Ito na nag schedule ninyo in whole school year, may nakalagay dyan kung anong dorm number ninyo. Humayo na kayo. Goodluck" naghiwalay na kami.
Tiningnan ko ang papel na naglalaman ng schedule. May nakalagay kasi doon kung anong dorm number ko.
Room 34
Luminga-linga ako. Room 34.. Where are you?
"Wala dito. Baka sa dulo?"
Pumunta ako sa may dulo. Wala na atang Room dito. Paalis na sana ako nang may mahagilap akong itim na pintuan. Lumapit ako at tiningnan ang Room number. Room 34? Kinilatis ko muna ang itsura ng pintuan. Elegante ang pagkakadisenyo. Naiiba din ang kulay nito.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Black and White ang theme at malinis. Ang manly din ng amoy. Hindi kaya lalaki ang ka-room mate ko? Shocks!
Walang tao. Inilapag ko ang gamit ko. Nilibot ko ang kwarto. Kwarto? o Bahay? Ang laki! Parang espesyal ang naka-kwarto dito!
Dalawa ang kwarto dito. Black and White ang isa. Ang isa naman Black and white din. Aba! Hindi nasawa?
Saan kaya kwarto ko? Sa kanan o Sa kaliwa? Kaliwa? Kanan?
Aist! Hindi ko alam!
"Minnie Minnie Minimo. Saan dito ang kwarto ko?" Sa Kanan daw.
Pumasok na ako sa kanan. Grabe ang ganda! Inilabag ko ang bag at maleta ko sa lapag. Tumakbo akong papuntang kama at pabagsak na humiga. Grabe ang lambot! Umikot-ikot pa ako. Grabe! Nakakapagod!
Ipinikit ko ang mga mata ko, ilang minuto ang nakalipas at nilamon na ako ng antok.

BINABASA MO ANG
Insatiable
RandomI'm a Mermaid and I'm Falling for a Vampire- Jewel Sharkreefs [PG-16] All rights reserved 2014 ©frozencupid