"Wake up" Umungol lang ako at nagpalit ng pwesto. Lintik kung sino man ang gumigising sa akin!
"I.Said.Wake.Up" Matigas na pahayag nito ngunit hindi pa rin ako tumayo,
Naramdaman kong may malambot na bagay na dumampi sa mga labi ko. Pinakiramdaman ko naman ito, kaagad akong napamulat nang magsimulang gumalaw ito.
WTF?!
Buong pwersa ko siyang tinulak at dumapo ang kamay ko sa mukha niya. Napabaling naman ang mukha nito sa kanan dahil sa lakas ng pagsampal ko.
Nakita ko kung paano nagtiim ang kaniyang bagang. Naikuyom din nito ang kanyang mga kamao at tumingin sa akin ng nanlilisik ang mata na nagbigay sa akin ng kaba.
"Get out." Matigas niyang wika. Mas lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko, pilit kong itinatago ang takot ko.
Sinalubong ko ang mata niyang nanlilisik sa galit.
"B-bakit? K-Kwarto ko ito" Pilit kong pinatatag ang boses ko. Hindi ko alam kung oras na ba ng kamatayan ko ngayon ngunit hindi ako papayag na makita niyang natatakot ako! Never.
"This is my fucking room. Get out!" Kwarto niya? God!
Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling umalis.
Pagkalabas ko, napahawak kaagad ako sa dibdib ko.
Nakakatakot siya!
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagsimulang maglakad papuntang kabilang kwarto.
Tss. Kung maka-asta akala mo prinsipe-naalala ko bigla ang sinabi ni Mrs. Fishwater..
"Ms. Sharkreefs. Ang magiging kasama mo sa iyong Dorm ay ang prinsipe ng mga bampira. He's Prince Ash Aaron Ivashkov. Ang kailangan mo lang gawin ay ang magbantay ng bawat kinikilos niya. At the same time. Mag-iingat ka"
I'm Dead! S...Siya ang prinsipeng sinasabi ni Mrs. Fishwater!
Pumasok ako sa kabilang kwarto na dapat ay kwarto ko pala.
Maganda naman ito. Pero hindi katulad ng sa Prinsipe na elegante. Pumasok ako sa banyo para maligo. Nag-bath tub ako dahil magiging buntot ang paa ko. Malamang mababasa ng tubig. Ilang minuto ay natapos na ako. Binalot ko ang tuwalya sa aking katawan.
Palabas na sana ako para kumuhang damit nang maalala ko na nasa kabilang kwarto ito.
Ang kaso ay nakatapis lang ako! At wala akong saplot ni isa sa loob!
Bakit ang malas ko?!
Huminga ako ng malalim. No choice ka Jewel.
Pagpunta kong harap ng pintuan ng prinsipe, huminga muma ako ng malalim bago kumatok.
Kumatok ulit ako pero wala talaga. Kaya pasok portion! Wala sigurong tao. Dahan-dahan akong pumasok. Inilibot ko ang aking mata sa loob ng kwarto,
Ayon!
Tumakbo ako papunta sa gilid ng kama at kinuha ko ang bag ko. Time to go!
Dahan-dahan akong naglakad papuntang pinto.
Huling hakbang na lamang at makakalabas na ako..
"Where.are.you.going?" Napabalikwas ako sa nagsalita na naging dahilan ng pagbagsak ko sa sahig.
Naramdaman kong tumama ang pang-upo ko sa sahig,
"Ouch!" Hinimas-himas ko ito upang mawala ang sakit. Malas talaga!
"Tss. Careless" Napatayo ako ng diretso kahit na masakit pa rin ang pang-upo ko dahil sa pagkabagsak.
Naalala kong aalis na pala ako. Hahawakan ko na sana ang door knob ng pinto ng higitin niya ang braso ko at ipinaharap sa kanya.
Isinandal niya ako sa pinto. Inilagay niya ang kamay niya sa dalawang gilid ko.
I'm trapped.
"Anong ginagawa mo dito?" Nakatitig lang sa akin ang pula nitong mga mata.
"Kinuha ko a-ang damit k-ko." Tumingin ako sa mukha niya. Ngayon ko lang natitigan ito. Masasabi mong perpekto ito, matangos na ilong, maninipis na labi, mahahabang pilik mata at mababangis na mga mata. Maputla din ang balat nito.
"Are you Vampire? I think you're not" Tila nagising ako sa pag-papantasya,
"Ha? B-Bampira ako!" Shit! Wag sana akong mahuli!
"Really? Where's your fangs?" Nakagat ko ang labi ko, kaagad kong naalala ang nabasa ko.
"W-Wala eh, I'am a half witch, half vampire" Pagsisinungaling ko. Buti na lang at nanaliksik ako tungkol sa iba't-ibang uri ng bampira. Ang half witch, half vampire ay parang tao lang. Walang pangil, pero may kapangyarihan. Pula rin ang mga mata ng mga ito.
"Do you know, I want your blood" Nanlaki ang mata ko. Blood?! Sabi ko na nga ba! Mamamaalam na ako ngayong araw. Pero hindi ako papayag! Dadaan muna siya sa bangkay ko!
"Hindi ako papayag! Baka gusto mong gamitan kita ng spell?" Pananakot ko sa kanya. Pero ako ata ang matatakot dahil ang totoo wala naman talaga akong spell!
Inismiran niya ako, "Mas malakas ako sayo witch."
"B-Basta ayoko! I-Iba na lang!" Hindi ko isusuko ang bataan!- I mean dugo ko pala.
Ngumiti ito na parang may binabalak. Masamang pangitain ito!
"Have sex with me" Diretsong sagot nito na naging dahilan ng paglaki ng mata ko.
What the?!

BINABASA MO ANG
Insatiable
De TodoI'm a Mermaid and I'm Falling for a Vampire- Jewel Sharkreefs [PG-16] All rights reserved 2014 ©frozencupid