Chapter 1

75 4 0
                                    

The Beginning

"Vampire! I'm so excited! Marami daw gwapong bampira!"

Napatingin ako kay Arri, awtomatikong napaikot ko ang aking mata. Akala mo kinuryente ng electric eel, wagas mangisay sa kilig!

Sabagay, Arri Eel nga pala.

Binalik ko ang tingin sa librong binabasa ko. Nandito kami ngayon sa Siren Student Council para pag-usapan ang pagmamasid sa mga bampira.

Tumayo si Mrs. Fishwater,

"Mermaids" Napatingin naman ang lahat sa guro at sa tinaas nitong bagay,

"This is what we called SA or the Siren Aids. Ituturok lang ito sa inyo upang hindi maamoy ng mga bampira ang ating mahalimuyak na dugo" Nakatitig lang kami sa SA, at ni isang walang nagsasalita.

"So.. Are you ready" Tumango na lang kami ng alanganin. Wala naman kaming magagawa kung sakaling tumutol kami.

Isa-isa itong lumapit sa amin,

Kinagat ko ibabang labi ko ng iturok nito sa aking leeg.

"Ouch!" Tila namanhid ang katawan ko, epekto siguro. Pinakiramdaman ko muna ito bago hinimas-himas ang parte kung saan nito itinurok ang SA.

"Okay. Now. Bukas na bukas ay pupunta tayo sa Wellrick High in  Vaire City. Magpapanggap kayong bampira. Doon na rin kayo titira sa Wellrick High. May mga Dorm doon and yung mga ka-room mate ninyo is vampire so much better kung galingan ninyo ang pagtatago ng identity ninyo. And By the way pinalitan na namin ang inyong mga pangalan. As a Vampire." Tumango lang kami.

Hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Vampire is also known as blood sucker and their favorite snack is our blood. Parang ang isang paa mo ay nasa hukay! At hindi ko lubos maisip na magiging 50:50 ang buhay ko dahil lang sa pagmamasid na iyan!

"Ms. Arri Eel- Ms. Eva Akeldama-" Rinig kong turan ng guro

"Miss! It's so kadiri! Change my name" Maktol ni Arri na naging dahilan ng pagtawa ng ilan.

Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang pagtawa. Bagay na bagay kasi sa kanya!

"Sorry Miss. Iyan na ang nakalagay sa records ninyo sa Wellrick High" Napasimangot naman si Arri dahil sa sinagot ng guro.

"Ms. Fatty Orchish- Nerine Pollana Adrasteia" Nagpatuloy lang ito sa pagsabi ng mga pangalan namin as a vampire.

I never imagined na makakasali ako dito. Parang dati lang, ang payapa ng buhay ko, tahimik, at walang gulo.

"And lastly, Ms. Jewel Sharkreefs- Kharis Selene Orfeo" Ngumiti ako bago tumango.

Napadako naman ang tingin ko kay Arri na ngayon ay masama ang tingin sa akin.

Tiningnan ko siya ng nang-aasar.
Sorry. Mas maganda ang pangalan ko!
"So.. Pack your Shells and Bikini tops. We swim at sunrise tommorow. Pwede na kayong magpahinga. Ms. Sharkreefs, maiwan ka. May sasabihin lang ako" Tumango lang ako, naglabasan na sila at kami na lang ang natira.

"Ms. Sharkreefs. Ang magiging kasama mo sa iyong Dorm ay ang prinsipe ng mga bampira. He's Prince Ash Aaron Ivashkov. Ang kailangan mo lang gawin ay ang magbantay ng bawat kinikilos niya. At the same time. Mag-iingat ka" Ngumiti lang ito at umalis.

Prinsipe? All of the vampire, Prinsipe pa?! Hay! Malas! Ang laki ng gampanin ko! And kasama ko talaga sa dorm! Baka hindi na 50:50 ang buhay ko, baka 90:100 na!

Ibinato ko ang libro kong binabasa,Malas!

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Kinuha ko na ang aking mga gamit at lumabas.

I swim over to my friend Karla to break the news.

Karla Fishtale is my childhood bestfriend. Magpinsan ang mga magulang namin.

"Hey! Jewel! Anong nanyari sa mukha mo?" Karla ask. Karla hair was color brown, her eyes was black and her tail was color silver.

Napaikot ko ang mata ko, "Kasama ako sa magmamasid sa mga bampira at hindi lang basta-basta! Prinsipe ng mga bampira ako nakatalaga!"

Nanlaki ang mga mata nito, "Really? Wow! Ang swerte mo! Sana ako rin!" Tiningnan ko siya ng nakangiwi, Swerte?! Swerte ba ang maging 50:50 scratch that- 90:100 ang buhay mo?! Wow! Just Wow!

"Sana nga ikaw na lang! Aalis na ako." Ikinaway niya ang kanyang kamay,

"Bye!" Ngumiti lang ako.

I'm lying on my back in a shell top ang bikini bottom.

Hay! Nakakainis!

Pumunta akong lagayan ko ng libro at hinanap ang libro tungkol sa bampira.

Nagsimula na akong magbasa.

Maraming klase ng bampira, or Hybrid Vampire. Isa na dito ang half witch, half vampire, para rin silang mga tao ngunit mayroon silang spell o kapangyarihan na ginagamit panglaban sa kalaban. Gumagamit sila ng black spell upang mang-akit. Mayroon ding half mermaid and vampire. Isa ito sa pinakamalakas bukod sa half witch and vampire. Tinatawag itong Merpire. May mga buntot ito, ngunit mayroon itong mga pangil. Nagtataglay din ito ng kapangyarihan sa tubig at malakas din ito, katulad ng mga bampira. Mabilis din itong kumilos. Ngunit ayon dito, kapag nagtalik ang bampira at sirena, maaaring mayroong mamatay na isa. Pero kadalasan ay mga sirena ang namamatay. Kung sakaling mag-bubunga ang pagtatalik, ang bata ay  magiging merpire. Ngunit wala pang nabubuhay na merpire sa panahon ngayon, dahil pinagbabawal ang relasyon o pagtatalik ng dalawang magkaibang uri. At ayon dito, wala pang natatalang nabuhay na sirena. Tiningnan ko ang nakaguhit sa libro, isa itong marka ng buwan at araw. Ayon dito, kapag nagtalik ang dalawang magkaibang uri at nagbunga ay magkakaroon ng ganitong marka ang leeg ng bata.

Marami pang nakatalang impormasyon ngunit hindi ko na binasa.

Ibinalik ko ang libro sa pinagkuhaan ko.

Tomorrow is my deadline.

InsatiableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon