👑MY ULTIMATE QUEEN👑
CHAPTER 5
CYRIEL'S P.O.V
Dinala ako ni Audrey sa may Palengke, malapit sa plaza kung saan marami pang nagtitinda ng Street food. Teka totoo? Kumakain siya nga ganito. Hindi halata. Ayan ka nanaman Cyriel, puro ka kasi judge sa una eh, may utak ka pero judgemental ka naman.
"Manong dalawa pong tig 20 ng fishball at kikiam, ipaghalo mo po ah, tiyaka dalawang palamig"-sabi niya doon sa tindero. Linabas niya naman ang wallet niya ng pigilan ko siya.
"Ako na, ako na magbabayad"-pagpresenta ko. Tumango tango naman siya. Binayaran ko naman ang in order niya, tiyaka 60 pesos lang naman kaya okay lang sakin.
After maibigay samin ang binili namin , naglakad kami papunta sa plaza, kunting lalakarin lang naman. Magkatabi naman kaming naupo sa Bench.
Walang kaarte arte niyang kinakain yung binili naming street food.
"First time mo ba kumain nito?"-tanong ko na nagtataka . Umiling naman siya.
"Hindi, pag pumupunta kasi ako sa Squatter Area, may nagtitinda ng ganito kaya bumibili ako, tiyaka masarap naman kaya okay lang"-pagkukwento lang. Ah kaya pala. Alam kaya ng friends niya na kumakain siya ng ganto.
"Huwag mong sasabihin kahit kanino ah, hindi alam ng friends ko ang ganitong side. Maswerte ka kasi alam mo"-dagdag niya at naubos niya na yung sa kanya.
Maswerte ako? Pwede naman na maswerte ako kasi may mga alam ako kay Audrey na ako lang ang nakakaalam.
"Ayaw mo ba, akin na lang yan"-sabi niya at inagaw yung kinakain ko. Sunod sunod niya namang sinubo ito. Ang cute niya. Hehe. Oh my. Nacucutan ba talaga ako sa kanya.
Napahawak ako sa puso ko na sobrang lakas kumabog.
"Alam mo ba kung bakit , tinutulungan ko ang mga batang palaboy laboy sa kalye"-sabi niya at tumingala sa langit .
"Kasi gusto ko huwag silang magugutom, kasi iniisip ko pano kung ako yung nasa sitwasyon nila? pano kung ako yung namamalimos ngayon , kaya gusto ko na manatiling lihim ang pagtulong ko kasi hindi naman kailangan malaman ng lahat na isa kang mabuting tao.
Hindi naman kailangan na purihin ka ng mga tao. Hindi dahil sa nahihiya akong ipaalam sa kanila, ayoko sa lahat ang pinupuri ako"-pagkukwento niya. Napalunok naman ako ng laway sa mga sinabi niya.
She's very have good looking kahit naka side siya.
*dugdugdugdug.
Nag iingay nanaman tong puso ko.
"Mahal ko na siya"
"Huh?"-sabi niya at lumingon sakin. Nabalik naman ako sa tamang ulirat. Nasabi ko pala yun. Mahal ko na siya? What the heck! Pinagsasabi mo Cyriel. Mag focus ka nga.
"Umhh, wala sabi ko napamahal na pala sayo yung mga batang kalye"-palusot ko. Narinig niya kaya yung nasabi ko. Napatango tango naman siya.
"Oo, kung pwede lang patirahin ko sila sa bahay namin, ginawa ko. Kaso estudiyante pa lang ako. Kaya pag nakapag graduate ako . Pangarap ko magpatayo ng Charity, at don ko sila patitirahin lahat, yun lang ang tanging hangad ko. Ang maging maayos ang buhay nila"-mahabang lintaya niya.
Gusto ko ipalakpak ang kamay ko at gusto kong sabihin sa kaniya na proud na proud ako sa kanya.
Proud ako sa babaeng Mahal ko hindi ko alam pero kinikilig ako sa ngayon.
Pano nga ba kiligin ang mga lalaki? Ngayon ko lang kasi naramdaman ito.
××××××
YOU ARE READING
MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)
RandomShe is the girl with a cold hearted, spoiled bratt, cursed and feared by everyone at the school owned by her father. But she never thought that she would like a man who is Difficult, introverted, smart but everyone has a crush on him. DISCLAIMER Th...