👑MY ULTIMATE QUEEN👑
CHAPTER 16
Napadpad naman ako sa beach, kung saan tumatambay kami ni Cyriel, bakit ba dito ako dinala ng mga paa ko. Kainis tong paa ko panira. Natanaw ko naman si Cyriel na nakaupo sa buhangin at nakatanaw sa dagat. So andito rin siya? Dapat hindi na ako nagpunta pa rito eh.
Pero gusto ko siya makausap at gusto ko na ipamukha sa kanya na pinagtripan ko lang siya.
Naglakad naman ako para lapitan siya. Napalingon naman siya sakin nang maramdaman niya ang presensiya ko. Agad naman siyang tumayo at akmang aalis nang magsalita ako.
"Tatakbo ka nanaman ba? Bakit hindi mo ko kayang harapin Cyriel!"-mataray kong saad, habang si Cyriel nakatingin lang ito sa dagat na malakas na humahampas ang alon.
"Napaka Loser mo naman!"-i said.
"Oo loser talaga ako, kasi yung babaeng mahal ko, pinaglaruan niya nang husto ang feelings ko. Pinagmukha niya kong tanga sa harap nang marami"-he said seriously at tumingin ito sakin. "Narinig ko ang usapan niyo, at oo blinock rin kita. Kasi mas gusto ko na lang kalimutan ka, kaysa sa umasa sa wala. Ano Audrey masaya kana ba? Masaya kana ba na nasaktan mo ko ng sobra"?-he said painfulness at may tumutulong luha mula sa mga mata niya.
"Oo masaya nga ako, at wala rin akong pakialam sa feelings mo. Sana nga makalimutan mo na lang ako, kasi ayokong may mabaliw na tulad mo dahil sakin. Tiyaka may paiyak iyak ka pang nalalaman, bakla ka ba?"-maasik na sabi ko.
Pinunasan niya naman ang luha niya gamit ang palad niya.
"Wala to, balang araw hindi na ako iiyak. Huwag ka mag alala, nagresign na ko sa resto niyo at sa Transport company niyo. Baka kasi makita kita sa mga lugar na yun. Tiyaka maraming salamat ah. Kung sakaling magkita man tayo ulit, hindi na ako tatakbo. Magturingan na lang tayo na hindi magkakilala"-he said seriously while sniffing.
Napahawak naman ako sa noo ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo . Then I Black out.
CYRIEL'S P.O.V
Hospital.
"Ito ang results ng test niya, tiyaka anjan ang reseta. Kailangan mong mapainum sa kanya ang gamot niya. Tiyaka masyado siyang na stress at nalipasan ng gutom. Basahin mo na lang ang result then Congratulations"-sabi ng doctor.
Congratulations? Pinagsasabi niya. Nahimatay na nga yung tao Conratulations pa.
"Mauna na ko, marami pa akong pasyente."-paalam ni Doc at lumabas na ito ng kwarto. Dinala ko lang sa public hospital si Audrey, kasi di ko kakayanin pag sa private ko siya dinala. Stress at nalipasan ng gutom. Diba matakaw siya tas nalipasan ng gutom.
Binasa ko naman ang result ng test niya.
Okay naman then....
4 weeks pregnant...
Binasa ko ulit ito kasi baka namalikmata lang ako. Pero walang nagbago, magkakaanak na kami ni Audrey. Napatingin ako kay Audrey na wala pa ring malay, buti na lang pala nagkita kami kanina.
Siguro kung ano na ang nangyari at siguro rin kung wala ako ngayon dito, ipapaalam niya kaya sakin na magkakaroon na kami nang anak.? Naupo naman ako sa upuan sa may gilid ng kama ni Audrey.
Nung araw na nasaktan ako ng sobra, nagdecide ako na iwasan at kalimutan siya, pero kahit anong pilit kong pag iwas sa kanya hindi ko siya magawang kalimutan.
Kahit na nagpakalunod ako sa pag aaral, siya pa rin ang hanap hanap ko. Pero paano kung pagkagising niya, pagtatabuyan niya ko at ilalayo sakin ang anak namin. Hinawakan ko naman ang kamay niya.
Nagulat ako ng bigla itong tinabing.
Gising na siya. Masama ang tingin niya sakin."Nawalan ka nang malay kanina habang andun tayo sa beach kaya dinala kita rito"-bumangon naman aiya mula sa pagakakhiga aalalayan ko sana siya nang itulak niya ko.
"Wala akong pakialam sa paliwanang mo, umalis ka sa harapan ko. Ayaw kitang makita"-sabi niya at hindi makatingin sakin.
"Babantayan ki---"
"Hindi nga kita kailangan, kaya umalis kana"-bulyaw niya sakin. Nakakatakot naman. Pero bawal sa kanya ang ma estress.
"I'm Sorry, binabawi ko na yung sinabi ko na kakalimutan kita."-sabi ko na kinalingon niya.
"Oh tapos?"-mataray na saad niya. "Sa tingin mo nawalan ako ng malay dahil sayo at sa mga sinabi mo, hindi ! Kaya pwede ba umalis kana"-sigaw niya sakin na halatang galit.
"Sige, pero babalik ako"-sabi ko at naglakad patungong pinto.
"Kahit huwag na. Kahit anong sabihin at gawin mo, ayaw pa rin kita makita. Tapos magdrop kana rin sa School namin dahil ayoko nang makita pagmumukha sa School namin"-she said at hindi ito makatingin sakin ng diretso.
Hayaan mo lang siya Cyriel, buntis siya kaya dapat intindihin mo. Linapitan ko naman siya at inabot sa kanya ang test result niya sa lab. Linagay niya naman ito sa bag niya.
Lumabas na ko ng kwarto, bibili muna ako ng gamot niya. Bakit hindi niya man lang basahin yung resultang binigay ko sa kanya.
Nang makabili na ako ng gamot sa pharmacy, agad akong bumalik sa kwarto ni Audrey. Masama itong nakatingin sakin.
"Ikaw nanaman, diba sabi ko umalis kana!"-galit na sabi niya. Kung aalis man ako rito walang magbabantay sa kanya. Di ko rin alam number ng mga kaibigan niya.
"Kailangan mo kasing uminom ng gamot kaya bumalik ako. Pero papayag ako magdrop sa School niyo, kung papayag ka rin na mag kabalikan tayo."-i said na medyo kinakabahan, bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.
"Nagpapatawa ka ba or nakapaka tanga mo talaga! Ang taas naman ng pangarap mo Cyriel, basura ka lang para sakin, hindi tayo compatible sa isa't isa. Kaya pwede ba tigilan mo na ko at umalis kana!"-pagtataboy niya sakin. Masakit ang mga sinabi niya, pero tatanggapin ko lahat yun, para sa anak namin.
"Alam ko basura lang ako, pero wala na akong paki kung ano man ang sasabihin pa ng iba at sasabihin mo."-i said. Gusto ko magpakatatag sa ngayon. Hindi ako papadala sa mga sinasabi niya.
Ang tunay na lalaki may paninindigan. Kaya kahit pa ulit ulit niya kong ipatabuyan, hinding hindi ako aalis.
AUDREY'S P.O.V
12 Midnight
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng uhaw, nang makita ko si Cyriel na nakahiga sa sofa at tulog na. Ang kulit talaga ng lalaking to. Lowbatt kasi phone ko kaya hindi ako makatawag kina mommy. Kaya kunting tiis lang to.
Kakalimutan niya daw ako, tas andito siya at ayaw na umalis.
Crazy man. Tsk..
Inabot ko naman ang bag ko na nasa desk sa tabi ng kama ko. Binuksan ko ang bag ko ng makita ko ang result ng lab test ko.
Binasa ko naman ito. Okay naman ako at walang sakit . Pero ... nanlaki naman ang mata ko. Oh no! Totoo ba to? 4 weeks pregnant ako.
This can't be happenning!
Paano pag nalaman nina daddy, malamang itatakwil niya ko. Napalingon naman ako sa lalaking tulog na tulog na dahilan nang pagbubuntis ko.
Kaya ba hindi siya umaalis dahil alam niya na buntis ako at siya ang ama. What the hell!
Kailangan kong maging ready sa Giyera. Dahil oras na malaman to ni Dad, pati si Cyriel madadamay.
Binalik ko naman sa bag ko ang test result ko at nahiga na sa kama. Argghh! Puro na lang problema.
Kinabukasan, nagising ako na may nakahanda nang pagkain sa may desk na katabi lang ng Kama ko. Favorite ko yan ah. Kay Cyriel ba galing to. Ayoko. Ayoko kumain ng mga dala niya. Pero kumakalam na sikmura ko.
A few momments later.
"Hhhmmm sarap"-sabi ko ng maubos ko ang lahat na pagkain. Masarap kasi eh, di ko mapigilan sarili ko
YOU ARE READING
MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)
AcakShe is the girl with a cold hearted, spoiled bratt, cursed and feared by everyone at the school owned by her father. But she never thought that she would like a man who is Difficult, introverted, smart but everyone has a crush on him. DISCLAIMER Th...