CHAPTER 29

301 20 0
                                    

👑 MY ULTIMATE QUEEN 👑

CHAPTER 29

Natutuwa ako kasi hindi ko pala talaga karibal si Sir miggy kay Audrey, nakausap ko kasi siya noon na botong boto daw siya sakin para kay Audrey. Parang kapatid lang daw talaga turing niya kay Audrey noon pa man.

"Okay lang Sir, sasabihin ko na lang po kay Audrey. At tiyaka secret wedding lang kasi yun."-saad ko. Ayaw daw kasi nang dad ni audrey na malaman nang marami na ikinasal na si Audrey lalo nat 18 pa lang ito. Ayoko rin naman na husgahan si Audrey ng iba dahil don, at dahil na rin sakin.

AUDREY'S P.O.V

"Grabe nakakapagod naman"-saad ni Chelsea at nahiga pa ito sa sofa, halatang napagod sa exam ang loka.

"Sakit nang ulo ko, naubos ata braincells ko"-reklamo naman ni Nikki na naupo rin sa couch. Naupo na rin ako.

"Ikaw Aud, napagod ba utak mo. Sa bagay wala ka naman palang utak"-shin said sarcasm. Ay wow! Inerapan ko naman siya, totoo naman kasi na wala utak ko pagdating sa klase.

"Oo eh, halos wala nga ako nasagot eh"-i said sarcasm.

"Gusto niyo magparty tayo mamaya, mag inuman tayo ulit"-aya ni Nikki.

"Ayoko, pagod ako noh"-pagtanggi ni Chelsea.

"Any way, kumusta pala ang bagong kasal kagabi? ehem"-tanong ni Shin at ngumiti nang nakakaloka, napabangon naman si chelsea sa pagkakahiga niya sa sofa. Basta talaga tsismis buhay na buhay eh. Naupo si Shin sa tabi ni Chelsea.

"Wala naman"-sagot ko and i look away. Hindi ko kaya magkwento kasi kinikilig ko at this time.

"Magkwento kana, halatang super blooming ka eh, at hindi man lang na stress sa exam"-pangungulit pa ni Nikki.

"Ilang rounds ba?"-tanong ni Chelsea at linapit pa ang mukha niya sakin. Mga tsismosa talaga eh. Pero sige, iinggitin ko sila nang husto.

"Para matigil na kayo, dalawa okay na ba?"-i said, at bahagyang natawa. Nanlaki naman ang mga mata nila.

"Oweemmgii"-tili nila.

"Ano pa, magkwento ka dali"-pangungulit ni Chelsea at yinogyog pa ang balikat. Hindi talaga ako titigilan nang mga to. Kaya kwenento ko yung sabay kami naligo sa banyo kasi malelate na at sabay naming pagbihis sa kwarto.

At ayun parang nabitin pa sila sa kwento ko. Mga gágâng to eh.

"Walang nangyarin sa banyo, kahit nakahvbad kana? Tas nung lasing siya meron, jusko ang hina naman ni Cyriel"-komento ni Nikki.

"So paglasing lang pala siya magaling, pag hindi very gentleman talaga siya. Kahit nakahvbad na hindi pa rin masunggaban. Gosh!"-sabi ni Chelsea at napapailing iling pa.

"Maykwenento sakin si kenneth kahapon eh, sabi niya nung pumunta daw sila sa bar ni kuya Mark before the wedding day, at nag inuman, may dalawang babae daw na lumapit kay Cyriel"-pagkukwento ni Shin, wait nambabae si Cyriel bago ang araw nang kasal namin. Walang hiya!

"Tapos parang pinagtabuyan at tinulak ni Cyriel yung girls, kasi ayaw daw ni Cyriel na may dumikit sa kanya na ibang babae"-shin added. Kinilig naman yung tatlo, ah so ganun pala. Nag overthink pa ko ng grabe.

"So, that's mean, loyal talaga ang Cyriel niyo kay Audrey"-Nikki.

"Kung ganun, magcelebrate tayo dahil Loyal ang napangasawa nang bestfriend natin"-Shin said, napairap naman ako. Jusko! Maliit na bagay, siyempre hindi ko papakasalan si Cyriel kung manloloko siya noh.

"Busy ka ba bukas Aud, mag celebrate tayo bukas"-nikki Asked. I nodded. Naalala ko na may usapan kami ni Cyriel na pupunta sa lola niya bukas.

"May pupuntahan kami ni Cyriel bukas eh. Pupunthana namin Lola niya"-i said.

MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now