👑 MY ULTIMATE QUEEN 👑
Author : Binibining Nadya
CHAPTER 13
Lumapit naman sina Cyriel sa pwesto namin at naupo siya sa tabi ko na parang hingal na hingal siya. Kaya binigyan ko naman siya nang tubig na agad na tinanggap niya at ininom ito.
"Naku, pawis na pawis kana"-sabi ko at pinunasan ang braso ni Cyriel na pawis na pawis. Napalingon naman siya sakin at nagkatinginan kami sa isa't isa.
Dug.dug.dug.dug.
Teka bakit ako kinakabahan sa mga Tingin niya.
"Cyriel, halika kana"-pag aya sa kaniya ng team mates niya. Kaya napaiwas naman kami ng tingin.
Nagtungo na sila sa gitna nang Court at nag start na for quarter 2.
Hanggang sa Magtime ulit for Quarter 2, naupo siya ulit sa tabi ko na tila hingal na hingal. Syempre to the Resque ang reyna niya, pinainum ko siya ng tubig habang pinupunasan ko ang mga pawis niya.
"Cyriel, pahinga ka muna, magready ka muna for last Quarter."-saad ni Kuya Miggy, na Coach pala nila . Na late kasi ito ng dating. "Sam, alagaan mo player ko na si Cyriel"-bilin nito sakin. Pinagsasabi niya jan. Napangisi naman si Kuya miggy ng irapan ko siya.
"Ako na Audrey"-sabi niya at kinuha sakin ang towel at pinunas sa basang basa niya na Buhok.
Nag start na ulit ang game for 3rd Quarter. Palaging nasa freshmen ang bola.
Parehong naka time out si Kenneth at Cyriel, so ibig sabihin silang dalawa lang talaga ang magaling sa team nila. Nakita ko ang paghinayang sa mga ni Cyriel nung hindi maka shoot ang team nila.
SCORE
SENIOR-45
FRESHMEN-6217 Points ang lamang ng ka freshmen ko. Pero sina shin todo cheer sa mga Seniors.
"Hoy, galingan niyo naman"
"Kukupad niyo"
Sigaw nina Chelsea . Lumapit naman samin si Kenneth samin.
"Bro, magready ka. Marami na ang lamang nila. Dapat maabot natin yun."-saad ni Kenenth.
"Sige. Sige. Kaya natin to"-sabi ni cyriel na parang kinakabahan. Hay naku Cyriel, pag natalo kayo. Goodbye na sayo.
Nag time out naman for 3rd Quarter.
"Guys ano ba, wala ba kayong kinain kanina at ganiyan kayo."-panenermon ni Kuya Miggy sa team niya.
"Pasensiya na po sir"-sabi nung isa sa kateam nila.
"30 points na ang lamang nila, at last Quarter na lang to. Kaya niyo yan Guys. Fighting"-kuya.
"FIGHTING"-Sigaw ng buong team nila.
Mag sstart na for Last Quarter.
"Cyriel goodluck"-sabi ko, lumingon naman siya sakin at hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti ng todo sa kanya na halatang gulat na gulat siya sa ginawa ko. "Kaya mo yan"-sabi ko.
"Salamat."-sabi niya na parang kinikilig. Kaya napangisi ako sa sobrang kacutan niya.
"Tama na ang landian, Cyriel ano pa hinihintay mo"-saad ni Kuya Miggy na nakatingin pala samin. Tumayo naman si Cyriel at pumunta na sa gitna nang court. At nag start na for last Quarter
Bigla naman akong siniko ni Shin.
"Hoy, ano yun hah? Nakita namin yun ah."-maasik na tanong ni Shin habang nakataas ang kilay. Umiling naman ako.
YOU ARE READING
MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)
AléatoireShe is the girl with a cold hearted, spoiled bratt, cursed and feared by everyone at the school owned by her father. But she never thought that she would like a man who is Difficult, introverted, smart but everyone has a crush on him. DISCLAIMER Th...