CHAPTER 1

8 2 0
                                    

Chapter 1 :The Beginning

Kierra


I'm Kierra Raven Lee 18 y.o. at kasalukuyang nasa 4nd year college na sa kursong Business administration Major in Management

°°°****°°°****°°°

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa university na papasukan ko. Tutal ay walking distance nalang ang university na ito sa bahay na tinutuluyan ko kaya di ko na muna gagamitin ang Mclaren p1 ko para na rin tipid sa gas kuripot kasi ako

*/yawn

Nakailang hikab na ba ako? I already lost count

Tss. Wala pa akong matinong tulog magmula ng dumating ako dito sa pilipinas

Napangiwi nalang ako ng maalala lahat ng nangyari sakin nung nakaraang araw

                    *Flash Back*

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa waiting area ng airport para sana doon hintayin yung mga taong susundo sakin ng biglang

*/kyahhhhhhh

May sumigaw at dahil nga isa akong dakilang pakialamera agad akong nag tatatakbo papunta sa pinangyarihan ng sigaw

Malayo palang ako ay tanaw ko na ang mga tao na nagkakagulo sa tapat ng girls comfort room

Kaya naman mas binilisan ko pa ang pagtakbo at saka ako nakipagsiksikan hanggang sa tumambad sakin ang duguang babae na sa tingin ko ay di nalalayo ang edad saakin

Nagsuot muna ako ng disposable gloves na lagi kong dala bago lumapit sa biktima at pulsuhan ito

"Someone call the police"saad ko sa mga taong pinapanood ang ginagawa ko

"Hindi ba dapat ay ambulansya ang tawagan?" Someone ask from the crowd

"Nah,it wont be necessary she's already dead so call the police instead" Sagot ko at saka bumaling sa biktima

Nakadapa ito habang nakaturo ang isang hintuturo sa pade na may nakasulat na "He"na isinulat gamit ang dugo,sa tingin ko ay ito ang dying message ng biktima,may mga pasa din ito sa sa ibang bahagi ng katawan palatandaan na nanlaban ito,mayroon ding mga bubog na nagkalat at umaalingasaw din ang matamis na amoy ng wine

"Sino ang kasama ng biktima bago sya namatay?"tanong ko sa mga taong nagkakagulo kanina

"Hoy bata hindi ito ang lugar para sa mga detective wannabes na tulad mo"maangas na sagot ng lalaki na naging dahilan ng pag-ugong ng bulungan

Inis na lumingon ako sa lalaking nag salita at saka sinuri ang kabuuan nito agad namang naningkit ang mga mata ko dahil parang pamilyar ito

I was about to open my mouth and say something when someone interrupt me

"Ah miss kasama nya kaming dalawa" napalingon naman ako sa babaeng nagsalita. Sya yung sumigaw kanina saad ko sa isip ko

"Whats your name?"seryosong tanong ko dito

Bagamat nag tataka sumagot parin ito sa tanong ko" I'm Heidi Bautista. Tapos sya naman si Hellvin Murphy" pagpapakilala nya tapos sabay turo naman sa lalaking maangas kanina.

Pangalan palang tunog masama na ganundin ugali nya bagay na bagay pala ang pangalan nya Hellvin saad ko sa isip ko habang tumatango tango

"Kaano-ano nyo ang biktima?" Tanong kong muli sakanila

"I'm cheska's Best friend,and that man over therebwas cheska's boyfriend" sagot nito

"By judging the corps I can say  nasa 20-30 minutes palang ang nakakaraan matapos nyang mamatay. Nasaan kayo at ano ang ginawa nyo sa nakalipas na isang oras?" Tanong ko sa mga ito

"Nasa waiting area kaming tatlo
habang hinihintay yung susundo saamin na family driver ng pamilya ko nung nag paalam si cheska na pupunta lang sa powder room tapos maya maya lang si Hellvin naman ang nagpaalam para bumili ng wine na pwede naminh inumin sa bahay." Agad na sagot ni Heidi sa tanong ko

Napatango naman ako nang ilang beses sa naging sagot nya at saka bumaling kay Hellvin na siyang kasintahan ng biktima

"Eh ikaw?" Tanong ko sa lalaking kanina pa nakangisi

"At sino ka naman para sagutin ang ko yang tanong mo huh bata?" Maangas na sagot nito sakin na sinuklian ko naman ng mala demonyong ngisi

"Bakit? Takot ka bang madiskubre kong ikaw ang pumatay sa kasintahan mo?"

"Tss. Tulad nga ng sinabi ni Heidi nag hanap ako ng pwedeng mabilhan ng wine pero bumalik din ako nung wala ako mahanap" maangas na sagot nito na naging dahilan upang mas lumawak ang pagkakangisi ko

Liar kaya naman pala pamilyar sya saakin sya pala yung nakabung-guan ko nung hinahanap ko yung daan papunta sa waiting area. Mas tinitigan ko pa ito,ngayun ko lang din napansin na iba na ang suot nitong damit kumpara kanina

BINGO* saad ko sa isip ko

"Tama nga ako ng hinala,ikaw nga ang pumatay sa jowa mo" nakangisi kong sagot

Ang kaninang ngisi nito ay unti-unting nawala at napalitan ng kakaibang emosyon. Guilt,takot at galit yaan na ang mga emosyong mababakas sa kaniyang muka

"Hoy bata di magandang biro yan ah" kabadong saad nito na sinabayan pa jiya ng pekeng tawa

"Gusto mo bang patunayan ko?" Tanong ko dito ngunit di ko na hinintay ang magiging tugon nito at muli akong nagsalita "look below your shoes, di ka naman lumapit sa crime scene pero paano nagkaroon ng bubog sa talampakan ng sapatos mo? Then look at your hand may mga scratches ka na nagmula sa panlalaban ng biktima . Took off your polo I'm sure na marami ka pang scratches and also the dying message of the victim where the first two letter of your name"tinignan ko muna ang muka nyang nagpupuyos sa galit bago ako muling magpatuloy"one more thing nakita kita kanina iba ang suot mong damit nun saka may hawak kang bote ng wine that time."

Umikot ang tingin ko sa mga gulat at di makapaniwala na expressyonng kanilang mga mata hanggang sa dumapo ang tingin sa lalaking galit na galit ng bigla itong tumakbo upang atakihin ako pero di pa man ito tuluyang nakakalapit saakin ng dumapo ang  kamao ko sa panga nito ,kasabay ng pagbagsak nito ay ang pagsinghap sa gulat  ng mga taong  nakakita ng pangyayari at ang pag-dating ng mga pulis kasama ang isang lalaki na sa tingin ko ay isa hanggang tatlong taon lang ang tanda saakin

              To Be Continue.....

HERWhere stories live. Discover now