Prologue

9.8K 144 24
                                    

Sa totoo lang, di naman talaga ako manunulat. Halata naman siguro sa panimula ko. Gusto ko lang talaga ikwento yung maikli naming storya. Sabi nga niya, ang mga alaala ay hindi lang tinatago.

Bakit ko nga ba to sinusulat? Sa totoo lang, di ko alam. Ay mali pala, alam ko.

Bakit ba ang tawag sa dulo ng bawat fairytale ay happy ending? Ano nga palang tawag jan? Ayun. Oxymoron. Sa totoo lang, kailan pa ba naging masaya ang ending? Kahit nagkatuluyan si babae at si lalake sa isang telenobela, ang masaklap, tapos na yung kwento.

Gusto ko ng isang kwentong walang katapusan.

Heto, nakahiga ako sa isang kama na hindi naman talaga sa kin. Hawak hawak ko yung laptop at heto, nagtatype. Andito parin yung isa sa mga himala na bumago sa pananaw ko sa buhay. Unti-unti na nahuhulog yung mga talulot niya. Ang nakakapagtaka lang, di siya natutuyo. Nahuhulog lang yung mga talulot niya.

Hinihintay niya nga ba ako? Sana nga… naghihintay parin siya.

Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy… pero may magic, na kung tawagin niya ay himala. Bakit?

Di ko rin alam eh.

At dito, nagtatapos ang kwento naming dalawa.

***

A MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon