***
Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy… pero may magic, na kung tawagin niya ay himala. Bakit?
Kasi—
May pumasok na isang doctor at nurse sa kwarto na pinaghihimlayan ko. Nagising tuloy yung mga magulang ko. At heto… habang pasimpleng tinatype ang bawat salitang nasa isip ko kahit nanghihina na yung mga kamay ko… nakikinig ako sa sinasabi nung lalake.
Umiyak ang mga magulang ko. Ay mali pala. Humagulgol sila. Ako? Di ko alam kung hahagulgol o ngingiti. Ngingiti dahil makakasama ko na rin siya. Naalala ko tuloy yung guhit sa palad naming dalawa. Parehong maikli, mas maikli lang yung kanya. Napangiti ako… Kahit papano, nakatadhana parin kami.
Siguro nga, maramot ako. Wala naman talagang may alam kung makakasama nga ba natin ang minamahal natin sa kabilang buhay diba?—kung meron man. Hindi na yun mahalaga sa kin. Sabi nga nila… faith na daw natin yun. Naniniwala akong hinihintay niya ko. Hindi ko kaya na paghintayin siya… Kaya, eto na… Papunta na rin ako.
Kung ilalagay ko siguro ang pangalan niya sa dictionary, ang ilalagay ko: one who could make you believe that miracles DO exist.
Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy… pero may magic, na kung tawagin niya ay himala. Hindi na dapat tinatanong kung bakit, dahil may mga bagay na walang hanggan ang tanong, kahit na walang sagot.
BINABASA MO ANG
A Miracle
Ficção AdolescenteThis is the first story on the net that I read and it made me cry a lot kaya gusto ko sanang i-share sa mga wattpad readers and I know may iba sa inyo na nabasa na ito :) enjoy!! - - - - - - - - - - - - - -