CHAPTER 13 [The Lullaby]

3.6K 72 0
                                    

***

Nagbuntong hininga ako. Mejo malapit na rin ang pasko, pero kung tutuusin mejo malayo pa. Iniisip ko kung anong pwedeng iregalo sa kanya. Bestida? Notebook? Headband? Ano bang magugustuhan niya?

“Ano bang gusto mo iregalo ko sayo?”

“Yung kaya kong dalhin sa kung saan man ako pupunta.”

Heto, nasa sofa ako ng bahay nila. Ayoko na kasing mapagod siya kaya ako na lang tong pumupunta. Buti nga sembreak, kaya mas marami akong panahong asikasuhin siya.

“Matutulog muna ako.”

“Dito ka na.”

“Hindi ka kama.”

“Pwede din.”

“Gusto mo bang mauna kesa sa kin?”

“Joke lang. Sandal ka na lang.”

“hindi ako nakakatulog pag sandal lang.”

“Ganon. Sige tara.”

Hawak hawak ko yung kamay niya, pumunta kami dun sa kama niya. Kaso, napapansin ko na mas humihigpit ang hawak niya sa kin habang tumatagal. Pero, sinasantabi ko na yun. Ang mahalaga yung kasalukuyan.

Ako yung unang pumunta sa kama niya. Nakaupo lang ako dun at nakasandal dun sa pader. Tinitigan lang niya ko, siguro nagtataka siya kung anong gagawin ko.

“higa ka.”

Ngumiti siya. Siyempre, nabighani ako sa mga ngiti niyang yun. Humiga siya sa may hita ko. Pinagmasdan ko siyang matulog, para talaga siyang manika. Sinusuklay ko yung buhok niya. Ngumiti ako. Ano kaya pag nakabestida ulit siyang pula, yung tulad nung nakita niya yung ex niya? Tapos kulot yung buhok niya. Siguro, pagkakamalan siyang manika talaga.

Mga dalawang oras ako nagdadaydream. Halos bawat minuto tinitingnan ko kung humihinga siya dahil natatakot ako na baka hindi na. Sa dalawang oras na yun, ang iniisip ko ay yung hinaharap naming dalawa, na hindi ko alam kung makikita ko nga.

Kinuha ko yung iPod niya at yung malaki niyang headphones. Pati yung teddy bear niyang si Autumn, tinabi ko sa kin. Nilagay ko yung headphones sa tenga ko, at nagpalipat lipat ng kanta. Puro rock, metal rock, emo rock, opm rock, meron ding religious rock. Hininaan ko yung volume dahil baka magising siya bigla.

Habang nagshushuffle ako ng kanta, isa dun, napansin ko. Paano, eksakto kasi habang natutulog siya, ang sarap ipang lullaby sa babaeng pinakamamahal ko. Ngumiti ako, at dahan dahang hinaplos yung mukha niya habang natutulog. Hindi ganon kaganda yung boses ko—sa tingin ko—kahit sabi ng iba ayos daw. At nang marinig ko na, nagumpisa na ang munti kong hele para sa prinsesa ko.

gising na buksan ang iyong mga mata gising na halina at silipin ang pagdilat ng umaga tahimik at saksakan ng ganda

Gusto kong umiyak habang kinakanta ang bawat linya. Gusto ko siya gumising, para makasama ko na ulit siya, para masabi kung gano ko siya kamahal—kahit na alam kong hindi ko maipapaliwanag sa kanya.

gising na nandiyan na ang umaga gising na nais kong makita ang ngiti sa iyong mukha at pungay ng iyong mga mata

Natawa ako. Habang kinakanta yung pangatlo at pangapat na linya. Dalawa sa mga napansin ko sa kanya nung una kaming magkita ay yung misteryosa niyang ngiti… at yung mga mata niyang parang binili pa sa isang diamond shop.

kanina pa kita pinagmamasdan kanina pa kita tahimik na binabantayan hindi gumagalaw, hanggang wala ang araw sadyang nakatanga, nakatitig lang sa iyong mukha

Nagbuntong hininga ako sandali. Hinahaplos ko parin yung mukha niya. Taimitim siya natutulog, hay. Ang ganda niya. Bat ba ako lang ang nakakapansin sa ganda niya? Sabagay, ako lang naman tong naglakas loob na kilalanin siya.

gising na nandiyan na ang umaga gising na mayroon sana akong gustong sabihin sa iyo na di mapaliwanag ng husto

Tumpak. Meron nga. Gusto kong sabihin sa kanya na, gusto ko siya mabuhay. Gusto ko siya makasama habang buhay. Gusto ko maramdaman ulit yung katawan niya, na parang yumakap ako sa apoy. Gusto ko maramdaman yung mga maliliit niyang labi na yun, na parang humahalik ako ng isang anghel.

gising na nandiyan na ang umaga gising na hindi ko maintindihan ba’t di mapantayan ang kasiyahan na nadarama tuwing nandyan ka

Bat nga ba? Araw-araw ko siyang kasama, pero kahit kailan hindi ako nagsawa… kahit ba tahimik lang kaming dalawa habang siya nagbabasa ng libro at ako gumagawa ng assignment o kung anong pwedeng gawin habang magkasama kami.

Binabalak ko nang sabihin na minamahal kita Kasabay ng pagsibol na wala na yatang igaganda pa Naisama ang ginaw, at ang lamig ng araw Ngunit dala ng kaba, hindi ko na yata kayang magsalita

Oo nga. Paano ba to. Hanggang ngayon hindi parin niya alam. Gusto ko siyang gisingin, pero bigla kong natandaan yung huling berso ng kanta.

Nakakainis isipin na di ko alam ang gagawin ngunit walang magagawa di pa kayang aminin ang pagkakataon ay dapat pang palampasin di na lng kita gigisingin

Ngumiti ako at bumuntong hininga ulit. Oo nga, siguro nga dapat ko munang palagpasin tong pagkakataon na to. Ayoko siyang mapagod… ayokong isipin niya kung anong kailangan niyang sabihin.

“Maganda naman pala boses mo.”

Nagulat ako nung sinabi niya yun. Gising na pala siya, hindi man lang niya sinasabi. Kanina pa kaya siya gising? Narinig kaya niya yung pagkanta ko?

“Tula nga eh.”

“Maganda parin.”

Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya. Nanlaki yung mga mata ko, kinabahan bigla. Narinig kaya niya? Aaminin ko na kaya? Eto na kaya? Eto na ba?

“Mar—”

“Nathan.”

“Bakit?”

Tiningnan lang niya ko. Akala ko nga iiyak siya, pero hindi. Kumikislap lang pala yung mga mata niyang yun. Ano kayang sasabihin niya? Kinabahan ako.

“Nathan, takot ako magmahal.”

Parang umalis yung kaluluwa ko sa katawan ko. Takot siya magmahal… paano ko sasabihing mahal ko siya? Nathan magsabi ka ng kahit ano.

“Bakit? Takot ka bang masaktan?”

“Hindi.”

“Eh ano?”

“Takot akong masaktan yung magmamahal sa kin.”

Mula sa pag-alis ko ng bahay nila hanggang sa pagtulog ko sa kama ko, iniisip ko yung sinabi niya. Hanggang sa dulo, iba parin ang iniisip niya. Siya lang ata ang taong ayaw na mahalin siya, dahil sa takot na baka masaktan yung taong magmamahal sa kanya.

Wala naman akong pakielam kung masaktan ako eh. Pero, kung eto ang gusto niya, pipilitin kong sundin. Ibabaon ko na lang siguro hanggang sa hukay yung pagmamahal ko sa kanya. Sana… sana nga magawa ko.

A MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon