Chapter 35

19 1 1
                                    

I was busy the whole day and I didn't get to update Raphael. Pagkauwi ko na ng hotel siya nasabihan sa lahat ng nagawa ko sa araw na ito.

I know it was bad that I wasn't able to send a single text man lang. But I was really uber busy a while ago. I wasn't able to check my messages.

Raph understood why I wasn't able to chat or text him. The next day, ganun din ang nangyari. And he said he already assumed for it to happen so I don't need to worry about updating him.

Tuwing gabi na lang talaga kami nagkakausap since busy din siya. Kaya naman miss na miss ko na siya kahit dalawang araw pa lang kami dito.

Sa ikatlong araw naman ay nagkataong birthday daw ng anak ng kliyente namin. Kaya inimbitahan kami sa party nila doon sa bahay nila sa Consolacion na medyo may kalayuan pala sa Cebu City mismo, considering the traffic.

Nagbihis muna kami sa hotel na tinutuluyan namin kasi pawis na din naman kami kakatrabaho don sa site. Semi-formal daw yung party, buti na lang may dala akong maxi dress. It really pays to be ready with an OOTD. Pinahiram ko pa si Mara kasi di siya nakapagdala.

I placed my phone on my bedside table after messaging Raph that we will be going to a birthday party. Nagpunta muna akong CR para magmake-up ng light lang. I heard Mara knocking on my door.

"Jaz! Tara na daw! Andyan na sundo natin."

"Oo wait lang!" Kumaripas ako ng takbo palabas ng CR pagkatapos kong makapag-apply ng lipstick. Kinuha ko agad ang small shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto.

May pinadala kasi yung client na driver at kotse nila sa hotel namin para sunduin kami. Nakakahiya naman kung paghintayin pa namin.

Habang nasa daan, naalala kong di ko pa pala nachat si Raphael na nakaalis na kami. Hinalungkat ko ang aking maliit na bag at nalamang hindi ko pala nadala ang phone ko.

Shet, nandon nga pala sa bedside table. Don ko yun iniwan bago mag CR. Ugh, why didn't I remember it before walking out of the room?

"Mars, may pantawag ka ba or text?"

"Waley me load teh."

"Or chat na lang? Free data."

"Sige try mo," sabi ni Mara sabay bigay nung phone niya.

Agad ko namang nisearch ang pangalan ni Raphael sa messenger ni Mara para ichat siya, hoping na titingin yon sa message requests nya. I told him that I left my phone and on the way na kami sa party.

Kaso ayaw masend. Hollow circle lang ang nasa tabi nung message.

"Mars, bakit ayaw masend?"

"Yan din problema ko sa phone ko, teh! Ayaw niya magsend pag free data lang. Need nya ng load. Ewan ko ba bakit ganyan. Diskriminasyon."

"Seriously," I sighed the word.

Ayokong magtanong kay Drake kung may load ba siya. Matapos yung pag-uusap namin kahapon, ayoko na munang makipag-usap muli sa kanya.

Siguro naman maiintindihan pa din ako ni Raph kapag mamaya pa ako makakapagchat. Ugh, ayoko sanang mag-alala siya sa akin pero anong magagawa ko, naiwan ko yung phone eh!

Nakarating na kami sa bahay nung anak ng may-ari. They welcomed us warmly. Sa hilera ng pagkain, yung unang kumuha ng atensyon ko ay ang lechon. Masarap daw talaga ang lechon sa Cebu. Kaya naman, iyon na agad ang pinunterya ko.

Habang nakain kami nina Mara, Drake, at ng iba pa naming kasamahan sa project na nagmula sa ibang kompanya, nahagilap ng aking mga mata ang isang pamilyar na pigura.

I squinted my eyes to see clearly. At di nga ako nagkakamali, it's really Wella. Nakibeso siya don sa birthday girl. Mukhang kabarkada pala niya ata.

Oh, what a small world.

The Boy Next Door (Ikalawang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon